CFTF 41: Missing

1.6K 86 23
                                    



**** Note from the author****

All names that are used in this story are all made up. Some places maybe real but they were the places that I had visited in the past, some are real and some are made up. The familiarity of the story are all coincidental. Please do not take all or parts of my story without my permission.

Thank you. Happy reading to all.

————————



(Chronicler)


Nagkakagulo ang magkakaibigan. Walang mapagsidlan ang kaba nila ngunit pilit pinipigil dahil baka over reaction lang naman ang mga ito. Nawawala si Mack. Huli nila itong nakita ay naghahanap ito ng sigay sa dalampasigan sa di kalayuan sa kanila.

Basta na lamang itong nawala bigla nang muling lingunin ni DJ ang direksyon kung saan niya iniwan ang dalaga.

"Jay, sigurado ka bang hindi kayo nagtalo, kasi baka nagtampo lang yun at nagpapalamig lang diyan." Sambit ni Ramon. Ang katutuhanan ay hindi rin niya pinaniniwalaan ang kanyang sinasabi.

"No, hindi kami nagtalo. Tinawag ako ni Lynn, lumapit ako, isinasama ko pa nga siya, sabi niya maghahanap daw siya ng shells tapos umalis na ako at naiwan si Mack. Yun lang eh. I look at her every now and then at kapag may pinapakita sa akin si Lynn. Yung huli kong tingin doon na ako medyo nagpanic kasi parang bigla na lang siyang nawala." Pilit iniisip ni DJ kung kelan nawala si DJ.

"Teka, nag-upload pa si Ate Mack ng picture ng shell sa account niya, ten minutes ago lang. Sabi pa nga niya, 'feeling lucky, but not as lucky as this shell, but your beauty remains.' tapos may mga hearts pa nga eh." Sambit ni Jen. Kapopost niya rin lang kasi ng mga pictures nila ni Ramon kaya niya nakita ang post ng dalaga.

"Tawagan mo nga, Jay." Utos ni Ramon. Baka napalayo lang yun ng lakad. Kahit na labag sa iniisip niya ang kanyang sinasabi ay mas minabuti niyang yun na lang ang sabihin.

"Sandali." Sabay dukot ng phone niya mula sa bulsa. Naka-speed dial pala ang number ni Mack. Wow.

Tinawagan niya ito at naghintay na may sumagot. Wala. Inulit niyang muli ang pagtawag sa number ni Mack.

"Jay, naririnig mo ba yun? Parang ringtone ni Zie yun ah." Sigaw ni Zander. Natahimik ang lahat nakinig sa kung saan nanggagaling ang tunog na iyon. Sinundan nila ang pinanggagalingan nito. Si Angelo at Christian ang nanguna, dahil sanay sa ganito ang dalawa ay nakita agad ni Christian ang cell phone ni Mack na nakataob sa buhanginan. Dinampot niya ito. Nakita niyang ang pangalan ni DJ bilang caller.

"Deej...... phone ni Mack 'to?" Tinanong pa rin niya para masiguro. Hindi sila sanay na ina-assume ang mga bagay-bagay, lalo pa at hindi nila gusto ang tinatakbo ng mga kutob nila. Kailangan talaga niyang itanong para masiguro.

"Oo. Kanya nga yan." Kinuha ito ni DJ at nagpalinga-linga na parang makikita niya si Mack dahil hawak na niya ngayon ang phone nito.

Nalungkot siya at lalong kinabahan dahil wala siyang Mack na nakita. Gusto na naman niyang magalit. Ano ba ang nangyayari kay Mack. Sa tuwing magiging maayos sila ay bigla na lang itong nawawala.

"Mon, umalis na naman siya. Bakit? Ano ba ang nagawa ko? Bakit palagi na lang ganito? Bakit palagi na lang siyang nang-iiwan?" Laglag ang balikat nito. Hindi na niya alam ang gagawin. Nauubusan na siya ng lakas at tiwala sa sarili. Nandito na naman siya sa pakiramdam na ito three years ago. Parang kahapon lang ay ang saya saya niya sa pagbabalik ni Mack. Well, it is somewhat hapong lang naman talaga nagbalik si Mack.

Can't Fight This Feeling 1Where stories live. Discover now