CFTF 21: Delivery

2.1K 117 60
                                    

**** Note from the author****

All names that are used in this story are all made up. Some places maybe real but they were the places that I had visited in the past, some are real and some are made up. The familiarity of the story are all coincidental. Please do not take all or parts of my story without my permission.

Thank you. Happy reading to all.



---------------------

"No. I'll do it. Just sit down or get the movie ready and I'll call for delivery in a little bit. Titingnan ko lang kung sino ang nasa pinto."

"Hello, DJ."

---------------------





(Chronicler)

"Hello, DJ." Masiglang pagbati ng bagong dating.

"Anong ginagawa nyo dito? Bakit kayo nandito?" Tanong niya sa mga bagong dating.

"What kind of question is that? Jay, off flight namin ngayon. Pumunta kami doon sa office mo at ang sabi ni Cindy ay nandito kayo. Kamusta ka na? Kamusta na siya?" Tanong ni Sid sa kaibigan.

"DJ, where is she? Okay lang ba ang kaibigan ko? Bakit hindi siya pumapasok sa work? Anong ginawa mo?" Tanong ni Lynn.

"Wow! Kung maka-I-am-concern ka wagas." Sagot niya sa bestfriend niya. "Halika, pasok muna kayo. Lynn, nasa kusina siya. Timing kayong dalawa at magmo-movie mara----" Pinutol ni Lynn ang sasabihin pa niya.

"Movie marathon? Bakit? Anong meron? Jowa lang ang peg? Bakit kayo na ba?" Sunud-sunod na tanong nito sa kanya na ginantihan na lang niya ng ngiti.

"Hoy, Dwaine Paul, ano yang ngiting yan? Wala niyan noon. Iba yan. Just now ko lang nakita yan. Don't me!" Pangungulit ni Lynn sa kanya.

"Huy. Wag ka nga! Sid, kausapin mo yang wife to be mo, ha! Ang gulo! Hahaha!" Natatawa niyang sabi dito at tumuloy na sa loob ng bahay. Hinayaan niyang nakabukas ang pinto, Dumiretso siya sa kusina kung nasaan si Mack. Pumasok naman yung dalawa at ini-lock ni Sid ang pinto.

"Love, nandito sila, Lynn. Mukhang may kasama tayo sa ating movie marathon, okay lang ba? Pwede ko naman silang pauwiin." Nakangiting kwento niya sa kasintahan.

"No, it's fine. Okay na rin ito, kasi baka mamaya hindi ako makapagpigil kung tayong dalawa lang." Sambit ni Mack sa kasintahan. Napa-angat ng tingin si DJ, hindi niya gaanong narinig ang huling sinabi nito.

"What did you say?" Tanong niya na parang tanga.

"Wala. What I said is it's fine, okay lang nandito sila para masaya may kasama tayong dalawa." Pag-ulit ni Mack sa sinabi. Binago naman niya ito ng konti.

"Uy, anong ginagawa niyo diyan? Solohan lang ang peg nyo? Hindi kami kasali? Wow ha, anong meron?" Ang kulit talaga.

"Lynn, would you calm down. Hahaha." Saway ng boyfriend niyang si Sid.

"Rashid, stay out of this. May tinatago 'tong dalawang ito na hindi sinasabi sa atin eh. And I need to know it." Singhal nito kay Sid.

"Okay, fine, may tinatago na kung may tinatago. Ano naman ngayon? Hayaan na natin sila. Sasabihin din nila yun kung ready na sila. Come on, my sweet pearl of the orient, let's go na sala doon na lang tayo maghintay." Saad ni Sid sabay hila sa girlfriend niya.

Napapa-iling na lang si Mack sa kakulitan ni Lynn, isa kasi yun sa mga bagay at ugaling nagustuhan niya sa kaibigan, no dry moment 'ika nga. Naghanda siya ng sandwich at inilabas ang pineapple juice na sana para sa dinner nila ni DJ. Binuhat ni DJ ang tray ng pagkain at juice. Nakasunod naman si Mack na may dalang isang bag ng potato chips. Inilapag nila ito sa maliit na center table at umupo sa pinaka malapit naupuan sa kanila. Napa-upo si Mack sa single sofa at si DJ sa isang single seat kaharap ng kay Mack at nasa loveseat naman ang magjowang istorbo.

Can't Fight This Feeling 1Where stories live. Discover now