CFTF 16: Do Not Touch Her

2.4K 125 74
                                    







-----------------------

"Cindy, bumaba ka na diyan."
Boses ni Carding. Ang boses na yan.
Yan ang boses na yan ang nakakapagpawala ng katinuan niya.

---------------------





How did he know I'm here?  Paano niyang nalaman na nandito ako.  Ano ba namaaannnn..... Wala na ba akong karapatang lumayo sa iyo, Ric.  Kailangan bang sundan mo pa ako?  Hindi ka ba nakakaintindi na ayaw kitang makita at maka-usap.  Naghihimutok ang butse ni Cindy.

"Cindy Mae, please.  Bumaba ka na diyan."  Malunay na sabi ni Carding na halos naglalambing na nga eh, na halos nagmamakaawa na pero hindi pa rin ito pinapansin ni Cindy. 

Pursigido si Cindy na wag nang makipag-usap kay Carding tutal alam naman niyang aalis na ito pagkatapos ng weekend na ito.  Kilala niya si Carding, mas gugustuhin pa nitong nasa malayo siya kesa mapalapit sa kanya.  Ganun naman ang ginawa niya noon, di ba?.  Umalis siya at pumunta ng Romblon, inako ang gustong gawin ni Dwaine para lang malayo sa kanya. Pagkatapos niyang........

"Please, Cindy. Alam kong nandiyan ka, bumaba ka na, please..."  Paki-usap uli Carding.

Nakakaramdam na ng pagkapikon ito pero hindi lang pinahahalata kay Cindy, dahil alam niya ang topak nito.  Kilala niya ito mula pa sa pagkabata.  Pagtungtong ni Cindy ng high school ay nagbago na ang mood nito sa lahat ng bagay.  Naging short tempered ito.  Lahat na lang kina-iinisan.  Lahat ng lang ay pinagmumulan ng init ng ulo niya.  Lalong-lalo na nung mag-college na siya, mas naging maiksi ang pasensiya, lahat na lang ikinagagalit niya.  Take note, nag-upgrade na siya, hindi lang basta naiinis, nagagalit na agad.  Noon, iniisip nal ang ni Carding na ang dahilan ng pagbabago ng ugali ni Cindy sy dahil sa pagkamatay ng mommy niya, pero hindi dahil kanya lang yata galit ito.

Natatandaan pa niya noong kausap ni Cindy yung kaibigan nito na minsang may group project ito at dito nila ginawa yun. Kaga-graduate niya lang noon at naghahanap pa lang siya ng trabaho, hawak ang diyaryo at naka-upo sa fender ng Wrangler ni Paul. 

***Flashback

"Mae, bakit parang ang init ng dugo mo doon sa anak ng driver nyo."  Tanong ni Maddi.

"Maddi, wag ka nga tanong-tanong diyan and besides driver lang siya no."  Sagot niya dito.

"Kahit na, Mae, ang gwapo niya kaya.  Palagay ko may gusto yun sa iyo kasi kung makatingin sa iyo ang lagkit."  Tukso nito sa kanya.

"Tse!  Magtigil ka. Kung anu-ano ang mga pinagsasabi mo.  Baka mamaya marinig ka diyan Maddi, maniwala pa sa iyo yun."  Sagot niya.

"Hmm. Kung hindi ko pa alam, the more you hate, the more you love daw yan.  Sige, Mae, push mo yan."  Tukso nung Maddi sa kanya.

"Maddison, wag mo akong galitin baka hindi ka na makapunta dito."  Sigaw niya dito.  "Wala akong gusto sa kanya dahil driver lang siya!"  Dinig ko lahat ng sinabi niya.  Nasaktan ako kaya umalis na lang ako papunta sa likod ng bahay doon sa punong na palagi niyang pinagtataguan.  Taguan ko rin kasi yun eh.

**** End of flasfback

Nasaktan si Carding sa mga narinig niya noon.  Kaya nung inalok siya ng Tito Paul niya ng trabaho na kahit na kailangan niyang magtigil sa Romblon, kahit na malayo siya sa nanay at tatay niya, at kahit alam niyang si DJ ang pinapupunta ng daddy nito, ay tinanggap niya ito.  Malayo lang sa kanya.  Malayo lang sa babaeng tangi niyang minahal simula ng mga bata pa sila.  Kaya nga siya hindi nag-girlfriend dahil siya lang talaga ang minahal nito. Tapos ganun lang pala.

Can't Fight This Feeling 1Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt