Chapter 41

135 5 0
                                    

Tadashi

"Bakit ganun?"tanong ko sa kanila. Nandito kame ngayon sa Japan, Si Shin lang ang umalis at kame ang naiwan dito para patuloy na maghanap ng mga clues tungkol kay Yuki. Kanina lang ay nauntahan namen ang totoong pamilya nya. Pinuntahan namen ang bahay nila pero ang sabi ng mga tagadoon ay matagal na daw namatay ang Tamaro family dahil sa isang sunog.

Hindi kame makapaniwala dahil parang imposible naman yata pero naalala namen na napunta si Yuki sa orphanage pero paano sya napunta dun? Nagtataka rin kame kasi parang may kulang samga sinabi nila.

"Ano sa tingin nyo ang nangyari? Para kasing may hindi tama sa mga statement nila eh."sabi ni Daichi kaya napatango kame.

"Sabi nung matanda 23 years ago na daw nangyari yung sunog at 1 year- old na daw yung baby nina Mr. and Mrs. Yabuki, pero sabi ng mga kapitbahay kanina nung mga Tamaro ay 22 years na daw yung nangyaring sunog at 9 months pa lang daw yun baby. Ano ba talaga?"naguguluhang sabi ni Kei. Napahilamos ako at hindi na maintidihan ang dapat na gagawin.

Napatingin ulit ako dun sa listahan ng mga bata sa orphanage. Inampon sya ni Mrs. Noriko nung 1 year old na sya pero masyadong magulo ang date.

"Si Shin kamusta na? Nagkita na daw ba sila?"tanong ni Kei kaya tumango ako.

"Buti na lang tumawag si Pat at sabi nya nakita nya daw si Yuki kaya tinanong nya yung workplace ni Yuki at yun sinabi nya kay Shin. Siguro nagkita na sila pero hindi ako sigurado kung magkakaayos pa ba sila ulit. Galit na galit si Shin eh. Kahit ako naman sa posisyon nya pero kahit na ganon, gagawa ako ng paraan para makuha sya ulit dahil mahal ko sya at mas nanagingibabaw yun kaysa sa galit ko."sabi ko at napabuntong hininga. Napatingin ako sa kanila at napansin kong nakanganga sila at tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"What?"nakakunot noong tanong ko sa kanila pero ngumisi lang si Daichi na para bang may nakumpirma sa sinabi ko.

"Kung ano man yang nararamdaman mo. Itigil mo na yan. Dahil hindi magiging maganda ang resulta nyan Tadashi. Wag mo ng subukan pa."banta nya saken pero iniwasan ko sya ng tingin. Napatingin ako sa dalawa at nakita kong nakakunot ang noo nila at parang hindi makapaniwala sa nalaman nila.

"D*mn I never thought na mangyayari yang nararamdaman mo para kay Yuki, pero Tadashi please wag ka ng dumagdag. Sarilihin mo na lang ang nararamdaman mo."natatawang sabi ni Kei kaya sinamaan ko sya tingin. Hindi biro ang nararamdaman ko kaya wala silang karapatan na pagsabihan ako. Hindi nila alam kung ilang taon ko itong tinago dahil nirerespeto ko ang relasyon nila ni Shin.

Pero alam kong pag pinakawalan ni Shin si Yuki. Hindi ako magdadalawang isip na agawin sya. Dahil hindi nya inalagaan at pinahalagahan ang babaeng mahal ko.

"G-guys."napatingin ako kay Aki ng mapansin kong kanina pa sya tahimik at parang may malalim na iniisip. Ano kayang problema nito?

"May problema ba Aki?"nakakunot noong tanong ko pero parang kinakabahan sya at parang hindi nya masabi samen ang gusto nyang sabihin.

"Aki. Anong problema?"nagtatakang tanong ni Daichi pero umiling si Aki. Tumingin sya samen at nakita ko ang pagkabahala sa mukha nya. Mukhang may pumipigil sa kanya na sabihin ang nalalaman nya.

"S-si J-Jely. N-nakita ko sya kanina."sabi ni Aki kaya mas kumunot ang noo ko. Pinagsasabi nito?

"Ano bang joke yan ha Aki?"sarkastikong sabi ni Kei sa kanya pero umiling lang si Aki at seryoso kameng tiningnan.

"Nakita ko sya kanina sa may park kanina. Pagkatapos nyang makipagusap sa isang nakaitim na lalaki ay naglakad sya palayo. Kaya sinundan ko sya. Nagtataka lang ako kasi diba nakauwi na sila ni Hein? So bakit nandito pa sya? Hindi ba hinatid naten sya?"paliwanag ni Aki kaya kinabahan ako. Tama sya, hinatid namen sila ni Hein pero bakit nandito pa sya?

Once Again (The Seniors Book 2)Where stories live. Discover now