CFTF1: 6. Montaño

2.9K 154 27
                                    

sophiafortis Chapter 6 first voter.... thank you.


------------------------------

"Mas lalong maganda kung maging girlfriend kita." Pagbulong niya.

"What?!"

-----------------------------







(Mackenzie)

"What?!" Ano daw? Tama ba ang narinig kong sinabi niya? He wants me to be his girlfriend? I felt my heart skipped a beat. Hindi ko na siya natanong kaagad kasi nagpatuloy na siyang pumasok sa kusina. Sinalubong na kami ng greetings ni Yaya Ising. I reminded myself na bawal ito. Bawal.

"O, andiyan na pala kayo. Sige upo na. Nang makakain na tayo." Bati ni Yaya.

"Ya, good morning! Kamusta ang tulog niyo ni Tata?" Ano ang nangyari dito bakit parang ang saya naman niya.

"Ang saya mo Deej ah. Anyare?" Tanong ni Ramon.

"Psst! DJ ano yung 'anyare'?" Tanong ko sa kanya.

"Ah... Anyare, shortened lang yun ng 'ano ang nangyari' para madaling sabihin." Sabi niya na nakangiti pa rin. He needs to stop. I'm dying already.

"What's gotten into you? Why are you so preppy?" Pabulong kong tanong sa kanya. He's so hyped up.

"Nothing. Wala lang. Masaya lang ako." Sagot niya. Pero hindi pa rin ako convinced.

"Bakit nga?" Pabulong ko pa ring tanong sa kanya.

"Ate Mack. Okay na kayo ni Kuya DJ? Hindi na kayo war?" Tanong naman ni Elena.

"Lena, wag kang epal! Eh ano naman ngayon kung okay na kami. Dapat nga di ba, dahil kung hindi, eh di lagot ako kay daddy at kay Tita Kirstine." Sagot niya. Yun din ang sabi niya sa akin kanina pero bakit parang nalungkot ako and why it seemed like he was hiding behind that reason. Hay, anyway. He's right. Better forget what I'm feeling, we're almost brothers and sisters so it would be unethical.

"Deej, Ano yung epal...??" Tanong ko uli sa kanya.

"Mack....." Oh my! My name sounds cute when he's the one saying it. "Epal actually comes from the word 'papel' or 'pumapapel', like people who wants to get attention or butting in. Katulad ni Elena, hindi mo kausap, singit ng singit." He looked at Elena's way na nanlaki ang mga mata. Siguro sanay na nga si Elena na tinatawag ni DJ ng epal kasi tumawa lang siya. Pati sila Tata at Yaya tumawa na rin.

"Uy, tama na yan. Lena, tawagin mo na si Ramon sa baba at kakain na. Nandito na yun kanina umalis pa." Utos ni Yaya.

"Hindi na kailangan Nay, nandito na ako. Inihanda ko lang yung kotse kasi nagtext si DJ na kailangan daw niya yung kotseng puti, yung hybrid." Sabi ni Ramon na ngayon ay papalapit na sa lamesa.

"Nag-text? Eh, magkaharap lang kayo kanina?! Hala, sige magsi-upo na kayo at makapag-agahan na." Utos ni Yaya. Hinila ako ni DJ para umupo malapit sa kanya. Nang makaupo na kaming lahat, Yaya ask us a question.

"Saan ba ang lakad niyo at bakit pinahahanda mo ang kotse? Sabado naman ngayon, ah." Si Yaya.

"Sasamahan ko lang si Mack sa condo niya sa Taguig. Tapos igagala ko na rin siya." Si DJ na ang sumagot kay Yaya.

"O, di ba doon din nakatira si Annie Lynn, sa Taguig?" Tanong niya uli.

"Opo, ya. Malapit lang doon sa condo building namin ni Rashid. Bakit po ya?" Tanong ni DJ.

Can't Fight This Feeling 1Where stories live. Discover now