Chapter 44

153 3 0
                                    

Nanatili  akong nakatayo sa pwesto ko. Hindi pa rin maabsorb ng utak ko ang mga nangyayari. Ano ba talagang nangyayari ngayon?

Napatingin ako sa nilakaran ni Shin kanina pero wala na sya at natanaw ko sya di kalayuan saken, naghihintay na maglaka papunta sa kanya.

Ang tanong ay,  eto na ba talaga yon? Sya na ba talaga? Wala na bang atrasan to? Kame ba talaga para sa isa't-isa? Pero pano ang pamilya ko kung ganon?

Hindi ako pwedeng maging makasarili ngayon. Masyadong mahirap ang sitwasyon namen at ayoko ng dagdagan ang problemang kinakaharap namen.

Tinalikuran ko ang pwesto nya. Dahil ayokong makita sya. Kailangan kong magsakripisyo para sa pamilya ko. H-hindi lang naman sya ang nagiisang lalaki para saken. Marami pa namang iba dyan.

Tama na yung eto lang yung problema namen. Ayoko ng dagdagan pa. Mas pipiliin ko na lang na masaktan kaysa mas lalo pa kameng mahirapan.Para rin sateng dalawa to Shin. Papasalamatan mo rin ako balang araw na ginawa ko to.

Naglakad ako palayo. Pero nakakatatlong hakbang pa lang ako ng bigla akong mapatigil.

Eto ba talaga yung gusto ko? Hindi kaya tama yung sinabi ni Kuya Ichi? Pwede bang maging makasarili ako kahit ngayon lang? 

Napailing ako. Ano ka ba Yuki? Umayos ka nga! Hindi ito ang tamamg oras para maging makasarili ka! Bumalik ka sa trabaho mo. Marami ka pang responsibilidad!

Napahawak ako sa pisngi ko ng mapansin basa ito. Huli na ng mapansin kong umiiyak na pala ako. Hindi ko alam pero napalingon ako sa pwesto ni Shin. Nandun pa rin sya at naghihintay saken. Hindi ba pwedeng maging selfish ako kahit ngayon lang?

Hindi ko na namalayan na naglalakad na ako palapit sa kanya at huli na ng marealize kong nasa harap ko na sya. Nakangiti.

"I-I'm glad that this time....you chose me"nakangiti nyang sabi. Tiningnan ko syang mabuti at napansin kong nanunubig ang mga mata nya.

Hindi ko napansin na hindi lang pala ako ang nasasaktan. Nasasaktan rin sya pero hindi ko yun pinansin.

Pumikit ako at huminga ng malalim bago nilibot ang paningin ko sa buong paligid. Talagang pinaghandaan nya to. Napangiti ako sa isip ko. Pero agad akong napatingin sa kanya ng magsalita sya.

"Let's get married."nakangiting sabi nya at nakangiti rin akong tumango. Ito. Tama. Ito yung gusto ko. Alam ko kahit anong mangyari hinding hindi ko pagsisihan to.

Tumango ako at bumaling na kame sa lalaking nasa harap namen. Sinimulan nya na ang seremonyas pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang pagtataka. Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari to. Akala ko hindi na mangyayari pa to pero mali ako.

"I now declare you as husband and wife. You may now kiss the bride."nakangiting sabi ng Judge. Humarap sya saken at hinawakan ang mukha ko.

But then, inunahan ko na sya. Hinalikan ko sya na mukhang ikinagulat nya pero nang makabwi ay napangiti sya at ngumiti din. This is the best day of my life.

Pinirmahan namen ang Wedding Certificate na syang patunay na kasal na kame. Huli na n mapansin kong may kasama kami, si kuya Sab. Niyakap nya ako at alam kong natutuwa sya para sakin, para saming dalawa ni Shin. Sya pala ang witness ng kasal namin. Nagpaalam sya at ipinaubaya nya na ako kay Shin pagkatapos non.

"Where do you want to go?"tanong nya kaya napaisip ako. Pero napahikab agad ako dahil inaantok na ako at sadyang maraming bagay ang nangyari ngayon kaya nakakapagod.

"Gusto kong umuwi at matulog."Inaantok kong sabi at tumango naman sya.

"Okay then lets get some rest. "Sabi nya at pinaandar ang kotse. Pagkatapos nun ay nakaidlip ako ng panandalian. Mga ilang minuto ay nakaramdam ako ng mahinang pagtapik sa balikat ko kaya nagising ako at ang nakakunot noong mukha nya ang una kong nakita. 

Once Again (The Seniors Book 2)Where stories live. Discover now