CFTF 51: Call

1.3K 90 96
                                    




"Diyos ko Carding! Si Cindy!"

Ano ba ang mga nangyayari sa mga taong ito. May epidemya ba ng pagkahimatay ngayon. May babala ba na galing ng department of health tungkol dito? Abangan na lang po natin.

〰️ 〰️ 〰️ 〰️ 〰️



(Dwaine)

Natapos ang meeting na pinuntahan namin ni Donnie. Nagmamadali akong umalis doon dahil medyo, ay hindi lang pala medyo, talagang naiirita ako doon sa babaeng yun, kung makatingin sa akin para na akong kakainin. Ang kapal ng make-up, halos nakalabas na ang kaluluwa niya. Ito namang si Donnie kahit na nakaharap na siya dito ay hindi ba niya nakikita yun?  Kulang yata sa pansin ang babaeng yun. Wala talagang tutulad kay Mack. Laking America pero napaka-simple lang niya at natural ang kanyang ganda.

Naramdaman ko kaagad ang tinding pagod dahil sa isang oras na biyahe namin ni Donnie and at the same time, I feel empty.  I am missing her so much.  I can call her, pero baka mas lalo lang akong malulungkot kapag narinig ko ang boses niya.

"How was the meeting, hijo? Na-close ba ni Donnie ang deal?" Tanong ni Tita Kelsey. Ayoko sanang magsalita at magkwento pero wala akong choice. Ang bagal kasi kumilos ni Donnie. Hanggang ngayon ay nasa baba pa rin, sa garahe.

"Okay naman po, Tita. Hindi ko nga lang alam kung na-close ba ni Donnie yung deal na yun o hindi pa, kasi umalis muna ako para makapag-usap sila ng confidential." Sagot ko sa kanya. Hindi ko napansin na nakalapit na pala sa akin si Tita Kelsey. Tinitingnan niya ako ng parang nanantiya. "Is there anything wrong, Tita? Are you feeling okay?" Nag-alala ako para sa kanya.

"I'm fine, Hijo." Sagot niya sa akin, hindi pa rin niya inaalis ang pagkakatitig niya sa akin. Aalis na sana ako ng magsalita siyang muli. "DJ, hindi kita anak at hindi rin ako ang mommy mo, pero nababasa ko sa mata mo na may hindi ka sinasabi sa amin. Mukhang iritado ka and at the same time malungkot." Pahayag niya. Sasagot na sana ako nang biglang sumulpot sa likod ko si Donnie.

"Ma, kausapin mo nga ang itong lalaking ito. Nakakairita." Aba! Ako pa ang nakakairita?

"O, bakit ako? Umalis na nga ako para makapag-usap kayong dalawa ng maayos. Nagpakilala na ako ang magiging supplier ng furniture and fixture ng bawat condo niya. I-import yon lahat galing ng Pilipinas na under sa pangalan ng kompanya mo, pero porbida naman, Donnie, para na akong hinuhubaran ng babaeng yun?" Nakamasid lang sa amin si Tita Kelsey.

"Eto naman, para titig lang? Hindi ka naman kakainin ng buhay nun. And beside hahawakan ka lang nun kung magpapahawak ka!" Singhal niya sa akin pero nandun pa rin yung pilyo niyang ngiti na parang nag-aasar.

"Nandun na ako, Don, pero Diyos ko naman, trabaho ang pinunta natin doon, pero parang mas gusto pa niya ang makipag-flirt sa atin! Napaka-unprofessional naman nun. Tsaka, hindi mo ba sinabi na may asawa na ako?" Wala na. Hindi ko na sana sasabihin yung parteng yun pero parang word vomit na hindi ko na napigilan, nakakasuka kasi yung babae. Maganda sana pero parang walang delikadesa. Hindi katulad ni Mackenzie.Tumawa lang ng malakas ang sira ulong ito. Hindi ko tuloy maintindihan kung siraulo ba siya o talaga lang may sira na ang ulo niya. Ewan!

"Ano naman ang nakakatawa doon, Donovan? Alam mo naman yun eh bakit hindi mo sinabi doon sa kliyente mo?" Magkasalubong ang kilay na sambit ni Tita Kelsey na tinawanan na rin niya. Baliw talaga.

"Eh hindi kasi kayo muna nakikinig. Pero aminin mo, she's hot." Tinaasan ko siya ng isang kilay. 

"Eh maharot ka rin pala eh. Eh di dapat ikaw na lang nakipagharutan doon, hindi hinahayaan mong ako ang harutin nung babaeng...mugh!" Hindi ako bading, alam nyong lahat yan. Pero Diyos ko po...

Can't Fight This Feeling 1Where stories live. Discover now