CFTF 14: Hi Ric.

2.5K 135 29
                                    




**** Note from the author****

All names that are used in this story are all made up. Some places maybe real but they were the places that I had visited in the past, some are real and some are made up. The familiarity of the story are all coincidental. Please do not take all or parts of my story without my permission.

Thank you. Happy reading to all.








---------------------

"Mack, iba ang sa amin ni Ann. I could've probably fought for her, if she just wanted me to, but she didn't. Siya ang umiwan sa akin. Handa ko na siyang ipaglaban nun, nag-iipon lang ako ng lakas ng loob, but before I could even do that, ipinagpalit niya ako sa hilaw na hapon na yon. I didn't get the chance. I wasn't given the chance. Tapos nung bumalik naman siya, yun na ang ginawa niya. She fabricated an accusation against me."

------------------











(Chronicler)





Nakapa-isip si Mack sa sinabi ni DJ. Totoo nga bang magka-iba sila ni Ann? Maaring nga. Sa lifestyle ay talagang iba. Pero pareho lang naman silang kinakapatid ng isang Dwaine Paul. Bakit nga ba may mga ganun-ganun pa?

"Okay, given na magka-iba ang sa amin ni Ann.... Kung ganun, ano ang pinagka-iba?" Tanong ni Mack sa kanya.

Nahulog sa matagal na katahimikan si DJ. Ano nga ba ang pinagka-iba ni Mack at Ann? Kung maganda si Ann, mas maganda naman si Mack. Kung matalino si Ann, mas matalino naman si Mack, kahit hindi niya lubos na kilala ito alam niya, ramdam niya na kakaiba si Mack. She's charming. She's easy to get along with. Hindi matapobre. Ramdam niyang mapagmahal ito dahil kahapon naramdaman niya ito, kahit sa konting sandali lang naramdaman niya ang pagmamahal ni Mack. Ramdam niya, ay hindi, alam niya. Oo sigurado siya na mahal nito ang mga kasama niya sa bahay at alam din naman niya na mahal din ni Mack ang daddy niya. Nasaksihan niya iyon kahit na panandalian lang yun.

"Mack, hindi ko maipaliwanag kung ano ang pinagka-iba ninyo pero basta ang alam ko magka-iba kayo. Mahal kita, that's for sure." Magulo man paliwanag ni DJ ay naintindihan din naman ni Mack yung huli nitong sinabi.

"Deej," Mahina at malambing na tawag ni Mack kay DJ.

"Yeah." Sagot ni DJ.

"Totoo ba yan at yung sinabi mo kahapon sa akin?" Tanong niya uli.

"Yup. All of it. I don't lie about how I feel." Sagot uli ni DJ.

"Deej, w-what are w-we?" Halatang nahihiya si Mack na magtanong.

"What do you want us to be?" Tanong nito. "Mack, please open this door? Mukha na tayong tanga dito. Pareho tayong naka-upo sa sahig at nag-uusap na pinto ang nakapagitan." Dugtong pa niya. Maya-maya ay bumukas ang pinto. Nang makita ni Carding na bumukas na ang pinto ng kwarto ni Mack ay umalis na rin siya. Iniwan niya yung dalawa na kung tutuusin naman ay hindi naman nila pansin na nasa malapit lang sila ni Lena.

Umusog si DJ pasandal sa kabilang parte ng frame ng pintuan sa labas ng kwarto na paharap kay Mack. Si Mack naman ay ganun din pero sa opposite side naman sa loob ng kwarto niya. Nakangiti na ngayon si DJ. Nakayuko pa rin si Mack.

"Why were you crying earlier?" Tanong ni DJ. Inabot at hinawakan ang kamay ni Mack.

"It's a silly thing. It's nothing. I just missed my mom." Kahit siya ay hindi na niya alam ang dahilan ng pag-iyak niya.

"You know you can talk to me whenever you started feeling lonely and sad. Nandito lang ako lagi." Sabi niya habang hinihimas niya ng kanyang hinlalaki ang kamay ni Mack.

Can't Fight This Feeling 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon