CFTF 42: Bahay sa Gulod

1.6K 84 37
                                    

**** Note from the author****

All names that are used in this story are all made up. Some places maybe real but they were the places that I had visited in the past, some are real and some are made up. The familiarity of the story are all coincidental. Please do not take all or parts of my story without my permission.

Thank you. Happy reading to all.





(Chronicler)

"Mr. Thompson, glad to see you again, Sir." Pagbati ni Chai sa amo.

"Nice to see you, too, Chai... Carmi." Tugon ni Vince.

"This is Paul Richardson and his daughter, Cindy Mae and fiance, Ric Capasilan. These are my most trusted FA's, Carmi and Chai." Pakilala niya sa mga ito.

"Hello po, kamusta po kayo?" Pagbati ni Carmi sa kanila.

"Ay, nagtatagalog siya." Manghang puna ni Cindy.

"Opo. Pilipina po ako. Chai is not. She's Thai, but she can understand tagalog just a little." Sagot naman nito.

"Oh, I'm sorry. Hi, Chai, I thought you are Filipina, too. Please forgive me." Paghingi niya ng paumanhin dito.  Ganyan si Cindy, dahil alam na maaaring ma-offend niya ang kaharap.

"It's okay, Miss. I don't mind." Ngumiti ito sa kanya. "Mr. Thompson. The house is ready for us. Ms. Rios will show us the way." Sambit ni Chai sa amo.

"Wait. Rios? Smith, what did you say the name of that detective?" Tanong ni Vince sa kanyang assistant. Sasagot na sana si Smith nang agawin ni Zander ang atensyon nilang lahat.

"Tito, let's talk about it in the house. It's not good to talk about sensitive things out here in the open." Paalala nito sa kanila.

"Okay. Let's go then." Nagpatiuna na itong maglakad kasunod ni Angie, tumigil ito ng may maalala. "Where's the rest of you?" Tanong ni Vince kay Zander at Lena.

"Eh, Tito, hinahanap po ni Kuya DJ at ng mga Kuya ni Angie si Ate Mack." Pabulong na sagot ni Lena.

"Sige na, Lena. Hanapin mo ang mga kuya mo, doon na lang tayo magkita sa bahay." Sagot ni Paul.

"Sir, ako na lang po ang sasama sa inyo sa resthouse, mas mabuti po na samahan na lang ni Zander si Lena, delikado po kasi. Baka nasa tabi-tabi lang po ang kumuha kay Mrs. Richardson." Paliwanag ni Angie sa mga bagong dating.

"Mrs. Richardson?" Sabay na tanong ng dalwang ama.

"Tito Vince, Tito Paul, mamaya na po namin ipapaliwanag ang lahat. Alis na muna kami ni Lena, dumidilim na rin po kasi." Paalala ni Zander.

"O sige. Bumalik kayo kaagad dahil nagdidilim na." Utos ni Paul. Pinaypay palayo ang dalawa at sumunod na sila kay Angie.

Tumuloy na rin ang dalawa malapit sa dalampasigan. Nadatnan nila si Ramon at Jen na nandun pa rin sa kung saan huli nilang nakita si Mack. Medyo mataas na ang tubig at alam ni Zander at Ramon na kapag inabot ng tubig ang lugar na ito ay mawawala ang iniingatan ni Angelo na "ebidensya". Sabay pa nilang binunot ang kanilang mga cell phone at kinunan ng litrato ang bakas na naiwan ni Mack.

"Nandiyan na pala sila Tito Paul, Kuya. Nakarating na sila, kasama si Kuya Carding at Ate Cindy." Sabi ni Lena.

"Bumalik na ba sila DJ" Tanong ni Zander.

"Hindi pa nga eh, dumidilim na oh." Si Jen na ang sumagot.  Sumimangot si Lena dahil sa pagsingit ni Zander sa uspan nilang magkapatid.

"Kasama din ba nila si Tito Vince?" Tanong ni Ramon habang kumukuha ng litrato.

Can't Fight This Feeling 1Where stories live. Discover now