CFTF 29: The Plan

1.6K 103 37
                                    



————————

Wow! So, this is the feeling pala ng ready ka nang harapin ang iniwan mo. Sana makatulog ako ngayong gabi.

"Wait for me, Hon, I'm coming home."

————————



(Chronicler)

Tinapos na nila ang hapunan at nagkwentuhan pa. Mababanaag mo sa magandang mukha ni Mack ang sobrang saya at ang hindi masukat na kagalakan. Ibang-iba siya ngayon sa mga nagdaang araw, buwan, taon....

"Uy Mack, ano ang una mong gagawin pag dating mo ng Pilipinas?" Tanong ng Tita Ninang niya.

"Hindi ko alam Ninang." Kung kanina ay excitement ang mababakas sa mukha niya ngayon naman ay kaba, takot at walang hanggang nerbyos.

"O, anong nangyari sa mukha mo Mack? Para kang nakakita ng multo? Ano ba ang ang sinabi mo dito sa inaanak mo, Love? Namumutla oh." Susog naman ni Paul.

Nangingiti na lang ang ama sa mga naririnig at nakikita. Natutuwa siya sa mga expression ng anak sa tungkol sa usaping DJ at Pilipinas.

"Haaaay... She's all grown up. She grew to be very beautiful just like her mother." Ang tanging babaeng minahal niya na sana hindi siya naging duwag na harapin ang lahat ng pagsubok sa kanya. Sa takot na mawala ang pinaghirapan niyang negosyo para sa kinabukasan ng kanyang mag-ina ay hinayaan niyang masira ang relasyon nilang dalawa ni Charrize, mabuti na lang at napakamaunawain at talagang mahal siya nito, kahit papaano ay nakakasama pa rin naman niya ang mga ito. At least napapayagan siyang makapunta sa mga importanteng okasyon sa buhay ng anak niya at nakakasama niya kahit na anong araw at oras. Nagkakaroon din siya ng pagkakataon na makasama ng lihim si Charrize na silang dalawa lang. Kahit papaano ay naiparamdam din niya na mahal na mahal niya ito.

"Hey, Dad? Dad. Dad! Hello, earth to dad!" Paggising sa diwa at isip niyang naglalakbay sa nakaraan.

"Vince, are you okay?" Tanong naman ni Kirstine. Binigyan niya ng makahulugang tingin ito. Tinaasan lang siya ng kilay nito.

"Yeah. I'm fine. I am just enjoying her being so happy." Pagsisinungaling niya. Nagkatinginan sila ni Kirstine, alam nito ang iniisip niya. Matagal na rin naman silang magkaibigan, naging saksi ito sa lahat ng pinagdaanan nila ni Charrize.

"Vince, if you are tired doing what you're doing, why not stop. Panahon naman na siguro para gawin mo yun." Makahulugang sabi ito sa kanya.

"I can still do it. Konting panahon na lang. Matatapos na rin ito." Para silang nag-uusap in codes.  Nakakaramdam si Paul na may pinag-uusapan silang hindi niya alam.

"What do you mean, Tita Ninang. Dad, are you okay?" Nag-aalangan tanong ni Mack sa ama.

"I think your dad is ready for retirement, right Vince? He's already imagining chasing grandchildren around. Hahahaha!" Pagbibiro ng Ninang niya. Nakitawa na rin si Paul habang pinamumulahan na ng pisngi si Mack.

"DAD! That's not nice. I thought fathers do not want their daughter to be around men, pero ikaw halos itulak mo pa ako." Nakatibi ang labi nitong sambit sa ama na kunyari ay nagtatampo pa.

"Naku Mackenzie, umayos ka nga diyan. Mag-empake ka na ng gamit mo at aalis ka pa bukas." Utos ng Ninang nito sa kanya.

"Bukas agad? Pwede bang sa next weekend na lang?" Asus. Ninerbiyos na naman.

"Huy Mackenzie, dinadaga ka na naman. Go! Pack up your stuff and go to bed at bahala na kami sa flight mo. Everything else can wait but not DJ. He had waited too long at ikaw.... Doon... naghihintay na ang mga gamit mo. Mag-empake ka na." Paalala ng kanyang ninang habang nakaturo sa taas.

Can't Fight This Feeling 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon