CFTF 10: HHWW

2.5K 145 38
                                    

**** Note from the author****

All names that are used in this story are all made up. Some places maybe real but they were the places that I had visited in the past, some are real and some are made up. The familiarity of the story are all coincidental. Please do not take all or parts of my story without my permission.

Thank you. Happy reading to all.

---------------------

My life has been such a whirlwind since I saw you

I've been running round in circles in my mind

And it always seems that I'm following you, girl

'Cause you take me to the places

That alone I'd never find

-------------------


(Dwaine)


The incident that happened a while back is gone and over with, I hope. Wala na rin namang natanggap na tawag si Mack after nun. For sure na wala na siyang matatanggap na tawag dahil nung nandito ang daddy at ninang niya at ang daddy ko, ay umalis ako't binilhan ko siya ng bagong phone na may Philippines number. Tapos ipinadala ko kay Tita Kirstine ang phone niya sa New York, just in case na i-track nila ang location ng phone niya, they will think na nasa New York pa rin ito.

Pagka-alis na pagka-alis nila daddy ay lumipad na rin kami papuntang Romblon. Hindi porke't tahimik na ay magiging relax na lang ako. Mahirap na. Bumili ng bahay doon si Tito Vince para kay Mack at para na rin may mauuwian doon pag nagbakasyon uli siya dito. Hinayaan na lang muna namin ang mga condo units namin sa pangangalaga ng building management. Nandoon naman ang empleyado nila Rashid. Both buildings are owned by his family.

Kumuha ng bagong tauhan si daddy para sa bahay namin sa Manila para hindi mahirapan si Tatay at Yaya, kasama pa rin naman nila si Ramon doon. Sumama naman sa amin si Elena. So, basically, habang hindi pa nahahanap ang nanggulo kay Mack last month ay kailangan muna niyang magtago. She needs to be off the grid.

Maraming kaibigan si Mack sa New York na naghahanap at nagtatanong ng tungkol kay Mack. Bakit daw hindi nila makontak ito. Bakit kahit man lang sa Facebook ay hindi na rin sumasagot, deactivated na ang Twitter accouunt nito at ipinalabas ni Tita Kirstine na pagkatapos bumalik ni Mack sa bahay nila ay naglayas ito. Naniwala naman ang mga kaibigan niya na naglayas nga siya..

Well, kung ako ang tatanungin nyo? Eto, mukhang tanga pa rin. Dahil sa nangyaring kiss between me and her at unwanted call na yun kay Mackenzie ay natorpe na ako. Mas gusto ko na lang isipin na it was just one beautiful dream that will remain to be a dream. Nakakarating ako sa mga lugar na hindi ko alam na pwede palang mapuntahan na kasama siya, kahit sa imagination na lang, kahit sa panaginip na lang. Nakakabakla mang aminin... Oo, si Mack ang first kiss ko. Wala eh. Ay ang bakla ko.

Anyway, balik trabaho na ako ngayon. Total nandoon naman si Ramon sa Office ko sa Taguig at isa pang empleyado, si Ben, galing sa temp agency, bilang runner/messenger/receptionist, at kung anu-ano pang pwede niyang gawin na hindi na magagawa ni Ramon. Ako? Kasama ko si Kuya Carding.

Ang totoo niyan? Masyadong binulabog ni Mackenzie ang buhay at puso ko. Masyadong niyang ginulo ang isip ko. Hindi ako masyadong nakakatulog especially when I spend my nights at the house her dad bought for us. I said for us, kasi yung ang nakasaad sa titulo nito. Nakipagtalo pa kami ni dad sa kanya, pati na si Tita Kirstine ay tumulong na sa amin ni dad alisin ang pangalan ko sa dokumentong yun ay hindi namin natinag si Tito Vince. "It's the least I can do." ang tanging sagot nito at umalis. Hindi rin kasi nakatulong ang pagtahimik ni Mack. Hindi man lang siya kumontra, tiningnan lang ako at ngumiti. Nakakalito.

Can't Fight This Feeling 1Where stories live. Discover now