CFTF 18: Paruparo

1.9K 113 46
                                    

A/N:  Early update ko para sa inyo kasi ang babait ninyo at napaka mga pasensyoso pa, kaya ito ang premyo nyo.  And besides, pauwi kasi ang Alden ng buhay ko kaya medyo magpapabebe muna ako.  Matatagalan akong mag-update uli.  Maraming salamat sa pagtangkilik nyo ng story kong ito.  Aldub all the way po.  Happy 51st weeksary.  Fifty-one weeks na puno ng kilig, saya, aral at luha.  Wishing Aldub/Maiden would have more years to come. 


-------------------

"Si Mack!" Malakas na sambit ni Carding.

Halata ang pag-aalala sa mukha nito.

Kuyang kuya ang dating.

-------------------




"Sino si Mack?" Tanong ni Mr. Bustamante.

"Girlfriend ho ng kambal ko. Anak ng asawa ni daddy." Pataray na sagot ni Cindy.

Napatingin silang lahat sa kanya. Patango-tango lang si Mr. Bustamante, nakangiti lang si Carding. Si DJ? Ayun nakatingin ngayon sa kambal niya na parang nagtatanong kung bakit niya yun sinabi. Bakit siya nagsinungaling. Bakit hindi sinabi ni Cindy ang totoo. Kumindat ang kambal niya sa kanya. Hindi man niya naintindihan ang ibig sabihin ni Cindy ay tumahimik na lang siya.

"Delikado siya kay Ann. Hindi namin alam kung ano ang kaya niyang gawin but she is very much convince na ikakasal kayo at wala kang ibang pwedeng makatuluyan." Kwento nito sa tatlo.

"Well, hindi naman tayo pwedeng umalis ngayon mismo dahil ang flight natin ay bukas pa ng tanghali, Tito, sa bahay na lang po muna kayo tumuloy ngayon gabi, magpapabook na rin ako para sa inyo para makasabay na kayo sa amin bukas." Sabi ni Carding.

"Ah pwede naman tayong umalis ngayon pabalik ng Manila. Kung nandoon si Ann kailangan ko siyang mapuntahan. She needs her medication. Baka mas lalong lumala ang kondisyon niya. I'm sorry talaga sa mga kalokohang ginagawa ng anak ko." Paghingi ng paumanhin ng matanda.

"Kaya mas lalong nagiging lokaloka yang anak nyo dahil kayo ang humihingi ng sorry para sa kanya, kaya hindi niya alam ang ibig sabihin ng consequences. Kaya-----" Pinutol ni DJ ang sasabihin pa sana ni Cindy. Halata mo sa mga mata niya ang inis at pagkapikon.

"Cindy, ano ba? If you have nothing good to say, just shut up okay!" Singhal ni DJ.

"Uhm, Tito Greg, pagpasensyahan nyo na po si Cindy. Sana po maintindihan nyo ang side niya." Sabat ni Carding.

"Okay lang yun, hijo. Tama naman ang sinabi ni Cindy. Ini-spoil naming mag-asawa si Ann dahil sa nag-iisang anak namin ito, but it's too late for us to actually see the wrong in everything she did. Nadamay pa sa kalokohan niya si DJ noon." Nakayukong sambit ng matanda.

"I'm sorry, Tito. I didn't mean to be mean. Nakakainis lang po kasi talaga si Sheri Ann. Kahit noon pang mga bata kami ay ganyan na yan. Lahat gusto niya kailangang makuha niya at pag hindi niya nakuha ay nagsusumbong sa inyo tapos kayo naman ni Tita ibibigay kaagad kahit pati ang mga lalaking magustuhan niya. Sorry po Tito, pero si Tita ang mas may kasalanan dito, dahil siya ang nangako kay Sheri Ann na ipapakasal niya sila ni DJ pagdating ng panahon." Pamaktol niyang sabi.

"Naiintindihan ko, Cindy, humihingi ako ng tawad sa inyo ngayon. Hindi mo ba talaga minahal si Ann, DJ?" Tanong nito sa kanya.

"Ginusto ko rin naman po si Ann, pero hindi ko alam kung gaano kalaki ang pagkagusto ko sa kanya, pero nawala rin po yun nung inakusahan niya ako ng rape. Pinatawad ko na po siya pero hindi ko na po pwedeng ilapit pa ang loob ko sa kanya. Sorry po, Tito. Maari ngang hindi ko lang talaga minahal si Ann. I didn't love her that much." Bukal sa loob na sagot ni DJ.

Can't Fight This Feeling 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon