Chapter 34

144 5 0
                                    

Yuki

Hindi ako nawalan ng pagasa kaya nagpatuloy ako sa paghahanap. Halos libutin ko ang buong Park para lang makita sila pero agad akong nakahinga ng maluwag ng makasalubong ko si Tadashi kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Yuki! buti na lang nakita kita!"nakahingang maluwag na sabi nya kaya medyo kinabahan ako. 

"Bakit anong meron? Nasan si Shin kasama mo ba?"nagtatakang tanong ko, pero agad naman syang napaiwas ng tingin kaya nagtaka ako kasi parang may something na nangyari. 

"A-ano, w-wala..B-asta."nauutal nyang sabi at napapakamot pa sa batok, senyales na may tinatago sya. Pinaningkitan ko sya ng mata kaya napalunok sya.

"Anon meron at bakit parang may tinatago ka?"nakataas kilay na tanong ko, huminga sya ng malalim at magsasalita na sana pero napatingin ako sa tumawag saken mula sa likod nya.

"Yuki!"tawag saken ni Jely kaya kumunot ang noo ko ng mapansin na sobrang sama ng aura nya. Ano bang nangyayari?

"J-Jely a-anong ginagawa mo dito?"takang tanong ni Tadashi na para bang hindi nya gustong makita ito. Ano bang nangyayari sa mga to? Ilang linggo lang akong nawala ah, tapos ganito na?

"Ano bang nangyayari ha?"naiinis na tanong ko pero nakita kong nagsesenyasan sila.

"Wag na wag kang magtatangka Jely."narinig kong banta ni Tadashi sa kanya pero hindi nagpatinag si Jely kaya inirapan lang sya nito at binalingan ako ng tingin.

"Yung boyfriend mo, may kahalikan dun o!"sabi nya at napatingin ako sa tinuro nyang lugar. Agad na naginit ang ulo ko. Ano? Ilang linggo lang akong nawala tapos ganito na agad? Ganon na ba kadaling magpalit palit ngayon ha?

"Ano bang sinasabi mo dyan ha? Hindi magagawa ni Shin yan kilala ko yun."depensa ko kay Shin pero inirapan nya lang ako. Kinunutan ko sya ng noo tapos si Tadashi naman ay nagpabalik balik ng tingin sameng dalawa.

"Well, kanina pa namen sya hinahanap. Tapos text sya ng text samen kung nasang lupalop sya ng Japan tapos pagdating namen dun ay wala na sya. Ngayon sabihin mo sinong matinong tao ang gagawa nun?"naiinis na sambit nya kaya natigilan ako. Tinext rin sila kanina ni Shin, at isa pa magkaparehas yung tinext nya. Nagulat ako ng ipakita pa ni Tadashi saken yung cellphone nya.

At isa pa hindi sila magkasama. So ibig sabihin kanina pa sila magkasama nung umaga? Agad na naginit ang pakiramdam ko dahil dun. Walang sabi sabi ay agad kong tinahak ang daan na tinuturo ni Jely. Napadpad ako sa riverwalk ng park at  medyo madilim. Ilang linggo lang akong nawala nakahanap na agad sya?

Pero agad akong natigilan ng makitang walang tao sa direksyong tinuro nya. Anong nangyayari? Niloloko lang ba ako ng dalawang yun? Pero bakit yata parang walang tao dito? At tsaka bakit sobrang tahimik?

  You give me hope,
The strength, the will to keep on;
No one else can make me feel this way  

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid, bakit naman yata medyo madilim sa lugar na to? Tanging sinag lang ng buwan ang nakikita ko at ang city lights. Pero namangha ako ng may makitang lights na umilaw sa mga cherry blossoms. Ang ganda! 

  And only you
Can bring out all the best I can do;
I believe you turn the tide
And make me feel real good inside.  

Naagaw din ng atensyon ko ang mga maliliit na bangka na nasa tubig at nagliliwanag. Ang galing! Hindi ko maiwasang hindi mamangha, sino kayang gumawa nito? Pero ng lumingon ako ay nawala ang ngiti sa labi ko ng makita si Shin na naglalakad papunta saken. T-teka akala ko ba?

  You pushed me up
When I'm about to give up;
You're on my side when no one seems to listen
And if you go,  

Once Again (The Seniors Book 2)Where stories live. Discover now