CFTF 48: Missing Again

1.3K 86 62
                                    




"Okay. Here we are. This is where we stay for the night, then tomorrow morning doon tayo sa mismong bahay ko."

"Marunong kayong magtagalog?"

"Oo naman. Di ba sabi ko nga kanina ay galing ako ng Pilipinas."

"Pasensiya na po Mr. Everson..."

"Tito Ben na lang."

〰️ 〰️ 〰️ 〰️ 〰️



(Mackenzie)

It's been five months since DJ left and he hasn't called yet.  Nagtampo nga talaga siguro siya sa akin. Sa amin.  Bakit ba kasi hindi ako naghintay na magising siya?  Bakit kasi hindi kami naghintay ng paliwanag nila.  Because I was selfish and I want to solve the problem on my own, figure thing out on my own, and I lost him in the process.  But it's okay.  I'll let him have his moment like he gave me mine three years ago.  Ako naman ang iintindi sa kanya. Ako naman ang uunawa sa kanya katulad ng ginawa niya noon para sa akin. Gusto niyang mapag-isa? Hahayaan ko siyang mag-isa hanggang kelan niya gusto, ibibigay ko sa kanya yun. It's the least I can do. All he did is to love me and I broke his heart. I love him so much I don't want to lose him completely. Oo at wala nga siya dito, pero alam kong babalik siya kahit abutin din ng tatlong taon, maghihintay lang ako dito. Maghihintay lang kami. Hindi niya sigurong kayang mawala ng habambuhay. I know he'll be home no matter what.

Nasasanay na rin ako na sa kwarto na lang niya ako natutulog.  Mas gusto ko na ang ganito, baka sakaling umuwi siya dito ay maabutan niya ako dito mismo sa kwarto niya.  Inilipat ko na ang lahat ng gamit ko dito at binakante ko na ang dati kong kwarto. Si Cindy at Kuya Carding ang gagamit ng dati kong kwarto kapag pupunta sila dito saRomblon.  Si Lena ay yun pa ring dati niyang kwarto, magkasama sila ni Jen kapag sumasama yun dito, minsan kasi umuuwi din yun ng Singapore para bisitahiin ang mga magulang niya. Sa loob ng limang buwan, nakatatlong uwi na rin siya sa Singapore, kasama pa nga si Ramon ng isang beses dahil birthday yata ng mommy niya. Si Ramon naman ay doon sa kwartong ibinigay namin sa kanya ni DJ, share din sila ni Zander minsan kung sumasama yun dito.  Katulad ngayon, kababalik niya lang galing ng New York dahil sinamahan niya si Tita Agnes para bisitahin si Tito Hiro sa Federal Prison sa New York. Malapit na rin makalabas si Tito Hiro at ang plano yata ay uuwi na lang sila ng Japan to stay there for good, Zander is still negotiating it with his mom dahil nga kay Lena. Tinamaan talaga siya ng sobra kay Lena.

Biyernes ngayon, darating ang buong barkada, at isang linggo silang magtatambay dito dahil naging maayos quarterly sales ng kompanya ni DJ. Zander and Ramon just closed a deal with an architectural and design company from Canada. Hindi nila pinabayaan ang nasimulan niya, well, nasimlan ng mga magulang niya. They are really good for DJ.  They love him so much to the point of sacrificing for him as he did for us.  Cindy went back to Greece with Kuya Carding three days after the wedding to fix and make arrangement for the showroom there and to have their honeymoon there, too.  Me?  I came back here in Romblon to take care of the warehouse for him, it's the least I can do for the man who stood by me when I didn't know how to handle things and was afraid to love but he wasn't shy to show me how. He wants me to take care of the Manila office, yun ang bilin niya sa sulat na iniwan niya para sa akin and Ruth gave me his condo unit key, pero mas pinili ko dito, dahil mas maraming alaala na naiwan dito si DJ. Nasasanay na rin ako nang naghihintay lang dito. Dahil alam kong babalik siya sa akin, sa amin.  Babalik siya sa bahay namin. Nagmo-moment pa ako ng marinig ko ang malakas na katok sa pinto at ingay ng mga nag-uusap-usap sa labas.

"Ano ba! Sandali lang!" Narinig kong sigaw ni Manang Anita. Oo, nandito si Manang Anita sa araw at sa gabi naman ay Ruth.  Pinaayos ko yung kwarto malapit sa kusina, madalian lang para naman mas maganda at may sarili na siyang banyo, at para hindi naman magmukhang servant's quarter dahil hindi naman siya servant.  She's very good to me.

Can't Fight This Feeling 1Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz