CFTF 25: Ang Pagtatapat

1.7K 97 10
                                    




Ano ang mga bagay na dapat nilang pag-usapan?

Ano ang tinutumbok ng mga salita ni Sheri?

Bakit ganon na lang ang pagiging seryoso ni Vince na maka-usap ang mga Bustamante?

May kinalaman ba ito sa tunay na pagkatao ng ina ni Mack at ng pamilya nito?

Anong mga bagay ang ating malalaman?

May sekreto ba na bumabalot sa pagkatao ni Mack at ni Sheri?

Ano ang kaugnayan ng bawat isa? Meron nga ba?

---------------------





Tahimik na kumain ang mga ito. Nakikiramdam kung sino ang unang magsasalita. Nasa magkabilang kabisera si Paul at Ruping. Nasa tabi naman sa kaliwa si Kistine na sinundan ni Ramon, Jen, Lena at Ising. Sa kaliwa ni Ruping ay si Carding, Cindy, Vince, Mack at DJ.

"Okay. Someone has to speak up." Deklara ni Cindy. Nakakapraning naman kasi ang katahimikan ng lahat. Parang bang may sampung libong anghel na dumaan sa sobrang katahimikan, ang tanging kalansing lang ng kubyertos at pagnguya ang kanilang naririnig.

"We are family now and if someone has to say something in this house, you guys know that we discuss things on the dinner table, whether it's good or bad, we can and need to discuss it here.... now." Patuloy ni Cindy. Tama nga naman kahit na noon pang maliliit pa sila, ang hapag kainan ang saksi sa lahat ng mga pinagdaanan ng bahay na ito at ng buhay nila, maging masaya man o malungkot ay inilalahad sa lamesang ito.

"Dad, remember when mom is still alive, she made you promise that no matter how ugly the situation would be, we have to lay all the cards out on this table like we're playing pyramid, and one by one we turn the card up." Paalala ni Cindy.

Sa dalawa sa kanila ni DJ, mas masasabing si Cindy ang napaka-nostalgic, well, pareho lang naman sila, pero mas lamang si Cindy, maaring dahil sa babae siya at masyado pa silang bata ng mamaalam ang mommy nila. At ngayon nasa tamang edad na silang dalawa ni DJ ay unti-unti nang nawawala ang mga bagay na importante sa kanilang tatlo..... Yan ay ang pag-uusap habang kumakain. Matagal na rin nilang hindi nagagawa yun. Simula ng mag-kanya-kanya sila ng lakad sa buhay, siya sa Greece para umiwas kay Carding, ang daddy niya sa New York dahil nag-asawa na at nalibang na rin doon at si Dwaine... Si Dwaine, ngayon niya lang napag-isip-isip, iniwan nga pala nila si DJ dito sa Pilipinas na mag-isa dahil sa sari-sariling nilang gusto na ang tanging kasama nito ay ang mga kasambahay nila. Bigla na lang tumulo ang mga luha niya sa pisngi na kanina pa niya pinipigilan. Maging siya ay naging sakim. Sa hangarin niyang maka-iwas kay Carding noon ay mas minabuti pa niyang umalis at iwan ang kambal niya.

"Dwaine, I'm sorry." Bungad niya. "I'm sorry to leave you here by yourself. I'm sorry that I wasn't here when you needed an ear to listen to you, a shoulder to lean on, someone to cry to. Dapat nandito ako malapit lang sa iyo pero iniwan pa rin kita. Wala na nga si Mommy, wala rin si Dad tapos wala rin ako." Tuluy-tuloy na ang daloy ng luha niya. Hindi na niya napigil ang pag-iyak. Pakiramdam niya ay napakasama niyang kapatid dahil naging makasarili siya. Ikinagulat ni DJ ang lahat ng sinabi ng kambal, maging ang ama ay nagitla sa mga narinig mula sa kanya.

"Hey, Mae, you don't have to say sorry. We need to do things in life our own way as we grow up, and part of that growing up is exploring the possibilities in life. Remember what mom said, you have to try things to know yourself even if it means you leaving the nest. Mae, I am not mad at you, why are you saying sorry?" Parang gusto na rin umiyak ni DJ, naawa siya sa kambal niya, alam niya ang ibig nitong sabihin. Maging siya ay parang na-detach na rin sa kanyang pamilya.

Can't Fight This Feeling 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon