CFTF 47: Stranger

1.3K 76 66
                                    

Owtor's Nowt: Advance update. Natapos ko kasi kaagad dahil pati ako ay hindi mapakali. Can not concentrate. hehehehe. Enjoy lang po kayo. Hope you like it.


(Chronicler)

Ano ba ang meron sa kahapon at wala itong sawa sa panggugulo sa buhay ng tao, mapahinaharap man o mapakinabukasan.  May mga bagay na naiwan sa kahapon na dapat ay doon na lang nagtitigil at hindi na kailangang bumalik pa. Di ba nga ang patay ay inililibing and they're buried for eternity, kahit mahal na mahal natin sila, sana ganun din sa kahapon. Kapag umuulan at maputik sa labas, di ba nililinis natin ang bakas ng putik na nadala natin sa loob ng bahay? Sana sa kahapon ay ganun din. Walang marka. Walang bakas na dapat maiwan para wala ng babalikan pa. Hindi naman katulad ng pagkawala mo sa kagubatan na kailangan mag-iwan ng bakas para kung sakaling may maghanap sa iyo ay makita ka kaagad. Hindi yan katulad ng isang nursery rhyme na gustng-gusto nating kantahin noong mga bata pa tayo para lang makapaglaro sa labas ng bahay kapag si Haring Ulan ay nagpumilit na dumaan: Rain, rain, go away. Come again another day. Little children wants to play. Di ba? Parang isang line sa kanta na ni John Lennon: Yesterday, all my trouble seems so far away, Now it looks as though they're here to stay. Is it here nga ba to stay?

Walang tulog, walang pahinga. Parang nakipaghabulan sa kanya si Bb. Tadhana at ayaw niyang maabutan siya nito. Galing ng domestic airport, tuloy sa condo niya at balik sa international airport at tuloy na ito sa eroplano. Hinanap ang seat number niya, nung makita ay nilagay ang kanyang carry on sa overhead luggage compartment. Umupo na sa kanyang upuan. Tahimik niyang ipinagpasalamat na sa tabing bintana siya naipwesto. Ilang saglit lang ay nauna pa sa eroplanong lumipad ang diwa niya sa kawalan. Sa wakas nakatulog na rin siya.

Naalimpungatan siya nang may tumapik sa kanyang balikat at ang unang pumasok sa kanyang isipan ay kanyang kambal, si Cindy, mahilig kasi siyang guluhin nito.

"Mae, will you stop it?! Leave me alone."  Mahina niyang sabi sabay tapik ng kamay ng inaakala niyang kapatid.

"Sir, are you okay? I just wanted to know if you need anything, sir."  Malumanay na sambit ng isang tinig ng babae. Mabilis niyang inayos ang kanyang pagkakaupo ng mapagtantong hindi iyon si Cindy. Napangiti ang babae sa tinuran niya. Kilala niya ang babaeng ito. Hindi siya pwedeng magkamali, kilala niya ito. Pero bakit nandito ito? Nilingon ni DJ ang ibang mga pasahero, sinisiguro niyang nasa tamang flight pa rin siya nang makita niya na nandoon din ang isa nitong kasama.

"Chai? What are you doing here?"  Gulat na tanong niya dito.  Pinasusundan ba siya ng daddy ni Mack? "Were you sent here to follow me? To stop me?" Dugtong pa niya na iling lang ang isinagot sa kanya ng dalaga.

"I'm working here. What are you doing here? Why aren't you in Romblon?"  Sunud-sunod na tanong ng dalagang flight attendant sa kanya.  Hindi na siya kumibo, tinantiya niya ang ekspresyon sa mukha nito, pagdaka'y ibinigay niya dito ang kanyang ticket at boarding pass.  Mabuti na lang hindi karamihan ang pasahero ngayon. Pasukan kasi kaya wala gaanong flyers.

"No, sir.  That's not what I was going to ask.  I just wanted to ask you if you need something to eat."  Sambit ng dalaga.

"Ahh... No.  I'm fine."  Maikli niyang sagot dito at humalukipkip na lang.  Umaasang aalis na ito kaagad, pero nabigo siya.

"So, you're going to Canada."  Para namang hindi tanong, naisip ni DJ. Paano niyang nalaman?

"No. Yes. Maybe. I don't know. I changed my mind. I'll cancel that one when I get to China."  Sagot niya dito. hindi niya alam kung bakit siya nagpapaliwanag sa babae. May bumabangon na inis sa kanyang puso.  Pinasusundan ba talaga siya ng ama ni Mack?  Kung totoo man ito o hindi ay kailangan siyang maging wise at maingat. Hindi pa niya kayang makita ang mga ito. Isang linggo lang o di kaya isang buwang lang.... makapag-isip lang siya ng mag-isa. Kahit yun lang. Kahit ngayon lang.

Can't Fight This Feeling 1Where stories live. Discover now