CFTF 38: Gusot

2.1K 102 118
                                    

A/N: Hay, salamat.  Nakahanap ng konting oras para makapag-update.  Lulubusin ko na ito.  See you in two weeks!!


————————

"WHO!?!?" The who nga ba ang taong iyon?

Sino si Ms Marie Ilene Everson?

Sino siya buhay ni Mack.

Sino siya sa buhay ni DJ?

————————



(Chronicler)

Ano na naman ba itong nagbabadyang kaganapan na gustong bumulabog sa katahimikan ng pamilyang Richardson/Thompson? Nasa kalagitnaan ng paghihintay ng sagot kung sino nga ang taong iyon,siya namang ring ng cellphone ni Angie.

"Hello, Coastal Reef Bed and Breakfast, Angie speaking." Mahabang pakilala nito sa tumatawag.

"First installment pa lang yan, may susunod pa. Sabihin mo sa mga kapatid mo wag silang makikisali, wag silang magpaka-hero baka sila ang susunod na bumagsak katulad ni Ms. Thompson." Pagbabanta ng nasa kabilang linya. Namutla si Angie na ikinabahala ng dalawang kapatid.

"Angie, anong nangyayari? Sino yang tumatawag na yan?" Inigaw ni Christian ang cell phone na hawak ni Angie.

"Hello! Sino 'to?! Ano ang sinabi mo sa kapatid ko." Nagngingit na bigkas ni Christian.

"Hahahaha!" Isang malakas na tawa lang narinig ni Christian mula dito at bigla itong nawala.

"Hello! Hello!" Beeping na lang narinig nito mula sa kabilang linya. "Angie, sino yun?" Tanong niya sa kapatid. Nanginginig pa rin si Angie. Naka-akap lang ito kay Angelo.

"Kuya, first installment pa lang daw po yung nangyari kanina kay Ms. Thompson. Sino ba si Ms Thompson? Wala naman akong guest na Ms Thompson." Wala sa sariling sabi ni Angie. Naiintindihan naman ng mga kapatid niya ang ganitong reaksyon. Resulta ng panic o takot. Syempre pulis ang mga yan alam nila ang mga ganyang bagay at sanay na sila.

"Relax ka lang, Gie. Kayang solusyunan ni Kuya yan, okay" Malambing na sabi ng nakatatandang kapatid.

"Sino ba si Ms. Thompson? Bakit ako ang tinawagan para warningan?" Sabi nito sa kuya niya.

"Ako. Ako si Ms. Thompson. I am Mackenzie Thompson. I don't know who's after me but I have a feeling that it has something to do with what my father is facing right now." Seryosong sabi ni Mack. Napatingin naman ang tatlong magkakapatid. Tiningnan nila ang mga kasama ni Mack, parang kalma lang silang tingnan. Parang walang nangyari. Parang walang bakas ng pagkatakot kanina, maging ang asawa nito.

"Mawalang galang na ha, bakit Thompson? Di ba Richardson ka? Di ba mag-asawa kayo?" Nalilitong tanong ni Angie. Hindi kasi siya sanay sa mga ganitong bagay. Sino ba ang masasanay sa ganito kung hindi naman nangyayari sa iyo ito araw-araw. Kung yung mga kapatid na nagsimula sa pagiging pulis hanggang sa naging detektib ay hindi rin sanay, siya pa kaya?

"Mag-asawa nga kami. Pero hindi naman lahat ng tao ay alam yun. Katulad ng sabi ni Mack, kung may kinalaman ito sa kanyang ama ay maaring hindi pa alam na hindi na siya Thompson, panigurado akong they are trying to scare us." Paliwanag ni DJ. Ayaw niyang malaman ng mga bagong kakilala na hindi naman niya talaga asawa si Mack, na mag-boyfriend/girlfriend pa lang sila. Mas mabuti na rin ang ganito para mas maprotektahan niya si Mack.

Can't Fight This Feeling 1Where stories live. Discover now