Chapter 8

259 8 0
                                    

•••••Yuki••••

"Kei!"tawag ko sa kanya.

Ngiti lang ang isinagot nya saken nung dinamba ko sya ng yakap. Bumitaw ako sa kanya nung narinig kong natatawa si Aki saken.

Sa totoo lang hindi ko talaga ineexpect na makikita ko sya dito. At mas lalong di ko ineexpect na dadating sya ngayon, ang sabi nya kasi samen. After 6 yeard pa daw sya makakauwi kasi aaralin pa nya yung kumpanya nila sa ibang bansa ng ilang taong kaya matatagalan sya.

"Grabe di mo man lang sinabi na uuwi ka ngayon o kayo. Talaga kayo ha ang hilig nyong manggulat. O ano si Daichi andito na rin?"natatawa kong tanong pero umiling sila.

"Sabi nya mga next month pa daw sya bibisita dito. Sembreak nila next month eh."sabi ni Aki kaya tumango tango ako.

"O andito ka na pala Yuki. Aalis muna kami ni Jiro ha may pupuntahan lang. Ah oo nga pala. Umalis sila lolo ha, may pinuntahan kaya kayo na munang bahala dito. May pagkain naman dun sa kusina."sabi ni kuya at nagpaalam na sila kila Kei at Aki pati saken.

"So Yuki, nagkita na ba kayo ni Shin?"tanong ni Aki. Habang seryosong nakatingin saken. Umiwas ako ng tingin pero sinagot ko ang tanong nya.

"Oo. Pero ewan hindi ko maexplain."sagot ko sa tanong nya at mukhang naramdaman nya naman na hindi ako komportable sa topic kaya nagchange topic ako.

"Naku si Daichi na lang talaga ang kulang. Kumpleto na sana kayo."sabi ko napangiti naman sila.


Nagluto kame ng hapunan at dahil niyaya ko silang  dalawa na dito na maghapunan sa bahay ay tumulong na sila saken sa paghahanda ng hapunan at lamesa na kakainan namen.

"Wow ang sarap naman ng niluto ni Yuki. Hmm. Pwede ka ng magasawa Yuki."pangaasar ni Aki kaya nagtawanan kame. Pero natigil ang pagtawa ko ng naisip ko sya na maging asawa ko balang araw. Pero mukhang imposibleng mangyari.



"Sigurado kayong nakabook na kayo sa isang hotel?"tanong ko at tumango naman silang dalawa.

"Sige, ingat kayo ha. At tsaka tawagan nyo lang ako kung may kailangan kayo ha."sabi ko at nagpaalam na sila.


"Sige Yuki Goodnight. Salamat sa dinner."sabi nila at nagsisakay na sila sa kotse nila.


"Sige ingat kayo. Goodnight rin."paalam ko at humarurot na palayo ang kotse nila.

Papasok na sana ako sa loob pero pumasok sa isip ko ang cliff. Parang may nagtutulak saken na pumunta dun at di ko alam kung ano. Sinarado ko ang gate at naglakad papunta sa cliff.

Nang nakarating ako dun ay isang taong hindi ko inaasahan ang nandun at nakasandig sa may railings at nakatingin sa malayo.

Pero ng napansin nya ako ay nabaling ang tingin nya saken at nakita ko sa mga mata nya na mukhang nagulat sya sa biglaan kong pagdating pero agad din naman nawala nung nakalapit na ako sa kanya.

Sumandig din ako sa railings pero nakaharap ako sa city lights sa baba. Samantalang sya ay nakatalikod mula sa mga city lights.

Tanging hangin lang ang naririnig ko sa pagitan namen pero agad ko itong binasag dahil hindi ko na matiis. Matagal ko ng gustong itanong ang mga ito. Dahil pagod na pagod na akong umasa.

"Kung nandito ka lang rin naman para magpakita ulit at pagkatapos ng ilang oras ay iiwan na naman ako. Mas mabuti pang umalis ka na."sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya, diretso lang ang tingin ko sa baba.


"I did not came here for you."sabi nya at naramdaman kong parang may tumusok sa puso ko dahil sa sinabi nya. Ang straightforward mo naman.


"I came here to clear things out of my head."sabi nya kaya kumunot ang noo ko.  Iniba ko na lang ang istorya para hindi na ako mapahiya pa. Nakakainis ka talaga Shin!


"Bakit? Bakit hindi ka nagpakita saken ng 3 taon? Bakit hindi mo ako kinumusta o dinalaw man lang? Bakit Shin? Kasi ako hindi ko alam eh."sabi ko at this time nakatingin na ako sa kanya pero nakatingin parin sya sa malayo. Ni hindi sya nagsalita para sagutin ang tanong ko.


"Shin. Sabihin mo saken please. Kasi gulong gulo na ako. Pagod na akong umasa. Kasi hindi ako sigurado kung babalik ka pa saken o hindi na. Kung may iba ka na ba o ako pa rin. Hindi ko alam Shin. Wala akong alam sa kung anong tumatakbo sa utak mo ngayon kaya gusto kong malaman kung babalik ka pa ba o hindi."sabi ko at nagpatuloy na sa pagagos ang luha ko kaya pinahid ko ito at diretso pa rin syang tiningnan.

"Shin! Ano ba sumagot ka naman please! Relasyon naten ang pinaguusapan dito at di kung ano ano lang. Shin! Hinintay kita ng mahigit tatlong taon! Hindi ako nagrereklamo kahit na sobrang tagal mong nawala dahil hindi ako ganun kababaw! Pero sana naisip mo rin na nasasaktan din ako, napapagod! Kasi kahit kailan hindi mo ako tinawagan o tinext man lang. After 6 months ng communication naten ay bigla ka na lang nawala! Pinahanap na kita sa kahit sinong tao ang kilala ko. Pero wala eh ang hirap mong hanapin."sabi ko at pinahid ko ang mga luhang umaagos mula sa mga mata ko.


"Forget about me. Find another one."sabi nya at agad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nya. Aalis na sana sya pero pinigilan ko sya. Hinawakan ko ang braso nya para pigilan sya at nagawa ko naman.

"Shin! Ano bang pinagsasabi mo ha?!"sabi ko sa kanya pero nakatalikod pa rin sya saken kaya hindi ko nakiita ang reaksyon nya.

"Don't make me repeat that again. I know you heard that loud and clear."sabi nya kaya nanghina ako.

No. No. This can't be. Nagbibiro lang sya.


"Shin naman! Wag ka namang ganyan! Naglalabas lang naman ako ng hinanakit ko eh. Kasi hindi ko na kayang itago lahat ng to. Sobrang bigat. Sobrang sakit na eh. Please naman wag mong gawin to."sabi ko pero tinanggal nya ang kamay kong nakakapit sa braso nya kaya niyakap ko sya ng mahigpit. Ayoko. Ayokong iwan nya naman ako. Ayoko.


"Shin please wag mong gawin to. Please. Bumalik ka na please." pakiusap ko pero kinalas nya ang braso kong nakayakap sa kanya.

"Shin."sambit ko sa pangalan nya. Yayakapin ko na sana sya pero napatigil ako at mas lalo akong nanghina dahil sa sinabi nya.


"Let's stop this bullsh*t Miyuki. Let's break up. I hope you had understand that."sabi nya at naglakad na palayo saken pero bago pa sya makalayo ay nagsalita ako.

"Iiwan mo na naman ako? Pagkatapos mong magpakita. Iiwan mo na naman ako. Parehas sa palagi mo na lang ginagawa. Dyan ka magaling eh, ang mangiwan! Palagi mo na lang akong iniiwan! Shin mahal mo pa ba ako o may iba ka na?"sigaw ko sa kanya na mukha namang narinig nya dahil sa napatigil sya sa paglakad pero ipinagpatuloy nya ito hanggang sa mawala na sya sa paningin ko.

Napaupo ako sa may bench habang umiiyak. Hindi ko akalain na sa ganito matatapos ang lahat. Sa basura rin naman pala mapupunta ang lahat, sayang lang pala yung mga effort na ineexert ko.


Once Again (The Seniors Book 2)Where stories live. Discover now