Chapter 28

320 7 6
                                    

*** Yuki***

"Are you ready?"tanong ni Shin pagkababa ko ng hagdan. Huminga muna ako ng malalim bago lumapit sa kanya. Napansin ko yung mga maleta ko na nasa tabi na ng sofa at napakunot ang noo ko ng napansin na may katabi pa itong dalawa pang black na maleta. Nabaling ang paningin nya sa tinitingnan ko at napangisi.

"Teka kanino yang mga maleta? Aalis ka rin ba?"takang tanong ko pero ngumisi lang ang loko kaya mas binilisan ko ang paglapit sa kanya kaya nagsalita na sya.

"I'm going home too."sagot nya kaya nanlaki ang mga mata ko kasi naintindihan ko yung sinasabi nya. So sasamahan nya ako?Yehey!

"So sasamahan mo ko papuntang Japan?"nakangiting tanong ko pero imbis na sagutin ako ay nilagay nya ang kamay sa baba nya at parang nagiisip pa ng malalim. Makakatikim talaga saken tong lalaking to pag nagbiro pa to.

"Hmm. If you say so."sabi nya na para bang yun na ang sagot sa lahat ng problemang kinakaharap ng mga tao ngayon sa mundo. Inirapan ko na lang sya at hinila na ang dalawa kong maleta palabas pero hindi pa ako nakakalabas kasi may mga bisitang nagsipasukan.

"Waaah hindi nyo sinabing aalis na pala kayo ngayon, nakakatampo kayo!"panimula ni Jely at sumimangot pa sya para ipakitang nagtatampo. Hay ano bang problema ng mundo ngayon at napakaraming nakakainis ngayon?

"Yami! Aalis ka na pala hindi mo man lang sinabi."Nakangusong sabi ni Hein pero inirapan ko lang sya ayun nakanganga, ewan ko basta wala ako sa mood ngayon.

"Bakit kahapon naguusap tayo hindi mo binanggit ang tungkol dito ha Shin?"naninitang tanong ni Tadashi at nakataas pa ang kilay. Naramdaman ko naman lumapit si Shin saken at nasa likod ko na sya pero hindi ko sya nilingon. Badtrip pa rin ako sa kanya.

"Sorry, biglaan kasi, kahapon lang din sinabi ni Kuya Jiro, and something came up yesterday right?So I wasn't able to tell this to you."sabi ni Shin pero nagreklamo pa rin ang apat.

"Pero pwede naman kameng kumuha ng ticket ngayon diba? At tsaka ano bang oras yung flight nyo?"tanong ni Aki habang si Daichi at Kei ay may sinesearch sa cellphone nila.

"10:30 am" simpleng sagot ni Shin at bigla namang sumingit sila Kei sa usapan.

"May available pang flight ngayong araw mga 2:00 pm, pero..."pambibitin ni Kei kaya naghintay kame sa susunod nyang sasabihin. Hindi ba pwedeng buuin nya lang yung sinasabi nya hindi yung nambibitin pa sya? Sya ibitin ko ng patiwarik mamaya eh.

"Hindi ba pwedeng buuin mo na lang? Nambibitin pa eh."naiinis kong sabi at napansin kong napatingin silang lahat saken ng may pagtataka.

"Bakit yata ang init ng ulo mo ngayon umaga ha Yuki? Umagang umaga eh nagiinit na naman ang di dapat maginit. Teka lang..."sabi ni Daichi kaya nangunot ang noo ko sa ibig nyang sabihin.

"Ano bang sinasabi mo dyan?"naiiritang tanong ko at inirapan sya. Ewan ko basta ang init ng ulo ko ngayong araw. Dagdagan pa ng nakakainis na mga pinagsasabi ni Shin.

"Buntis ka ba? Ha? Yami?"nakakunot noong tanong ni Hein kaya kinunutan ko sya ng noo. Nagpapalit palit silang anim ng tingin sameng dalawa ni Shin pero inirapan ko lang sila.

"A-ano Yuki? Buntis ka?"Nagtatakang tanong ni Jely kaya tinaasan ko sya ng kilay na para bang nagtatanong kung anong kalokohan ang pinagsasabi nila.

"G*g* ka Shin! Hindi mo man lang hinintay na makasal kayong dalawa! Excited much lang ba dre?"bulalas ni Tadashi kaya napatingin ako kay Shin na nakatingin din sa ken at nakataas ang kilay habang nakangisi at mukhang may kalokohang naiisip. Kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"Anong buntis?--"hindi ko na natuloy ang dapat kong sasabihin kasi hinapit ni Shin ang bewang ko kaya napatingin ako sa kanya ng may pagtataka. Ano na namang naisip na pakulo nitong lokong to?

Once Again (The Seniors Book 2)Where stories live. Discover now