CFTF 53: Where Is She?

2.3K 110 130
                                    

A/N: Hindi ako makatiis. I love you all. Dahil sa mga comments at votes ninyo, mas lalo akong ginaganahan kahit may lakad kami ni Mudra at GGT ang ADN California. Para po ito sa inyo. Hanggang sa muli, marami pong salamat.




-------------

"Mack!  Where is she?"

-------------




(Dwaine)

Early morning at the hotel.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.  Mahal niya ako.  Mahal pa rin niya ako. Di ba dapat matuwa ako dahil mahal pa rin niya ako? Pero bakit para akong tangang nabahag na naman.  Nandoon na ako eh, bakit pa ako umalis. Ang lapit ko na.  Nandoon na. Bakit nga ba ang tao nagiging tanga. Nagiging bobo.  Nagiging estupido.  Bakit hindi na lang natin harapin ng maayos, kung meron mang haharapin.  Nasa kamay mo na, pinakawalan mo pa.  Ano pa ba ang hinihintay ko?  Ang tumunog ang kampana ng simbahan?  Ilang beses na bang tumunog ang kampana sa simbahan sa bayan, tapos ikaw ito parang tangang nagtatago.  Akala ko ba tunog ng kampana ang hinihintay mo, DJ?  Tumunog na.  Apat na beses ng tumunog. Bakit andito ka pa?

"Bro, what the hell are you doing here? Why are you here?  Aren't you supposed to be with her?" Sunud-sunod na tanong ni Donnie sa akin.

"I don't know, bro.  I got scared.  Para akong nababahag, natatakot, nahihiya.  Hindi ko alam kung matatanggap pa ba niya akong talaga."  Nakayuko ako ngayon dito sa lamesa.  Nakapatong ang baba ko sa kamay kona nakapatong naman sa lamesa.

"Bro, hindi mo malalaman kung hindi mo aalamin. You were there.  You, at least, had a chance to be with here.  Anong ginawa mo doon sa hospital, tinitigan mo lang siya mula sa malayo? Ang gulo mo, bro."  Nasinghalan tuloy ako ng siraulong ito.  Pero may point naman siya eh.  Magulo naman talaga ako.

"Ano ang gagawin ko?"  Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko rin alam, bro.  Hindi pa ako na-i-in love eh.  Hindi ko pa nararanasan yang ganyang."  Napatingin ako sa kanya.  Seryoso siya?  Wait, this is Donnie, he was never serious lalo pa at hindi ito business.

"Seryoso ka, bro? Eh ang pagkakaalam ng mga empleyado mo at mga ka-business mo ay matinik ka sa babae.  Di nga, bro."  Hindi ako makapaniwala.  Hindi pa siya talaga nakakaranas ng ganito?

"No. I'm serious, bro.  I haven't fallen in love yet.  Yung mga dinanas ko puro lang lahat yun flirting at flings."  Pinaglalaruan ang baso na nasa harap niya at saka inubos ang laman.

"Eh bakit kung maka-advice ka sa akin ay parang expert na expert ka.  Yun pala pareho lang tayong newcomer sa field na ito."  Natatawa ako sa sinabi ko.

"Newcomer?  Huy, DJ, at least ako naikama ko na halos lahat ng bachelorette sa Vancouver, pero ikaw, bro, sa tingin ko si Mack lang ang naka-first base, second base at home run sa iyo.  Bro, talo mo pa ang babaeng probinsyana ,eh."  Pinagtawanan ako ng lokong ito.

"Huy, wala namang yabangan.  Anong ang magagawa ko kung ganun talaga ako.  But seriously speaking, bro. She's different. Iba siya. Whenever our eyes meet, parang pakiramdam ko nasa langit na ako, nakakabakla nga kung minsan."  Oo, inaamin ko, I am head over heels in love kay Mack.  Masisisi nyo ba ako?

"Okay, I get it, but the question is, bakit ka nandito?  Ano ang ginagawa mo dito? Bakit parang kang asong bahag na hindi mapakali diyan?  DJ naman, we flew all the way across the globe for this reason, pero feeling ko naman ay parang hindi ka pursigido."  Okay lang na pagalitan niya ako, kasi kahit ako ay nagagalit ako sa sarili ko.

Can't Fight This Feeling 1Where stories live. Discover now