CFTF 33: Hampas ng Alon

1.4K 111 41
                                    

Author's Note: Early updates ko ito kasi hindi rin ako mapakali dahil nga sa kaganapan sa ating minamahal na AlDub/MaiDen. Short update lang po ito. Maaring matagalan ako mag-update, mga one week kasi deadline ng mga paper ko kaya concentrate muna ang lola nyo para sa ekonomiya. hehehehe see you in a week.

————————

"Nag-aalala si Ate kay DJ.  Ipinaaayos ni Ate ang kwarto ni Kuya.  Sino pa ang isang babaeng nakatira sa malaking bahay? Hindi maaaring si Ruth yun kasi may sariling bahay sila Ruth dito.  At sa palagay ko ay hindi si..."

"Mack!  Mackenzie!  Mackenzie"

————————



(Chronicler)

"Mack!  Mackenzie!  Mackenzie" Sigaw nito at dinig sa labas ng bahay ang boses ni Ramon.  Eskandalosong hinid mo maintindihan.

"Ay Ramon, bakit ka ba hiyaw ng hiyaw diyan.  Aba'y, gabi na hijo.  Baka mabulabog ang mga kapitbahay sa sigaw mo."  Natatarantang napatayo mula sa pagkakaupo ang matandang babaeng katiwala.

"Manang Anita, utang na loob, sabihin mo sa akin ang totoo.  Nandito ba ang may-ari ng bahay?"  Tanong ni Ramon. Naguguluhan man ang matanda ay ngumiti naman ito.

"Otoy Ramon, kasama mo ang isa sa may-ari ng bahay, si DJ yun di ba?"  Nang-aasar ba si Manang?  Nambibitin pa eh.

"Manang, alam mo kung sino ang ibig kong sabihin. Kaya Manang Anita, utang na loob, sabihin mo naman sa akin.  Kaya kong pasukin ang kwarto niya ngayon pero hindi ko yun gagawin dahil kalapastanganan yun.  Manang, lasing na lasing si DJ dahil sa kanya.  Please Manang, kahit ngayon lang, bigyan mo ako ng konting ikasasaya para sa kaibigan ko."  Hawak ni Ramon ang dalawang kamay ng matanda at nakaluhod pa sa harapan nito na parang akala mo ay nagpopropose ng kasal.  Natawa ang matanda sa kanya.

"Ramon, pwede bang tumayo ka muna diyan?  Batang ito, pwede mo naman alamin nang maayos.  May paluhod-luhod ka pang nalalaman diyan.  Tayo na."  Sambit ng Manang Anita.  Natatawa ng lamang ang asawa nito sa ayos nilang dalawa nang makapasok na silang mag-ama na akay-akay si DJ.

"Mon, what is going on?  Where's DJ?"  Mabilis pa sa na-i-exorcist ang ulo ni Ramon sa paglingon. Kilala niya ang boses na iyon.  Tama nga ang kutob niya, nandito nga ito.  Malamang na may kinalaman din ito sa mga nangyayari sa warehouse.  Patakbo itong lumapit sa kanya at napa-akap siya dito ng mahigpit.

"Oh, thank God, Mack!  You're back!"  Tuwang abot hanggang langit ang nararamdaman ni Ramon ngayon.

"I know, Mon, I'm sorry I made you guys worry about me."  Pagpapaumanhin ni Mack kay Ramon.  Hindi siya ang inaasahan ni Mack na unang makikita pero okay na rin na si Ramon ang una niyang naka-usap.  Mas mabuti na rin yun dahil nawala ang kaba na nasa dibdib niya na buong araw ay hindi maalis.

"Kelan ka pa nandito?  Sino ang kasama mo?  Nandito ba si Tito Paul?"  Magaling ang grupong ito sa multi-questions but no answer.  Ang bagay na kinaiinisan niya ay siya niya ngayong ginagawa. 

"I got here a few days ago.  I'll tell you later.  Nasaan si DJ? Bakit hindi mo siya kasama?  Nandito ba siya sa Romblon?  Sabi ni Ruth hindi daw nakarating sa warehouse."  Sunud-sunod na tanong. Eto na ang wala katapusang tanungan portion ng beauty pageant.

"Mack. Mack, relax.  He's with me.  Kaya lang... ayan o."  Sabay turo sa taong lasing na akay-akay pa rin ni Manong Rolly at Jimbo.  Kitang kita niya ang awa sa mukha ni Mack, ang lungkot sa mga mata nito.  Laglag ang balikat ni Mack.  Napahalukipkip si Ramon.  Hindi niya alam ang iisipin.  Hindi niya alam kung tatawa ba siya o maiinis sa tagpong ito.  Kung kelan lasing at saka pa nandito si Mack.

Can't Fight This Feeling 1Where stories live. Discover now