CFTF 12: Mistress

2.3K 146 46
                                    

**** Note from the author****

All names that are used in this story are all made up. Some places maybe real but they were the places that I had visited in the past, some are real and some are made up. The familiarity of the story are all coincidental. Please do not take all or parts of my story without my permission.

Thank you. Happy reading to all.







-----------------

"Sino ba yan at hapon na? May inaasahan ka ba kuya?"

"IKAW?! Anong ginagawa mo dito?"

-------------------





"IKAW?! Anong ginagawa mo dito?" Sabayang bigkas ng tatlong gulat na gulat sa kung sino ang bumungad sa pinto.

"Anong ginagawa mo dito? Paano mong nalaman ito?" May galit na tanong ni DJ.

"Ikaw naman. Don't you miss me?" Mapanuksong niyang tanong. Well, anyway, kung nagtataka kayo kung sino etech, eh di hulaan nyo.

"No, I don't. You made it clear to me when you left." Galit na sagot ni DJ. Mas lalo niyang hinigpitan ang nanginginig na kamay ni Mack.

"Oh, I know you are just kidding. We both know that you haven't gotten over me." Determinadong sagot ng eklat na ito.

Bakit ba sa buhay ng tao palaging may panggulo. Hindi ba pwedeng wala na lang? Hindi ba pwedeng walang kontrabida? Hindi ba pwedeng manggaling na lang sa magsing-irog ang komplikasyon ng kanilang relasyon? Yun bang dahil sa katangahan o di kaya dahil kapabayaan nilang pareho kaya may gulo? O di kaya puro sa saya na lang? At kung sakaling magkaproblema ay...... Ay naku, ewan na lang talaga. Kaya minsan di mo rin masisisi yung iba na ayaw mafall dahil baka walang sumalo sa kanila. Walang masasandalan. Walang masisilungan.

"Bakit ba nandito ka na naman? Di pa ba sapat na ginulo mo si DJ noon? At kailangan pang manggulo ka uli na ngayong nanahimik na siya? Wala ka na ba talagang hiya, Ann? Pagkatapos ng lahat ng katarantaduhan mong ginawa noon?" Sumbat ni Carding.

"Hindi rin naman makapal ang mukha mo 'no? O baka gusto mo ng papel de liha para numipis yang fes mo ng kaunti?" Inis na sabat ni Lena. Hanggang ngayon ay kumukulo pa rin ang dugo niya sa babaeng ito.

"Oh come on, that was some years ago, can't you guys get over it? Let it go." Malanding sabi nito.

"Anong get over it? Anong let it go? Bakit? Feeling mo si Elsa ka? Ang kapal. Adobe ba?" Nanggagalaiting sabi ni Lena.

"Hahaha! Are you guys going to invite me in?" Wala eh. Makapal talaga ang feslak ng lokaret na ito.

"No!/No!/ Hindi!" Sigaw nilang tatlo sabay sara ni Lena ng pinto, tahimik lang si Mack. Nanghihinayang nga lang siya at hindi tumama sa makapal na mukha nito ang pintuan, ang saya sana. Winner sana ang peg ni Lena ngayon. Baka sa mga sandaling ito ay nagpapasalamat na siya trophyng natanggap niya mula sa FAMAS. Eh kaso hindi tinamaan ang makapal na mukha kaya sorry na lang, try again. Better luck next time.

Sa labas. Nagpuputok ang butse ni Ann dahil sa pinagsarhan siya ni Lena ng pinto. Siya? Na isang Sheri Ann Bustamante? Nag-iisang anak ng maimpluwensiyang tao sa buong kamaynilaan? Pinagbagsakan ng pinto ng anak ng isang hamak na katulong? Isang ampon ng katulong. Isang walang kwenta at walang halagang ampon ng katulong. Ay putek! Makapanlait ang babaeng ito.

"You'll pay for this, you cheap bitch." Ay hindi rin maganda ang bunganga. Bad vibes ang negatron na ito. No wonder na madaling natanggap ni Alden este ni DJ ang pag-alis niya. Umalis siyang nagpapadyak, nagdadabog.



Can't Fight This Feeling 1Donde viven las historias. Descúbrelo ahora