CFTF 35: Organic

1.5K 110 43
                                    

Readers: Bago n'yo basahin ang chapter na ito, I encourage you to watch this video. Just imagine Paul Nicholls and Jennifer Love Hewitt is DJ and Mack, or better yet, listen to the music while reading  through the chapter. Kasi basically yan ang nangyari after na umalis ni Mack hanggang sa pagbalik niya.  Nakaka-inlove lang kasi.  I have this playlist in my flash drive that I connect to my car and while I was driving the other day this music played and I cried singing along with it, and it reminded of how DJ waited for Mack.  I felt the pain, and at the same time the joy of waiting that long, and now, your forever is here to stay.  

(Video from:   wwwvwvwv Love Songs   youtube user)

----------------




 "I love you, Mack."

"I love you, too, DJ."

"I love you more."

"I love you most."

----------------


(Chronicler)

Sa mga I love yous na nasabi at nabigkas, tanging malagkit na tinginan at matamis na mga ngiti ang tanging bumabalot sa dalawang pusong nag-iibigan. Nasa likod ng kanilang mga isipan ang pangamba at takot na maaring maulit ang nakaraan. Ang nakaraang panandaliang naglayo sa kanilang dalawa.  Ang nakaraang hangad at dasal na hindi mabago ang ngayon. Na maging maligaya na lang sa hinaharap. Hangad ng kanilang mga puso na pagsapit ng kinabukasan ay magkasama pa rin sila, na kahit kailanman ay hindi na maghihiwalay. 

Si Mack, ipinagdarasal niya na sana ay tumigil na siya sobrang pag-aanalisa ng lahat ng bagay na nakapalibot sa kanya at sa kung ano ang nararamdaman niya ay hahayaan niya itong dumiskubre para sa kanya.  Take a chance, 'ika nga. Binubusisi niya kasi ang bawat tibok at pintig ng kanyang puso. Ang bawat takbo at likaw ng kanyang isipan. Masisisi mo ba siya? Nagbulag-bulagan siya sa una niyang pag-ibig. Minahal niya ito ng buo kahit na alam niyang may mali sa mga ikinikilos nito. Nakita ng mommy niya ang mali noon at nakipagtalo siya, iginiit, ipinagpilitan ang kung ano ang nakikita ng puso niya at hindi ng mga mata niya. Tinanggap niya ang lahat ng ibinigay ni Zander sa kanya noon, saya, sakit, pati na ang takot. Ang takot na sanhi ng kanyang pagkailang na tanggapin ang pag-ibig na inaalay ni DJ ngayon. Ang sumisidhing damdamin niya para sa binata ay palagi niyang isinasama sa kanyang dalangin na sana ay matumbasan niya ito ng kahit konti lamang. Dalangin na sana ay tuluyan ng magbukas ang kanyang puso. Dalangin na sana ay papasukin na ng isipan niya ang tapat na pagmamahal ng binata.

Si DJ, ipinagdarasal niya sana ay maibigay niya ang kung anong nararapat at higit pa kay Mack. Maibigay niya ang mga bagay na para lamang sa dalaga at sana ay tanggapin na nito ng buong buo, iyon ay ang puso niya. Ang puso niyang sinakop ng kabuuan ng dalaga. Ipinapanalangin niya na maging mas matibay pa siya kesa sa dati. Tibay na hindi kayang buwagin ng pagsubok. Tibay na kayang maghintay na muli kung sakaling dumating ang panahon na hingiin sa kanya ang maghintay. Tibay na wag matukso sa kahit ano at sino pa man. Buo sa kanyang isipan at puso na si Mack lang tangi nitong iibigin sa buhay niyang ito at sa susunod pa, kung may susunod pa. Dalangin niya na sana ay malampasan nilang dalawa ang lahat ng takot at agam-agam na dala ng kahapon para maharap nito ang ngayon at ang bukas.

Marami ang umiibig ng ganito sa umpisa, pero hindi ganon si DJ. Di bale na siya ang masaktan, wag lang siyang makapanakit ng damdamin ng iba. Si Malori, ang kanyang ina, ang kauna-unahang babaeng minahal niya at aalayan niya ng buhay dahil ito ang kanyang ina. Si Ising, ang kanyang yaya, naging ina ito para sa kanya, ay pag-aalayan din niya ng buhay kung kinakailangan. Si Cindy, ang kambal niya, na kahit pagbali-baligtarin man ang mundo, susuungin niya ang lahat ng panganib at sakit para sa mahal niyang kapatid, maging ligtas at maayos lang ito. Si Mack, ang natatanging babaeng mahal niya at mamahalin habangbuhay, lahat ay haharapin niya maging katumbas man nito ay ang sarili niyang buhay, mapatunayan lang sa dalaga na siya lang ang laman ng kanyang isip, ang tinitibok ng kanyang puso, ang hinahanap ng kanyang mga mata, ang ibinibigkas ng kanyang mga labi. 

Can't Fight This Feeling 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon