CFTF 26: The Truth

1.7K 105 42
                                    




Pasado alas nueve na ng gabi nang dumating ang mga Bustamante. Pinatuloy sila ni Ruping at pina-upo sa sala kung saan naghihintay si Paul at si Kirstine.

"Come in Greg. Sit down. Hello, Elsa. Have you met my wife? This is Kirstine Richardson" Pakilala in Paul kay Kirstine sa mga bagong dating na mga bisita.

"Hello Kirstine, nice meeting you. Paul, your wife is very beautiful." Pagbati ni Elsa.

"Thank you, Elsa. Have a sit. Mabuti naman pinaunlakan nyo ang imbitasyon ko. Pasensiya na at medyo gabi na, pangako ko, madali lang itong ating pag-uusapan." bungad ni Paul sa kanila. Kahit sinabi na sa kanila ni Ramon ang pakay ni Paul sa pagpupulong na ito ay parang naguguluhan pa rin sila.

"Pag-uusapan na po ba natin Tito ang pagpapakasal namin ni Paulie?" tanong ni Sheri na puno ng kislap ang mga mata nito at malawak ang matamis na ngiti. Tiningnan lang siya ni Kirstine na nakataas ang isang kilay nito. Presko at antipatika ang dating niya kay Kirstine.

Naisip ni Kirstine na kung ito ang mapapangasawa ni DJ, isang malaking sakit sa ulo ang kinakaharap nito sa piling ng babaeng ito. Napaka Moderna ng dating ni Sheri, hapit ang maiksing damit nito na halos nakaluwa na ang dibdib niya. Eto ba ang tipo ng babae na ipapanhik ng mga lalaki sa mga magulang nila? Bata pa lang siya ay sa Amerika na siya nakatira at natural na doon lumaki, pero namulat man siya sa pamumuhay at kalakaran doon ay hindi niya nakikita ang sarili na maging ganito, kaya malaki rin ang pasasalamat niya kay Cha-cha na pinalaki niya ng may pagka manang at pagkamahinhin si Mackenzie.

"No. You are not here to talk about that. You are all here to talk about the way you harass my son and his girlfriend, Mackenzie. Greg, minsan ng muntik sirain ng anak mo ang buhay ng anak ko, hanggang ngayon ba naman patuloy pa rin niya itong ginagawa?" Diretso niyang sagot sa katanungan ni Sheri. "I have nothing against you hija, pero hindi ko pwedeng diktahan kong sino ang mamahalin ng mga anak ko. I also taught my children na kung ayaw sa inyo ng tao ay huwag nyong ipilit ang sarili nyo. Kaya nung sinabi mo kay DJ noon na ayaw mo na sa kanya ay hindi ka niya pinilit. Hinayaan ka niya at pinalaya. My question is, bakit mo pinipilit ang ayaw na sa iyo? Iniwan mo siya noon, bakit ka bumabalik ngayon." Dugtong pa niya.

Pinamulahan ng mukha si Sheri sa sagot ni Paul sa kanya na sinabayan pa ng tanong. Halos maiyak siya, pero wala ng pakialam kung makasakit man ng damdamin si Paul, dahil sinagad na ng dalaga ang pasensiya ng pamilyang ito.

"What did you do, Sheri?" tanong ng ina nito sa kanya. "What is he talking about?" dugtong pa nito.

"But mom, you promised me. You promised that no matter what Paulie and I will end up together di ba?" padabog na sagot niya sa kanyang ina.

"Sheri Ann, where are your manners? Di ba napag-usapan na rin natin ito na tama na? Malaki na ang perwisyong idinulot mo sa pamilya nila. Tama na. Why don't you just go back to Alex. Didn't you tell me, us that, that man loved you no matter what you do?" Sambit ni Greg sa anak.

"Dad, that was before. Noon pa yun, hindi na ngayon. Simula ng makilala niya ang malanding babaeng yun ay ipinagpalit na niya ako doon. She didn't get satisfied, ngayon naman ay si Paulie ay kanyang kinakalantare? Dad, I need to get back what was mine!" Pasinghal niyang sagot sa ama. Gustong tumayo ni Kirstine para bigyan ng isang malutong na kutos sa ulo ito ngunit pinigil siya ng asawa.

"Sheri, he was never yours. Hindi naging kayo di ba? And besides, ipinapalit mo rin naman siya noon sa Alex na yun di ba? Sheri, you got to stop. This ends here!" Alsa boses na sambit ng ina niya sa kanya.

"I don't give a damn, mom. I will get what was mine." Ganti niyang sagot sa ina.

"Hi Greg. Hello Elsa." Sambit ng bagong dating sa likuran nila na ikinagulat ng mga tatlong bisita.

Can't Fight This Feeling 1Donde viven las historias. Descúbrelo ahora