CFTF 11: His Girlfriend

2.4K 145 46
                                    


"ANNE?!" Gulat na sambit ni DJ. Saan ba ito nanggaling at bakit nandito ito? Nakatayo lang ito sa harapan na malawak na nakangiti. Naramdaman niya ang pagpisil ni Mack sa kamay niya.

"I can't fight this feeling any longer and yet I'm still afraid to let it flow

What started out as friendship has grown stronger

I only wish I had the strength to let it show."


***Flashback

"Paulie, I'm sorry. Let's face it. You may be a boyfriend material but you never were a boyfriend to me. You always treat me like your kinakapatid all the time." Sabi niya bago pa kami tuluyang nagkahiwalay.

"I found a new love and I am moving out of the country. I'm sorry Paulie." Malungkot niyang dugtong, pero hindi rin naman. Parang nabunutan pa siya ng tinik.

Ang sakit pala pag-iniwan ka kahit alam mo namang walang mapupuntahan ang relationship ninyo. Kahit alam mo naman na hindi talaga naging kayo. Kahit na hindi ka naman sigurado kung mahal mo ba siya. Kahit alam mong hindi ka naman niya minahal.

"Ann, can we talk first? Can we sort this out?" Mahirap makiusap kung alam mong wala ka namang dapat ipakiusap.

"Sorry Paulie, you are not the rightful man for me." And that was last time I heard from her. Hindi na siya nagparamdam muli.

****End of Flashback


"What the hell are you doing here?" Tanong niya uli dito na parang nakakalokong nakatingin sa kanya.

"Why? Can't I visit the love of my life?" Walang pakundangang sabi nito. Naningkit ang mga mata ni Mack sa kanya at halos mawalan na ng sirkulasyon ang kamay ni DJ.

"Oh, you have a boyfriend here in Romblon?" Tanong ni DJ. Alam naman niya kung sino ang tinutukoy nito pero mas maganda na yung ganito. Mukhang galit yata si Mack.

"No. I was talking about you, silly." Sabi ni Ann na ubod ng lambing.

"Eherm..... Deej?" Sambit ni Mack. Mukha yatang natauhan si DJ.

"Ahh.... Mack, this is Ann, my childhood friend and kinakapatid." Pakilala ni DJ na may diin sa dulo. "Ann, This is Mackenzie my-----" Hindi na niya natuloy dahil sumingit na si Mack na ikinagulat ni DJ ang sinabi nito.

"His girlfriend." Sabi ni Mack sabay kapit sa braso nito. Si DJ? Kabog. Si Ann? Nganga. Si Mack? Victorious That was it.

Nasa kusina na sila ngayon, sa lumang bahsy. Walang imikan, ealang kibuan. Maging si Lena ay naguguluhan dahil kaninang umalis sila ay ayos naman itong dalawa.

"Ate, Ano po ang gagawin natin dito? Ang dami nyong pinamili ah." Tanong ni Lena habang inilalabas ang mga pinamili sa plastic sando bag.

"Tanong mo diyan sa kuya mo." Sagot nitong padabog. Napataas ng kilay si Lena.

"Anyare?" Tanong nito na parang lito. "I smell something fishy." Dugtong pa niya.

"Ayan Lena! Isda! Isda lang ang naamoy mo!" Padabog na turo ni DJ sa nakabalot na isda. "At pakisabi diyan sa ate mo, na hihiwain niya lang yung luya at sibuyas. Yun lang." Sagot naman ni DJ.

"Ate Ma----" Waley... naputol ang sasabihin niya.

"Pakisabi diyan sa kuya mo na alam ko ang gagawin ko sa sibuyas. At least yun, alam ko." Singhal uli niya.

Can't Fight This Feeling 1Where stories live. Discover now