CFTF 23: This Must End

1.9K 99 24
                                    

A/N: Ipagpaumanhin po ninyo ang pagkawala ko panandalian. Naging busy po kami sa promotion ng IYAM dito sa LA at medyo nag-inadik po kami ng panonood at manunood pang muli. hehehe. Maraming salamat po sa paghihintay.








---------

Ang Nakaraan: May aninong di mapakali. Aninong di mawari. Aninong pilit na nanggugulo. May nagmamahalang hindi na mapigil ang damdaming handa ng sumuko sa tawag ng pag-ibig ngunit mauudlot dahil sa takot. Takot na maaring ikasakit ng bawat damdamin. Ano ang dapat nilang gawin? Pagtakas nga ba ang sagot sa takot na nararamdaman? O sapat na ang nararamdaman ng bawat isa para paglabanan ito?



(Chronicler)

"Deej, I want to go back to New York.  I want to get away from the Sheri's trouble, at least if I am there you can do what you need to do without worrying about me.  And Zander can't get close to me.  He'll have a hard time to get near me.  Kasi kung dito lang ako baka mas lalong mahirapan kayo."  Paliwanag niya.

Alam naman na niya kasinungalingan lang iyon, dahil hindi yun ang totoong dahilan niya at hindi tanga si DJ para hindi niya malaman na nagsisinungaling lang si Mack, na nagdadahilan lang ito at hindi yun ang totoong rason.  At dahil mahal siya nito, hindi siya pipilitin ni DJ na magsalita pa.  Susulitin na lang ni DJ ang mga panahon na nandito siya hanggang sa araw ng pag-alis nito.  Napag-isip-isip ni DJ na kung yun ang makakapagpaluwag sa loob niya at makakapagpasaya sa kanya ay ibibigay niya ito.  Wala eh, mahal niya si Mack, at dahil sa pagmamahal na yun ay ipinangako niya sa sarili na hahanapan niya ng paraan, kahit na anong paraan, kahit na masakit, maging masaya lang si Mack. 

"Kung yan ang gusto mo hahayaan kita, pero hindi ibig sabihin I'm giving up on you.  Kung magiging masaya ka sa pagbabalik mo sa New York, masaya na rin ako."  Pahayag niya dito.

Nabalot na naman ng katahimikan ang buong kwarto ni DJ.  Hindi na rin nagsalita si Mack.  Nasasaktan siya sa mga binibitawang salita ni DJ.  Hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang mabuti sa buhay at merong lalaking nagmamahal ng ganito sa kanya.  Lalaking handang magbigay ng kahit ano maging masaya lang siya.

"Deej, hindi naman yan ang ibig kong sabihin......"  Pinutol ni DJ ang kung ano pa mang sasabihin ni Mack. 

"Just don't say anymore word." Yun lang ang nasabi ni DJ.  Baka lang kasi masaktan siya lalo sa maririnig. 

Ang tao minsan mas gugustuhin pa natin na wag na marinig ang mga sasabihin ng taong mahal natin na sa pag-iingat na masaktan, pero ang hindi naman natin inintindi at ang hindi natin alam ay ang kailangan talaga nating marinig ang mga sasabihin nila, pero katulad nga ng nakasanayan na natin ay ang wag makinig.  Sa isip kasi natin ay okay na yun, pampalubag loob sa sarili kumbaga.  Eh paano kung ang sasabihin ng taong mahal natin ay sumasang-ayon sa atin?  Paano kung ang sasabihin niya ngayon ay ikakasaya ng puso mo?

Nalulungkot si Mack dahil hindi siya mapagbigyan ni DJ na sabihin ang gusto niyang sabihin pero naiintindihan niya rin ito.  Hindi naman siya manhid at tanga para hindi maramdaman ang nararamdaman ni DJ.  Natakot lang kasi siya, kaya kung pwede lang niyang pigilan ang nararamdaman dito ay gagawin niya, kahit na isinisigaw na ng puso niya ang kabuuan ni DJ, pero bakit ganon, kung kelan sigurado na si DJ sa nararamdaman niya ay ito naman ngayon si Mack ang hindi.  Magulong pag-ibig, yan ang meron sila.  Hindi ito basta-basta lang taguan ng damdamin kundi isang malaking pigilan ng damdamin.  Sabi nga ng lyrics ng kanta ng REO Speedwagon.....

Oh I can't fight this feeling any longer
And yet I'm still afraid to let it flowWhat started out as friendship,Has grown strongerI only wish I had the strength to let it show

Can't Fight This Feeling 1Where stories live. Discover now