Chapter 29

228 3 2
                                    

***Yuki***

Naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin nang lumabas kame galeng sa Osaka International Airport. Mabuti na lang at nagsuot ako kanina ng jacket bago bumabas ng eroplano. Napatingin ako sa relo ko at naalala na 4 hours pala yung naging byahe namen at wala akong ginawa kundi kumain,kulitin at picturan si Shin. So 2:30 pm na. Mabuti na lang at nakapaglunch na kame kanina kaya hindi ako nagugutom.

Habang naglalakad kame palabas habang hila hila yung mga bagahe namen ay may sumalubong sameng dalawang itim na kotse, pinapasundo na kame. Pero nagtaka ako ng bitawan ni Shin ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya nang may nagtatakang mukha.

"Bakit? San ka pupunta?"takang tanong ko pero umiling sya.

"I have my own car. And I have to wait for our friends here in the airport. You go first, icocontact na lang kita kung saan tayo magkikita."sabi nya kaya napasimangot ako, nakakainis naman hindi nya pala ako sasamahan eh.

"Pero bakit kasi hindi ka pwedeng sumama ha?"naiiritang tanong ko pero bumuntong hininga lang sya..

"Yuki, you should first visit your parents then after that you can go back to me."sabi nya pero hindi pa rin natatanggal ang pagkasimangot ko. 

"Sige na nga, basta itetext mo ko ha, alam mo na number ko binigyan na kita kanina."sabi ko at tumango sya, hinalikan nya ako sa noo at nginitian kaya wala na akong nagawa kundi pumayag sa gusto nya.

"Dewa mata [ See you ]" sabi ko at tumango sya

Tinalikuran ko na sya pero bago yun ay nagwave muna ako sa kanya ng babye. Nginitian nya na lang ako at nginitian ko rin sya. Pinagbuksan ako ng pinto nung bodyguard namen at pumasok na ako sa loob. Tinted ang salamin ng kotse kaya hindi nya ako nakikita pero nakikita ko syang nakatingin saken pero nung nagsimula ng umandar ang kotse ay nawala na rin sya sa paningin ko.

Bumuntong hininga na lang ako kasi gusto ko sanang samahan nya ako pero naisip ko na kailagan nya pang hintayin sila Tadashi, kaya dapat mga 8 ay magkita kita na kame. Napatingin ako kay kuya Jiro at Kuya Shiro sa tabi ko, sa kabilang kotse kasi sila Kuya Sab at kuya Ichi eh.

"Ugh, I hate jetlag."naiinis na sabi ni Kuya Shiro kaya tiningnan ko sya at mukhang masakit ang ulo nya dahil sa haba ng byahe namen. Hindi na sya nasanay.

"Eto o tubig baka sakaling mabawasan yung sakit."sabi ko sa kanya at inabot nya naman yung bottled water na binigay ko. Ininom nya yun at nabaling ang paningin ko kay kuya Jiro na seryosong nakatingin sa labas.

"May problema ba Oniichan?"nagtatakang tanong ko kay Kuya Jiro kaya nabaling ang paningin nya saken.

"Wala lang, eh ikaw kinakabahan ka ba?"nakangising pangaasarnya kaya kinunutan ko sya ng noo.

"Bakit naman ako kakabahan eh tao lang din naman yung mga yun, hindi naman siguro sila mangangain diba?"naiiritang tanong ko at napatawa naman silang dalawa.

"Hayaan mo na Yuki, wag ka ng kabahan andito lang kame at tsaka hindi naman mangangain ng tao yung mga yun eh. Pumapatay lang."nagbibirong sabi ni Kuya Shiro kaya natawa kameng tatlo.

"Pero totoo lang kinakabahan ako baka kasi alam nyo na. Gusto ko sanang ipakilala si Shin sa kanila para tigilan na nila yung kaka arranged marriage saken nung mga taong di ko naman gusto."Sabi ko at nakita kong napatingin sila sakeng dalawa at mukhang nagulat. Bakit hindi ba kapani paniwala yung sinabi ko?

"Grabe, mature ka na nga talaga Yuki, naku Congrats, malaki ka na."nangaasar na sabi ni Kuya Jiro saken kaya inirapan ko lang sya.

"Pero seryoso Yuki, bilib ako sayo kasi nakapagdesisyon ka na sa buhay mo at natutuwa ako kasi nagmature ka na. Kaya suportado ka namen."sabi ni kuya Shiro kaya napangiti ako. Masaya ako kasi suportado nila kame kaya ang kulang na lang ay yung support nila otosan at okasan. Sana lang pumayag sila, kasi mukhang mahihirapan ako kung hindi.

Once Again (The Seniors Book 2)Where stories live. Discover now