CFTF 45: I Have To

1.3K 92 60
                                    

A/N: Maaring painful update ito para sa iba, magtabi lang po ng tissue... Joke! Mawawala po ako ng mga dalawang linggo, paumanhin lang po kasi midtern is coming at review week na po. Maraming salamat sa pagtangkilik. #ALDUBYouALWAYS

————————

"Anyway, nakita nyo ba si Mack?"

"Wala ba talagang magsasalita sa inyo?"

"Nobody had seen my daughter?"

"Kuya, don't be paranoid, nagpapahangin lang siguro yun."

"Sana sa pagpapahangin niya ay wag siyang matangay nito dahil this time wala nang maghahanap sa kanya."

〰️ 〰️ 〰️ 〰️

(Chronicler)

"Sana sa pagpapahangin niya ay wag siyang matangay nito dahil this time wala nang maghahanap sa kanya."  Napalingon ang lahat kay DJ.  Napakunot ang noo ng ama sa tinuran niya.

"DJ, what is wrong with you. I know you don't mean that. I know na nag-aalala ka rin kay Mackee." Sambit ng ama.

"Maaari nga, dad. Pero siya? Nag-aalala ba siya sa akin?  Naiisip ba niya kung ano ang nararamdaman ko sa tuwing iiwan niya ako? May hangganan din ako, dad." Paliwanag nitong nakadiretso lang ang nakakapasong tingin ni DJ sa ama. Nakakapasong tingin na may namumuong mga luha, halos garalgal ang kanyang boses.

"DJ!  Stop it now!  What has gotten into you?  You know Mack loves you. Naguguluhan lang yun.  Hayaan mo muna siya."  Sambit ng ama niya sa kanya.

"Talagang hahayaan ko na siya. Kasi ang tingin niya, siya lang ang naguguluhan at ako hindi?  Lahat kayo, siya ang iniintindi, paano naman ako?  Naguguluhan din ako, may nagtanong ba sa inyo? Nakakapagod na."  Madiin at matiim na sambit ni DJ.  Hindi gulat ang makikita sa mga mukha ng lahat kundi pati pangingilabot at awa. Tama nga si DJ, nasasaktan din siya at hindi nila ito inintindi.

"Jay, I know you don't mean that. You are just confused. Mack is just confused, that's all. Babalik din yun maya-maya." Malumanay ang ginawang pagkausap ni Rashid sa kanya. Tumango-tango lang ang karamihan.

"Good. Doon naman siya magaling eh, ang umalis. Yan naman ang gawain niya, di ba? Ang umalis ng walang paalam at babalik kung kelan niya gusto? Sana sa susunod na pagbalik niya ay may babalikan pa siya.  Dahil hindi ko sigurado kung nandito pa ako para maghintay sa pagbabalik niya. Sana naman matuto siyang tumigil at harapin ang problema na kasama ako." Yun lang ang sinabi ni DJ at tinalikuran na ang lahat.

"Jay, take that back. We know you don't mean that."  Sigaw ni Zander sa kanya. Natigilan si DJ sa sinabi ni Zander at humarap uli ito sa kanila.

"Mabuti ka pa alam mong 'I don't mean it'. Ako? I know I mean it."  Sagot niya dito ng hindi lumilingon.

Tumuloy siya sa ikalawang palapag ng resthouse kung nasaan ang mga kwarto. Unti-unti niyang niligpit ang mga gamit niya. Isa-isa niya itong inilagay sa kanyang maleta. Pati ang kumot na ginamit nila kagabi ay dinala na rin niya. Hindi niya alam kung bakit pero mas mabuti nang dalhin iyon. Inayos niya ang kwarto. Ayaw niyang iiwan ang pagliligpit kay Mack. Gusto niyang kung sakaling bumalik man ngayon ito ay makakatulog ito ng maayos. Pumatak na naman ang luha niya ng maalala ang minamahal na dalaga. Patak ng mga luhang gusto niyang iwasan dahil hindi ito tama. Pero wala siyang magawa dahil kusa itong lumabas. Kusa itong nagwawala.

Can't Fight This Feeling 1Where stories live. Discover now