CFTF 19: DJ and Mack

1.8K 117 14
                                    

**** Note from the author****

All names that are used in this story are all made up.  Some places maybe real but they were the places that I had visited in the past, some are real and some are made up.  The familiarity of the story are all coincidental. Please do not take all or parts of my story without my permission. 

Thank you. Happy reading to all.





---------------------

"Tumawag na ba kayo kay hepe?"

"Hindi pa, pero tatawag na ako ngayon."

-------------------








(Chronicler)

Isang linggo na ang nakakalipas at hindi pa rin maka-usap ng maayos ni DJ si Mack. Palagi lang itong tahimik at minsan naman ay tulala. Sinubukan na rin niyang aliwin ito ng ibang kwento, kwento na tungkol sa mga designs nila. Pinakuha pa niya yung ibang mga designs kay Ramon. Maging si Jen tumutulong na rin sa pag-aliw sa kanya.

Limitado ang kilos ng mga tao sa paligid niya. Hindi lang dahil sa naninimbang kung kelan siya makikipag-usap kundi ang sitwasyon na kinasasangkutan ni Ann at Zander. Bigla na lang nawala si Ann kaya parang sinisilihan ang mga puwet ng lahat. Maging ang ama nito ay nahihirapan na rin sa paghahanap sa kanya. At dahil hindi pa rin naiiuwi ng tatay niya si Sheri para maipagamot, ay nandito pa rin si Mack sa condo ni DJ. Paranoid lang naman kasi si DJ kaya hindi pa rin sila umuuwi ng lumang bahay.

Mahuhuli naman kasi dapat si Ann ng gabing yun, kaya lang, nabulabog lang ng dumating si Lena at Jen. Dahil sa atat na makapasok ng gate si Lena ay pinindot nito ng pagkalakas-lakas ang busina kaya ayun, tumalilis si Ann sa hindi alam na direksyon. Maging ama nito ay dismayado sa nangyari, pero wala na silang magagawa. Nawawala si Ann.

"Mack, nakahain na, kain na tayo." Pag-aya niya dito. Hindi naman ito sumagot. Nasanay na rin si DJ sa ganitong routine ni Mack. Kikibo lang pag gusto niya, pag ayaw naman niya ay wala... panis ang laway nilang pareho.

Lumabas na si DJ ng kwarto at dumiretso na siya ng kusina at umupo na. Maghihintay na lang siya kay Mack. Lumalamig na ang pagkain, wala pa ring Mack na lumalabas. Walang may bumababang Mackenzie. Napipikon na si DJ pero iniiwasan niyang magalit dahil hindi rin naman madali ang dinadaanan nito pero hindi na niya kaya ang ganitong sistema, hindi na rin niya alam kong anong gagawin niya. Tumayo si DJ para puntahan uli si Mack sa kwarto nito. Kumatok siya sa kwarto nito at naghintay. Umupo na lang siya sa sahig sa harapan ng pinto nito.

"Mack? Mack? Please, will you open the door? This is getting ridiculous. Wala na ba talaga tayong magagawa para masulosyunan ang sitwasyon natin? Ganito na lang ba talaga tayo palagi? Walang imikan? Walang kibuan? Walang usapan? Kahit tinginan wala na rin ba?" Tanong niya sa labas ng pinto. Naghintay siya ng may sasagot pero katahimikan lang ang kanyang nakamit. Tatayo na sana siya ng bumukas ng kaunti ang pinto.



-----------



(Dwaine)


"Deej, I'm afraid with what is waiting out there." She said quietly. She's sitting on the other side of the door, sitting on the floor somewhat facing me. I pushed the door wide open. She moved her legs so it won't hit by it.

"Why are you afraid, Mack. You know I'll always be here for you." She looked at me with a blank expression. She looks so tired. Kahit ako man ay mapapagod din dahil sa mga nangyayari.

Can't Fight This Feeling 1Where stories live. Discover now