CFTF 31: Romblon

1.5K 94 36
                                    




Bukas pa sana ang update ko, kaya lang naloka ako sa kaganapan sa KS kagabi, tapos ang lakas pa maka 'I Can't fight this Feelings' ng background kaya eto, gora na para magkita na sila... or are they?

————————

Paano na nga ba?  Ano ba ang mga nangyayari?  May banta sa buhay ni Mack.  May banta sa negosyo ni DJ.  Hindi malinaw ang mga nangyayari pero bakit hindi sumasagot si Mack sa mga tawag sa kanya.  Bakit hindi rin sumasagot si Kirstine sa mga tawag ni Zander?  May idea ba kayo sa mga nangyayari at mangyayari pa.  Kaya ba ni Mack at DJ ang humarap sa mga pagsubok nang magkalayo? Magkahiwalay?  Ano ang koneksyon nilang dalawa sa mga nangyayari at mangyayari pa? Sino ang nagbabanta sa kaligtasan ni Mack?

————————



(Chronicler)

Ilang araw na rin ang nagdaan, sa wakas makakaalis na rin sila. Nakahanda na ang pag-alis nila DJ at Ramon.  Mabuti na lang at hindi agad sila nakaalis dahil nagkaroon sila ng panahon na maka-usap ang lawyer nila.  Marami silang nalaman na pwede nilang gawin bago man lang sila humarap sa sinasabing babaeng nagmamay-ari daw ng design na gawa ni Mack.  nagmamadali si DJ na makaalis na para makabalik agad sila.  Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya na hindi dapat siya umalis at dahil sa siya ang may ari ng komapanya at sangkot siya sa "Copyright ek-ek"  o ano man tawag dito, sinabi ng Tito Jomari niya yun nung isang araw pero wala sa bagay na ito ang isip kundi nasa kung saan si Mack. 

"Jay, tara na. Naghihintay na sila sa baba."  Paggising sa diwa niyang naglalakbay na naman sa kawalan at karimlan na kung saan ay hindi niya rin alam, basta si Mack na lang ang nasa isip niya.  Mas lalong pinatindi ang pananabik niya sa dalaga dahil sa pangyayaring ito.  "Nay, Si Zander na po ang bahalang magdrive pabalik ng van dito."  Bilin ni Ramon sa ina.

"Nay, iiwan ko na lang po yung kotse ko diyan sa baba.  Kukunin ko na lang po pag-hatid ko mamaya kay Lena at Jen galing trabaho."  Paalala ni Zander sa kanya.  Alibi na rin niya yun para 'makaakyat ng ligaw' kay Lena.

"O sige na, magsialis na kayo at baka matraffic kayo at hindi pa kayo umabot sa eroplano."  Pagtataboy sa kanila ni Ising.  Natatawang naiiling na lang si Ruping sa mga naririnig mula sa kanila.

"Eh di lilipad nal ang kami ni DJ mamaya, nay."  Hindi alam ni Zander kung angbibiro ba itong si Ramon o ano, may problema nang kinakaharap si DJ at bilang kanang kamay ni DJ ay parang hindi siya apektado, parang excited pa siya at ang energy nito ay through the roof 'ika nga.

"Ya, Alis na po kami." Pagbabalewala ni DJ sa kaharutang ipinapakita ni Ramon.  Napipikon na siya dito kaya pinipilit nalang niyang balewalain.  "Mag-iingat po kayo dito ha.  Susie, wag mong pababayaan ang yaya na magtrabaho ng todo.  Ipangako mo sa akin na aalalayan mo si Yaya at si Tata."  Bilin nito sa kanya.  Ngumiti lang ang dalaga at tumango sa bilin ni DJ.  Alam na naman niya talagang malalagot siya sa kanyang Kuya DJ pag hinayaan niya ang yaya nitong mapagod.

"Dwaine Paul, umalis na kayo!  Kung anu-ano pa ang ipagbibilin dito sa batang ito.  Alam ko naman ang aking ginagawa."  Paangil na sagot ni Ising sa alaga.  May tunog pagmamaktol pa ito na lihim naman ikinabungingis ni Lena, Susie at Jen.  "Kayong tatlo?  Ano yang ibinubungisngis nyo diyan?  Pagkukurutin ko kayo diyan makita nyo!  Hala! Larga na."  Dugtong pa ni Ising.

"Oh, Nay, relax lang.  Alam mo naman itong si DJ kung mag-alala ay talo pa ang tatay eh.  Pagbigyan nyo na ho, walang irog na mapagbalingan ng kanyang pagtingin at pagmamahal!"  Sigaw ni Ramon mula sa kabilang bahagi ng sasakyan.

"Hoy, Ramon! Tumahimik ka na ha!  Kanina ka pa nanggugulo!  Magulo na nga ang isip ko guguluhin mo pa lalo!  Babangasin ko na yang mukha mo!"  Singhal ni DJ na may kasamang panggigigil, maging siya man ay nagulat sa kanyang kasagutan at hindi alam kung saan nanggaling ang bayolente niyang reaksyon, ganun pa man ay hindi na niya pinahalata.  Eto na yata yung sinasabi nilang boiling point ng isang tao.

Can't Fight This Feeling 1Where stories live. Discover now