CFTF 22: Figure in the Dark

2.1K 113 60
                                    

**** Note from the author****

All names that are used in this story are all made up.  Some places maybe real but they were the places that I had visited in the past, some are real and some are made up.  The familiarity of the story are all coincidental. Please do not take all or parts of my story without my permission. 

Thank you. Happy reading to all.



--------------------

"Oh my God.  She's nuts.  She's crazy.  NO!  She's delusional."

"What is her name?"

"Ann Bustamante.  Sheri Ann Bustamante"

-----------------—





(Dwaine)

Malaking palaisipang ang mga bagay na ito ngayon sa akin.  Ano ba talaga ang dahilan ni Sheri?  Bakit nga ba niya ginagawa ang mga ito.  Siya naman ang gumawa ng unang hakbang para malayo ang damdamin ko sa kanya.  Kung tutuusin, handa ko naman talagang ipaglaban si Sheri noon para maging kami, kahit na magkinakapatid pa kami at alam yun ng buong angkan ng mga Benitez, pero dahil sa ginawa niya sa akin sa pier noon ay minabuti ko na lang na kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya.  Hindi naman mahirap gawin yun dahil hindi ko naman talaga siya minahal ng katulad ng pagmamahal ko kay Mack ngayon.

Si Mack? Siya ang mas nahihirapan sa mga nangyayaring ito.  Mahimbing na ang tulog niya.  Nandito siya ngayon sa kwarto ko kasama si Cindy.  They decided to sleep here.  Kami naman ni Kuya Carding ay nasa kabilang kwarto.  Aaaaahh!  Masakit sa ulo ang mga nangyayaring ito.  Maka-inom nga ng tubig.  No, I think I need a beer. Haaaahhh!  I felt suffocated with all these happenings. 

Tahimik na ang kabahayan, tahimik na rin ang kalsada sa labas, kakaunti na lang ang mga sasakyang dumadaan.  Akala ko nga dati masarap ang tumira sa mataas na building dahil makikita mo ang lahat ng nasa baba pati na rin ang nasa taas.  In times like this, parang mas gusto kong tumira sa ilalim ng lupa, parang mas gusto ko ang nakabaon sa lupa.  Pangit mang pakinggan pero yun ang nararamdaman ko.  Nagpapasalamat na lang ako at nandiyan si Mack na nagpapalakas ng loob ko kahit na wala siyang ginagawa, just the thought of her being in my house, too close to me, is a heavenly relief.

I was drinking my beer when I felt an arm na malambing na umakap sa akin.  Napalingon ako sa kanya.  Nakangiti lang siya sa akin.

"Hey, I thought you were asleep already."  Tanong ko sa kanya.

"I was but I was woken up with a dream about my mom.  It wasn't bad, but it woke me up."  Namumula ang mga mata niya.  Umikot ako para akapin siya. 

"It'll be okay, love."  Natahimik na kaming dalawa.  Basta pinanonood lang namin ang manaka-nakang sasakyan na dumadaan.  Hindi naman kataasan ang floor ko kaya makikita mo pa rin yung ang mga naglalakad nang malinaw lalo na ang parking lot.

"Hon..."  Ano daw?

"What'd you call me?"  Tanong ko, pero sa totoo lang kinikilig ako. Hahaha.  Kinikilig din pala ang lalaki?

"Whatever, Deej.  You're ruining the moment. Hahaha."  Inirapan ako ng love ko. Hahaha. Ang cute niya talaga.

"I'm sorry, I didn't mean to. Hahaha.  Kinilig lang ako ng konti sa tawag mo."  Sagot ko sa kanya sabay halik sa ulo niya.  "Okay, sige serious na ako.  Ano nga pala yang sasabihin mo?"

"What I was trying to say before you rudely interrupted me, your royal rudeness.  I saw someone standing by your car.  Just don't look intently but I am really sure I saw someone there."  Tiningnan ko ang tinuturo niya, meron nga.  Kailangan kong gisingin si Kuya Carding.  Kailangan ko ng isang tao para bumaba.

Can't Fight This Feeling 1Where stories live. Discover now