CFTF 9: Do Something

2.4K 161 41
                                    


---------------------
"Hello?" 

(Hi, Max. My Zie-Zie.)

"Zander...." 
------------------------------




(Chronicler)

NANLAKI ang mga mata ni Mack na halos ibato niya ang phone palayo sa kanya. Namumutla at nanginginig ang kanyang katawan. Makikita sa mukha ni DJ ang kaba at pagtataka pero hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.

"Mack? Are you okay? What's wrong? Who's Zander?" Sunud-sunod na tanong ni DJ. Kinakabahan na rin siya.

"Oh my! No! No no no! Oh no!  Oh no!!  Oh No no no no!" Yun lang sunud-sunod na nasabi ni Mack.

"Mack!" Sigaw ni DJ pero hindi pa rin naalis si Mack sa takot na bumabalot sa kanya.

"MACK!  MACKENZIE!" Sigaw uli ni DJ pero wala pa rin. Sa ngayon, umiiyak na si Mack. Nanginginig pa rin. Tumayo si DJ at pumunta sa pintuan, binuksan ito tumawag ng tulong.

"YA! YAYA! YAYA ISING! RAMON! LENA!" Sigaw ni DJ. Unang dumating si Ramon kasunod si Lena.

"DJ! Bakit? Anong nangyari. Okay lang ba si Mack?" Tanong ni Ramon.

"Hindi ko nga alam eh. Ihanda mo ang kotse. Itatakbo natin sa hospital si Mack. Lena, pakitulungan ako kay Mack." Utos ni DJ sa magkapatid. Inayos ni Lena ang buhok ni Mack at ang suot nitong blouse. Nag-thumbs-up ito sa kanya ng matapos ito. Siya namang dating ni Yaya Ising at Tata Ruping.

"DJ! Ano ba ang nangyayari at sumisigaw ka diyan?" Tanong ni Yaya Ising.

"Si Mackenzie po." Sabi ni DJ na hindi alam kung ano ang sasabihin at gagawin.

"Anong nangyari kay Mack Mack?" Tanong ni Tata Ruping.

"Hindi ko ho alam, Tay. Pagkatapos namin mag-usap ni Dad at Tita Kirstine sa telepono ay pumasok na ako dito para kamustahin kung okay na siya tapos nagising siya tapos..." Hindi niya maituloy ang sasabihin. Ikukwento ba niya?  Sasabihin ba niya ang nangyari sa kanila ni Mack?

"Dwaine Paul! Tapos ano?! Anong nangyari pagka tapos??" Pagpukaw ng yaya niya sa kanyang diwa.

"Tapos... nag-ring yung phone niya. Sinagot niya ito tapos ganyan na ho ang nangyari." Sabi niya na taranta pa rin. "Lena, paki bilisan na!" Sigaw niya kay Lena. Hindi naman na siya pinatulan ni Lena alam niyang nag-aalala ito.

"Jay, nakahanda na ang sasakyan." Sambit ni Ramon. 

"Ramon, Ikaw na ang magdrive.  Tay, sumunod na lang kayo kung gusto n'yo, may isang sasakyan naman po diyan. Lena sumama ka na lang sa kanila ni Yaya at Tata. Kami na ni Ramon ang bahala kay Mack." Bilin nito at hinarap na si Mack. Binuhat niya ito na parang bagong kasal at nagmadali ng bumaba ng bahay.

Habang buhat ni DJ si Mack ay umiiyak pa rin ito. Nakarating na sila sa baba ng bahay, nakasunod lang si Ramon sa kanya. Pinagbuksan ni Ramon si DJ ng pinto ng kotse, doon na niya ini-upo si Mack sa likod at tinabihan na niya ito at inakap. Nanginginig pa rin si Mack. Hindi maintindihan ni DJ ang nangyayari sa dalaga. Sino ba ang tumawag na yun at ganito na lang ang takot ni Mack? Ano at sino ka ba Mack? Bakit parang may malaking misteryong bumabalot sa iyo. Anong klaseng misteryo ba yun? At sino si Zander?

"Ramon, paki bilisan ng kaunti." Utos niya dito.

"Jay, hindi pwede kasi baka maaksidente tayo, mas lalong mapapasama si Mack, madadamay pa tayo."  Mahinahon na sagot ni Ramon.

Can't Fight This Feeling 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon