CFTF 36: Isla

1.9K 95 34
                                    

---------------

Sa wakas, nailabas na rin nila ang sariling sila. Ang tunay na sila. Na hindi nagtatago o kumukubli sa likod ng kanilang takot, hiya, tradisyon at kung ano ano pa. Yun bang sabi nila sa english na 'raw emotion', yun lang, wala ng iba, tunay at organic.

----------------

(Ramon)

Isang linggo na rin silang masaya at balik na sa normal ang lahat. When I say back to normal, ibig sabihin yung DJ at Mack normal. Halos hindi mapaghiwalay. Halos magkapalit na ng mukha. Hahaha. Just kidding. Pinalayas namin sila para makapagbakasyon nang silang dalawa lang doon kabilang isla. Si Ruth na ang nagplano dahil kahit papaano ay nakasanayan na niya ang buong isla. Pati na rin ang mga karatig isla.

Unang destinasyon nila? Fort San Andres at pagkatapos ay sasakay sila ng bangka papuntang Lugbung Island at sana mag-stay sila doon ng kahit dalawa o tatlong araw pa. Mas mabuti na yun at ng makasanayan na nila ang isa't isa. Nang makasanayan na rin ni Mack na kasama si DJ. Nakakatuwa lang makitang masaya na rin ang kaibigan at pinsan ko sa wakas.

Isang linggo na, nasa Romblon pa rin kami. Nakalimutan na yata ni DJ ang pinunta niya dito sa Romblon. Nakalimutan na yata niya may problema kaming inuwi dito. Inuwi talaga? Natanggap na rin namin ang scale model ng patio design at ang portfolio ni Mack. Hinihintay na lang ang pagbabalik ng nanggugulo.

"Ruth, may tawag na ba yung nagke-claim na may-ari ng design ni Mack?" Nung una ang akala ko ay si Mack ang nagke-claim para lang mapauwi dito si DJ. Kasi naman minsan ang mga babae ay marami ding kadramahang alam eh. Kahit si Jen ay aminado na ganon nga. Darating ang buong Manila team namin ngayon para makatulong dito habang nakabakasyon si DJ. Pwede naman kasing naka-close lang yun doon. May forward calling na kaya ngayong panahon.

"Kuya Mon, hindi pa po tumatawag, eh. Wala pa rin pong email. Hindi pa rin kumukontak yung abogado niya." Napapakamot siya ng ulo. Nakakunot pa ang ilong niya. Maganda din naman ang batang ito, pero bakit parang walang may nanliligaw dito. Mukhang napipikon na rin ako dahil halos dalawang linggo na ring walang imik yung babaeng yun. Hindi naman ako katandaan sa kanya pero mas gusto niyang tawagin akong kuya, eh di sige.

"Ruth, ano nga ba ang pangalan nung babaeng yun?" Nasabi na niya minsan ang pangalan nun, pero bakit hindi mapasok pasok sa isip ko.

"Marie Ilene Everson daw, Kuya." Napa-isip ako. Bakit parang familiar ang apelyidong yun. Saan ko ba narinig yun? "Bakit. Kuya? Kilala mo ba?" Napansin niya siguro ang pangungunot ng noo ko.

"Hindi ako sigurado pero parang pamilyar ang pangalan niya. Narinig ko na yan dati. Hindi ko lang maalala kung saan." Nakakasakit ng bumbunan ang problemang ito.

"Ay Kuya, tumawag si Jen kanina, on time daw po ang alis nila kaya maaaring on time din po ang dating dito. Ipapasundo ko po ba sila kay papa?" Oo nga pala ngayon nga pala ang dating nila.

"Wag na, ako na lang. Hayaan mo na lang magpahinga si Manong Rolly." Sabi ko sa kanya na ikinangiti naman nito.

"O bakit? Anong nginingiti ngiti mo diyan?" Malakas din ang tama ng batang ito.

"Wala naman. Nakakatuwa lang kasi kayong magkaibigan, ang bait nyo sa mga empleyado nyo kaya kahit sino dito sa warehouse ay walang reklamo sa inyo. Kahit may mga problemang dumarating sa inyong lahat, tapos parang hindi kayo nauubusan ng kasayahan. Parang kahit may problema ay okay lang. Keri lang. Paano nyo nagagawa yun?" Ayos na analysis yun ah.

"Hindi ko rin alam Ruth, basta pag nandiyan na yung problema, nahahanapan namin ng solusyon minsan by accident pero kadalasan tulungan kami." Mabait itong si Ruth. Ruthless nga tawag ko dito minsan, kasi hanep sa galing sa computer, parang hacker din kung minsan. Does this answer my question earlier kung bakit wala pa siyang boyfriend o manliligaw man lang? Anyway. . . .

Can't Fight This Feeling 1Where stories live. Discover now