Chapter 1

587 14 2
                                    

••••Yuki•••••

"Yuki. Papasok ka na ba?"tanong ni kuya Jiro saken nung makitang papalabas na ako ng bahay.

"Oo kuya. 9:00 am kasi yung pasok ko at tsaka medyo malayo yung university eh."sabi ko at inayos ko na ang sarili ko bago lumabas ng bahay.

"Lolo una na po ako."paalam ko kay lolo at tinanguan nya lang ako. Lumabas na ako ng bahay at maglalakad na sana ako pero napatigil ako ng makita syang nakasandig sa kotseng dala nya.

"Ang aga mo naman yata."sita ko pero nginisihan nya lang ako. Lumapit sya saken at kinuha ang bag ko.

"Stop acting like you don't me Yuki."tila naiinis na sabi nya kaya tinawan ko sya..

"Ewan ko sayo Dae masyado kang ewan."sabi ko kaya natawa sya.For the past 3 years sya ang kasama ko at naging matalik kong kaibigan. Simula nung umalis sya at di na nagpakitang muli.

Si Dae ang naging sandigan ko at si Dae ang naging kasama ko sa mga panahong dapat sya ang kasama ko. Napailing iling ako para tanggalin sya sa isip ko. Pano ba naman kasi ayoko ng nagiisip ng mga ganun. Malay ko ba kung buhay pa yun diba?

"O Yuki tara na. Tulala ka na naman dyan. Teka naalala mo sya no?"nanunuyang tanong nya at may pataas taas kilay pa syang nalalaman.

"Hay halika na nga baka malate ka pa."sabi nya at pinapasok na ako sa loob ng kanyang Elantra. Habang nasa biyahe kame ay di ko maiwasang hindi mapaisip. Nasaan na kaya sya? Ano kayang ginagawa nya ngayon? Bakit hindi na sya nagpaparamdam? Bakit hindi nya tinupad ang pangako nya na maguusap kame pag may free time?


"Yuki nandito na tayo."sabi ni Dae kaya nabalik ako sa huwisyo ko at kinuha ko na ang bag ko at bumaling sa kanya.

"Salamat sa paghatid Dae. At wag mo na akong ihatid mamaya kasi may pupuntahan ako baka gabihin ako eh. Sige bye."paalam ko sa kanya at lumabas na ng kotse nya. Hinarap ko agad ang eskwelahang pinapasukan ko ngayong college na ako.

Isa itong International School.


Inayos ko ang bag na dala ko at pumasok na sa loob.

"Miyuki!"tawag saken ng isang pamilyar na boses. Simula nung nagcollege ako.


Ginagamit ko na ang totoo kong pangalan dahil wala na naman akong pinagtataguan at okay na naman kay mom na magstay ako dito sa Pilipinas kaya walang problema. Mabuti na lang at napalitan ni kuya Jiro ang pangalan ko sa lahat ng records na meron ako.


Kumaway ako sa kanya at lumapit sya saken.


"Bakit nalate ka ngayon? Hindi mo ba alam na may klase tayo ngayon?"tanong nya kaya napangiti ako. Magaan ang pakiramdam ko sa kanya kaya tinuring ko na rin syang kaibigan.


"Jelyne.Hinatid pa kasi ako ni Dae at tsaka medyo traffic sa highway kaya nalate ako. At sorry dahil pati ikaw nalate rin."sabi ko pero umirap lang sya saken.


"Ewan ko sa yo Miyuki masyado kang formal magsalita. San ka ba galing na planeta at parang hindi tayo magkaibigan ha? What friends are for right?"nakataas kilay nyang tanong at nakalagay pa ang kamay nya sa ere na parang may inaadvertise na product.


"Oy. Oy ano na namang kalokohan an tinuturo mo dito kay Yuki ha?"napatingin ako sa taong kadarating lang at napangiti. Masaya ako nung nalaman kong kahit na nagpaabroad yung apat may naiwan pang isa. At kuntento na ako dun.

"Tadashi. Nalate ka rin?"natatawang tanong ko pero inirapan nya lang din ako. Bakit ba ang hilig mangirap ng mga tao ngayon?


"Ewan ko sayo Yuki. Tara na nga at bakit may gana pa kayong makipagchikahan ngayong late na tayo?"tila naiinis na tanong nya. Naglakad na kame papunta sa classroom ng subject namen.

Mabilis na natapos ang araw at inubos ko lang ang oras ko kakaisip sa kanya. Napahinga ako ng malalim dahil sa kanya. Ano na kayang ginagawa nya ngayon?


Kahit na naiinis ako sa kanya di ko parin maipagkakaila na sya pa rin at kung may pinagbago man ay yun ay mas lalo ko lang syang minahal pero ewan ko kung ako pa rin ba yung para sa kanya.


"Oy Yuki masyado nang malayo yang nararating ng tingin mo ah. Anyare sayo?"nangaasar na tanong ni Tadashi pero napahinga lang ako ng malalim..


"Teka wag mong sabihing sya ang iniisip mo ha?"tila hindi makapaniwalang tanong nya pero umiling ako para itanggi.

"Yuki. Sinasabi ko sayo wag mo ng sayangin ang oras mo sa taong ni hindi kayang maglaan ng oras para sayo."sabi nya pero agad namang umangal si Jelyne


"Wag kang makinig sa kanya Miyuki. Ni hindi mo pa nga naririnig nagmagexplain eh kaya dapat marinig mo muna bago ka magconclude."sabi nya pero agad namang kinontra ni Tadashi. Sa tagal na naming magkakilala, naikwento ko na ang buong story ng buhay ko maliban dun sa yakuza part, masyado kasing confidential ang bagay na yun.


"Eh yun nga yung problema eh pano nya maririnig yung explanation ni Shin kung wala dito yung tao. At tsaka mahirap maghintay Jelyne. Hindi ibig sabihin na kapag mahal ka ng isang tao. Hahayaan mo na lang syang maghintay sayo. Naku, naku hindi dapat ganun."sabi ni Tadashi kaya medyo nagulat ako sa mga pinagsasabi nila. Aba't saan nakuha ng mga to yang mga pinagsasabi nila?


Napatingin ako sa cellphone ko ng may magtext.

From: Kuya J

Yuki, daan ka muna sa supermarket. Please, maggrocery ka muna please wala na kasing pagkain dito sa bahay eh.

Inayos ko na ang gamit ko at hinarap silang dalawa na hanggang ngayon ay nagbabangayan pa rin. Hindi na ako magtataka kung magkatuluyan tong dalawa.

"Ahem. Ahem. Mauuna na muna ako sa inyo ha. May bibilhin pa kasi ako eh. Bye ingat kayo sa paguwi ha. Tadashi ihatid mo na lang si Jelyne, magagabi na kasi eh o."sabi ko at nagirapan na naman sila. Umiling na lang ako dahil sa kakulitan ng dalawa.



Lumabas ako ng school at dumiretso sa paradahan ng jeep. Mabuti naman at hindi na naging makulit si Dae sa paghahatid saken. Sumakay na agad ako ng jeep at bumaba ako sa harap ng Save More Market.


Pumasok ako sa loob at pumili na ako ng mga pagkain na bibilhin ko. Medyo natagalan pa ako kasi nahirapan ako
Sa paghahanap ng ice cream na paborito ko. Ng sa wakas ay nahanap ko na ay dumiretso na ako sa counter dala dala ang aking pushcart.

Medyo mahaba ang pila kasi Saturday ngayon kaya naghintay muna ako. Nilibot ko ang paningin ko at napatigil ito sa isang pamilyar na mukha. Napatulala ako sa itsura nya lalo na ng naramdaman ko na tatlong taon na ang nakalipas at wala man lang akong may narinig mula sa kanya.


Gusto kong lapitan sya at yakapin pero nag-ugat ang paa ko sa sahig na tinatapakan ko. Mas lalo akong napatigil ng nabaling ang tingin nya saken. Mga ilang segundo din kameng nagkatitigan pero naputol lang iyon ng may lumapit na babae sa kanya. Nakatalikod sa direksyon ko yung babae kaya hindi ko makita ung itsura pero base sa pananamit nya mukhang maganda sya.




"Hon! What are you doing in there?"nabaling ang tingin nya dun sa babae kaya napalunok ako lalo na dun sa tawagan nila. Hindi naman siguro pwede diba? Sabi nya kahit na hindi kame magkasama, kame pa rin at walang may papalit saken at sa kanya.


"Uhm, I'm just looking for some magazines."sabi nya at napangiti naman yung babae. Hinila nya palayo si Shin sa pila at nakita kong napapatingin pa rin sya saken. Napalunok ako pero parang may nagbara sa lalamunan ko.


"Hoys miss ano ba?! Gumagawa ka ba ng music video?! Nagmamadali kame dito oh!"reklamo nung isang tao kaya nabalik ako sa huwisyo ko. Napatingin ako sa pinto kung saan sila lumabas at nakita kong wala na sila. Napatingin ako sa harap at nakita kong ako na pala ang sunod kaya binayaran ko na ang pinili kong bilhin.


Pagkalabas ko ay napapatulala ako kasi hindi ako pwedeng magkamali. Sya yung nakita ko kaya imposible talaga na magkamali ako. Pero anong ginagawa nya dito? Hindi kaya bumalik na sya? Pero sino yung babae?


Sobrang dami ng tanong na gumugulo sa utak ko at sya lang ang nagiisang makakasagot nun.

Once Again (The Seniors Book 2)Where stories live. Discover now