CFTF 32: Baybayon

1.2K 98 31
                                    


————————

"Bakit Manong Rolly, ano po ba ang ipinapaayos ni Ruth sa kwarto ni DJ?  Wala naman siyang nababanggit sa amin."

"Ay hindi po si Ate Ruth ang nagpapa-ayos ng kwarto ni Kuya DJ."

"Sinong Ate ang nagpapaayos ng kwart..."

Patakbong tinahak ni Ramon ang driveway papuntang loob ng bahay na halos sagasaan na niya si Manong Rolly at Jimbo.

"Ramon!  Ayos ka lang ba?!  Bakit para kang hinahabol ng multo?!"

"Pasensiya na po, Manong!  May kailangan lang akong masiguro!"

"Ay Ramon, halika muna dito."

————————



(Ramon)

Nawala ang sobra kong excitement na malaman o alamin kung tama ba ang kutob ko kaya lang parang hinaharang pa yata. Ayaw ko naman na basta na lang iwan si Manang Anita na may pinabubuhat sa akin. Isang sakong uling, kalahating sakong bigas at dose-dosenang grocery bag. Sige na nga, tulungan ko na nga si Manang tutal busy pa naman sila Jimbo at Manong Rolly. Unahin ko na nga itong mga maliliit na grocery bag. Mabuti naman at patapos na itong kalahating sako ng bigas na lang. Sino na naman kaya ang tumatawag sa akin. "Sino naman ang tumatawag na ito?  Kung kelan naman ako nagmamadali... talaga nga naman oo. Kainis.  Kapag si Lena 'to makakatikim ng singhal ito sa akin."

"Hello!" 

"Huy, Ramon!  Ano ang sinisigaw-sigaw mo,?!" Oh, crap.  Si DJ pala ito.  Nasigawan ko tuloy. Hindi ko kasi muna tiningnan kung sino ang tumatawag.

"Sorry, Jay, akala ko kasi si Lena at mangungulit na naman."  Bahala na kung hindi tanggapin ni DJ ang paliwanang ko. 

"I need you here, right now."  Ganon ba kaseryoso ang sitwasyon sa warehouse?

"Asan ka ba?"  Maiksi kong tanong. Huli na ng maisip ko na.... duh, nasa warehouse nga di ba?  Pati yata ako nadadamay na sa gulo ng isip niya.

"Sa Baybayon." Ano daw?  Saan yun? Baybayon?

"Ano? Nasaan ka?  Saan yun?"  Barangay ba yun o Resto?  Baybayon... tabing dagat? Ano ang ginawa ng lokong yun doon.

"Malapit lang dito sa warehouse.  Ayoko munang pumunta doon, naiirita pa ako.  Pwede kang pumunta dito?  Magpahatid ka na lang kay Manong Rolly.  Ibaba nyo muna si Jimbo doon kasi baka kailanganin siya ni Ruth." Boss nga siya. Tuloy-tuloy ang utos. Sige, pagbibigyan ko itong si DJ sa kaartihan niya ngayon.  Hindi ito natural kay DJ.  Pero dahil sa may pinagdadaanan siya ay iintindihin ko.

"O sige, sige. Puntahan kita. Bye." Ano ang ginawa niya doon? Saan yun? Anong ginagawa niya doon.

"Ramon, kumain ka na ba?" Tanong ni Manang Anita.

"Opo, Manang. Dumaan po kami ng Jolibee kanina. May ipagagawa pa po ba kayo sa akin?" Please, please, please. Sana wala na.

"Bakit, may pupuntahan ka ba? Bakit hindi muna kayo magpahinga? Nasaan na ba si DJ? Tawagin mo na sa labas ng makapagmeryenda." Naku, parang si Nanay din pala itong si Manang Anita.

"Hindi po siguro muna uuwi yun dito. May problema po kasing kailangan asikasuhin agad sa warehouse. Susunod na nga po ako doon ngayon." Sana naman wala ng question and answer portion pa. 

Can't Fight This Feeling 1Where stories live. Discover now