CFTF 27: I Can Fight It

1.8K 113 47
                                    

Early update lang po.

Maraming salamat po. I'll be gone for the weekend. Mag-iwan lang po kayo ng comments para kay otor. AlDub you all!


(Dwaine)

Three years had past.  My business is doing great.  Love life?  Zero.  Pagkatapos  gabing yun ay umalis na sila Tito Vince at Mack para bumalik ng New York.  Walang akong nagawa kundi ang hayaan siyang umalis.  Ganon pa man ay masaya na ako para sa kanya.  Three years, marami na ang nangyari.  Naging matalik kong kaibigan si Zander dahil naging matalik din silang magkaibigan ni Ramon. Sa totoo lang. sila ni Ramon ang unang naging close, palagi silang magkasama kaya nakakasama ko na rin siya at napatunayan naming mabait pala talagang tao si Zander, naging biktima lang siya ni Sheri.

Si Sheri? Okay na siya ngayon.  Nakikita ko pa rin siya.  Umaayos na kaunti ang takbo ng utak niya.  Minsan nga ay nahihiya pa itong makipag-usap sa akin pag nagkakasalubong kami sa mall oh di kaya sa amga business conferences na naaatenan ko.  Pero wala lang, casual na lang kaming mag-usap.  Maliban sa hi and hello, walang ng iba, walang goodbye, walang see you later.  Hindi ko alam kong iniwassan niya ako o ako na mismo ang umuiiwas.  Ayoko naman kasing baka sakaling magbalik si Mack na nag-uusap pa rin kami ni Sheri.  Hindi naman siguro siya magseselos but I do not want to give her the reason too, and besides, Sheri caused her so much pain and trouble.  Matagal man kaming naging magkakilala ni Sheri, syempre Team Mackenzie pa rin ako.  Love ko eh.

Si Cindy Mae?  Okay lang.  She seemed happy.  Nasaan siya?  Nasa Greece kasama ang lalaking mahal niya.  Kung hinahanap nyo si Kuya Carding, ayun kasama ni Mae sa Greece.  Nakapagpatayo kami ng maliit na furniture store doon dahil kasosyo na namin ngayon ang bff ng kambal ko na si......  tama kayo, si Nicholaos at ang boyfriend nito, you heard it right.  May boyfriend na ito.  Sabi nga ni   Si mae na ngayon ang permanente kong designer, syempre nagde-design pa rin ako, mas mabilis nga lang ang production ngayon.  Si Ruth na ang permanente kong tao sa Romblon kasama ang kapatid niyang si Jimbo. 

Speaking of Romblon,  umuwi pa rin ako doon. Haha... umuuwi...... Ang sarap lang pakinggan at ang sarap din sabihin.  Nagbabakasakali ako paminsan-minsan na umuwi doon kasi baka biglang dumating ai Mack.  Ang mga magulang ni Ruth at Jimdo ang caretaker ng bahay namin ni Mack.  Nagtataka kayo kung bakit bakit ang buong pamilya na nito ang nandoon?  Kasi naging mabait sila sa akin, napamahal din sila sa pamilya ko.  Ang tatay kasi ni Ruth ang star witness sa kasong isinampa sa akin ng pamilya ni Sheri noon.

Nasa opisina ako ngayon dito sa Taguig, nag-expand na rin kami ng konti kasi naglagay na rin ng maliit na showroom.  Karamihan ng mga nasa showroom namin ay ang huling design na ginawa ni Mack.  Alam nyo bang iniisip ko pa rin siya?  Hindi ko makakalimutan ang isang yun.  Siya na yata ang sinasabi nilang first love.  Hindi ko na talaga kayang pang pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya, pero hindi ko rin naman siya pwedeng pilitin.   Anyway, enough with my misery.

Ikakasal na pala si Kuya Carding at Cindy in two month.  Excited na ako kasi uuwi na naman sila daddy at Tita Kirstine dito sa Pilipinas, and I was also hoping na darating din siya.  I was hoping na invited din si Tito Vince, naging bahagi na rin siya namin, hindi na rin siya masyadong nambabae.  Si Lena at Jen ang may hawak ng mga imbitasyon at listahan ng mga imbitado, so sa pagitan ng dalawang yun, karamutan sa information ang aking makukuha.  Maging si Ramon ay hindi rin makakuha ng kahit ano mang clue o impormasyon sa girlfriend niya.  Oo, sila na ni Jen about two years ago. 

"Bro, ang lalim ng iniisip mo ah.  Don't worry, mahal ka pa rin nun."  Si Zander, bigla na lang sumusulpot na parang kabute.  Magaling na rin siyang magtagalog, mapapansin mo pa rin ang accent sa kanya pero hindi na gaanong ingglesero.

Can't Fight This Feeling 1Where stories live. Discover now