CFTF 20: Worth Fighting For

2.1K 119 55
                                    

**** Note from the author****

All names that are used in this story are all made up. Some places maybe real but they were the places that I had visited in the past, some are real and some are made up. The familiarity of the story are all coincidental. Please do not take all or parts of my story without my permission.

Thank you. Happy reading to all.

---------------------




(Chronicler)


"Mack?" Sambit niya at hindi makapaniwala na nasa tabi pa rin niya ito.

"Bakit diyan ka natulog? Bakit hindi mo ako ginising? Hay, naku. Kahit kelan talaga, oo." Napapailing na lang ito. Ginigising ka nga di ba? Ang arte mo.

Inihiga niya si Mack sa tabi niya. Pinagmasdan niya ang maamong mukha nito. Na-isip niya na hindi masamang ipilit na subukan na maging sila, dahil kung hindi ay baka ikasira ng ulo niya. Lalo pa ngayon na alam na niya kung ano ang nararamdaman ni Mack para sa kanya.

"I wasn't asleep you know. Narinig ko ang lahat ng sinabi mo, natatakot akong baka mahiya ka. Natatakot lang akong humarap sa iyo kasi baka bawiin mo. Natatakot din ako na baka hindi ko mapigilan ang sarili ako at..... Hay, naku. Bakit ikaw pa kasi ang tinubok ng puso ko. Kailangan ko nang matulog dahil kung hindi ay baka may mangyaring hindi pa dapat mangyari." Sambit niya sa natutulog na dalaga. Kita mo nga naman itong si DJ, may tinatago din palang kapilyuhan.

Pagkatapos ihiga ng maayos ang dalaga ay kumuha siya ng extrang kumot sa closet niya ikinumot sa dalaga. Humiga na rin siya sa tabi nito. Paglapat na paglapat ng likod niya sa kama ay napa-isip uli si DJ, ano na nga ba sila? Meron bang sila? Naka-angat ang brasong nakapatong sa ulo niya, naisip niya bukas na bukas, pag-gising nilang dalawa ay kakausapin niya ng masinsinan si Mack. Para siyang lasing sa antok. Nakatulugan niya ang isiping yun na may ngiti sa labi.



----------------



Umaga. 9:00.

"Napasarap yata ang tulog ko. Anong oras na ba?" Tumingin siya sa kaliwa niya, tsaka pa lang niya napansin na wala siya kwarto niya dahil wala ang digital clock na nakapatong dito.

"Ay bakit wala yung digital clock na nasa side table? I know it's always there. Nasaan ba ako? Teka hindi ko ito kwarto ah. Iba ang porma. I look around and came to realize that, yes, this is not my room. Nakalimutan ko nakatulog na pala ako sa kagigising kay DJ. Grabe naman yun, he sleeps like a dead man." Tuluy-tuloy ang takbo ng utak ni Mack. Naka-hyperdrive yata siya ngayon.

"Wait! I spend the night in DJ's room? Oh gosh, Mack, what were you thinking?" Malinis din naman ang kwarto ni DJ, walang gaanong gamit. Nakatupi na rin ang blanket niya.

"Hay, ayusin ko na nga ito ng makababa na. Kailangan kong maka-usap si DJ. It's got to be today, not tomorrow but today." Finally. Naisip na niyang ngayon na.

Tinapos niyang ligpitin ang pinaghigaan. Kung nasaan man si DJ ay hindi niya alam. Nagmadali siyang pumnta sa kwarto niya at naghilamos sabay na rin toothbrush. Nagbihis ng madalian, ripped jeans at isang simpleng white t-shirt na may naka-sulat na 'Aeropostale' sa harap at nagsuot ng simpleng white Tretorn rubber shoes. Sinipat niya ang sarili sa salamin. Natuwa siya sa simple niyang get-up.

Nang makontento ay lumabas na siya ng kwarto. Nagulat pa siya ng paglingon niya ay nakatayo lang si DJ sa harapan niya. Nabangga pa nga niya ito ng konti.

"Oh God, DJ. You scare the daylight out of me! What are you doing there?" Sabay hampas ng mahina sa braso nito. Napakalapad ng ngiti ni DJ sa kanya. Medyo naasiwa siya ng konti. Konti lang naman.

Can't Fight This Feeling 1Onde as histórias ganham vida. Descobre agora