CFTF 43: Musika ng Karagatan

1.6K 91 60
                                    


A/N: This was my birthday chapter. Hope you like. Let me know what you think. Thank you very much.


————————

"We followed him since he got here from the mainland and we found out that this man here is part of Ms. Everson's plans."

"Who's this?"

"IKAW?"

————————



(Chronicler)

Madilim ang paligid. Hindi niya alam kung gabi na ba o wala lang liwanag na pumapasok sa kung nasaan man siya ngayon. Ano ba ang lugar na ito? Naririnig pa rin naman niya ang hampas ng alon sa di kalayuan. Nagpalingalinga siya. Wala siyang makita.. Nahihilo pa rin siya. Nagulat siya nang may biglang tumayo sa harapan niya.

"Sino ka? Bakit ako nandito?" Tanong ni Mack sa kaharap. Pilit niyang inaaninag ang kaharap.

"Oh good, gising ka na. You are out for two days I thought this is going to be easy, pero nagising ka pa? I just hope you died in your sleep para tapos na kaagad." Bati ng kaharap na babae. Yun at least alam niya na babae ang kausap niya.

"Who are you? Where am I?" Pinilit maaninag ni Mack ang paligid niya tsaka niya lang napansin na nakatali pala siya. "Bakit ako nakatali? Sino ka? Bakit ako nandito?" Sunud-sunod niyang tanong.

"Well, I have to tie you. Baka mamaya makatakas ka pa eh." Sabi ng kaharap.

"Who are you? Did I do anything bad to you?" Tanong niya. Sinasakop na ng kaba at takot ang kabuuan ni Mack.

"Well, ikaw wala, pero ang daddy mo meron." Lumapit sa kanya ang babaeng kausap. Ngayon nakita na niya ang kabuuan nito.

"Ikaw? Ano ang nagawa ng daddy ko sa iyo at pati ako ay dinadamay mo." Tanong niya. Inis na siya sa kausap, ang bagal ng mga sagot nito. Kilala niya ito. Isa ito sa mga trabahador sa resto ng mommy niya.

"Walang ginawang masama ang daddy mo sa akin, pero sa mommy ko meron." Ayan na naman ang mga sagot niya. Kung wala lang itong hawak ng baril kanina pa niya ito siinunggaban.

"Marie, get straight to it. What do you want from me? Sinundan mo ako para dito? Ano ang makukuha mo sa akin?" Ano nga ba? Ano nga ba ang kailangan ng empleyado niya sa kanya.

"First of all, I didn't want anything from you, at oo, sinundan kita dito para makaganti na ako para kay mommy.. To get what's hers in the first place. You know how hard it is for me na magpanggap na server sa resto mo?" Sabi nitong nakapamewang. Tinitigan lang siya ni Mack. Naguguluhan ang isip niya dahil wala sa mukha nito ang pagiging masama. Nakikita niya ang sakit at pagkadisgusto sa mga pangyayari, pero sama, hindi niya kita. Hindi niya pansin.

"Is this what you really want? Ang maghiganti para sa mommy mo? Why? Ano ba ang nagawa ng daddy ko sa mommy mo? And why me?" Tanong niya dito.

"Bakit ba ang dami mong tanong? Tumahimik ka na lang diyan!" Singhal nito sa kanya.

"Oh my... Are you his daughter?" Nalilitong tanong ni Mack. Pero posibleng anak nga ito ng daddy niya.

"Eww! HELL NO! I am not his daughter." Nakakunot ang ilong nito at nandidiring sagot nito sa kanya.

"Kung ito na ang huli kong pagkakataon para malaman ang ginawa ni dad sa mommy mo, please tell me. There are things that I do not know about my father. I don't even know his family. So, for whatever you're fighting for, do shed a little light. Wala namang mawawala sayo di ba?" Susog niya dito. Hindi niya alam kung saan siya nakakuha ng lakas ng loob para magtanong. Alam naman niyang walang kapupuntahan ito. Isang empleyado lamang ito sa resto ng mommy niya, ng resto niya, tahimik itong palagi. Masipag at palangiti, hindi niya alam na may pinagdadaanan pala ito at ang ama niya ang may gawa.

Can't Fight This Feeling 1Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin