Chapter 42

131 3 0
                                    

Yuki

Nagpatuloy ako sa pagbalik sa loob ng eskwelahan. Hindi, ayokong maniwala sa kanya. Ayokong maniwala sa mga sinasabi nya, pagkatapos nya akong pagsabihan ng mga masasakit na salita ganun ang sasabihin nya. Hindi nya ako maloloko sa mga pangbobola nya!

"May problema ba Ms. Yabuki?"napatingin ako sa isang co teacher na sumalubong saken kaya umayos ako at umiling.

"Wala, okay lang po ako."nakangiting sabi ko at tumango naman sya at naglakad paalis. Napabuntong hininga muna ako bago maglakad pabalik ssa cubicle. May mga tatapusin pa pala akong powerpoint presentation para bukas.

Bandang 7 na ng matapos ako sa ginagawa ko. Masaya kong binalik ang laptop sa lalagyan nito at nilagay sa bag ko ang USB. Nagayos na ako ng gamit ko at lumabas na ng faculty, kanina pa nagsiuwian ang mga teachers, pero nagpaiwan ako kasi kailangan kong tapusin to. Nilock ko ang faculty room at naglakad na palabas ng building.

Nang makarating ako sa labas ng school ay nilibot ko ang mata ko para tingnan kung nandyan pa sya at agad na nanlaki ang mata ko ng makitang nandito pa ang kotse nya at malamang ay nasa loob sya ay tinitingnan ako kaya nung may nakita akong tricycle ay agad ko itong nilapitan, sumakay agad ako sa may unahan.Gabi na at konti lang ang nadaan na jeep at tricycle dito kaya mabuti na lang at merong napadad dito.

Nilibot ko ang tingin ko sa tricycle at nakitang may dalawang lalaki sa likod at isa sa may tabi ng driver. Bale kaming apat lang ang pasahero nito. Bago pa umandar ang tricycle ay nakita kong lumabas ng kotse si Shin at naglakad papalapit samen pero biglang umandar ang tricycle kaya hindi nya na ito naabutan.

Nakahinga ako ng maluwag dahil nakaalis na kame pero hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa side mirror ng tricycle. Hindi ko na sya makita kaya napabuntong hininga na lang ako.

"San ka miss?"tanong saken nung driver kaya naisip kong sa terminal na lang nag bus, dun na lang ako sasakay, dahil medyo maraming tao ngayon sa LRT.

"Sa may bus terminal na lang po kuya."sabi ko at hindi na sya sumagot. Gusto kitang piliin Shin pero maraming bagay ang nagtutulak saken na wag kong gawin yun. Ayoko ng mahirapan ang pamilya ko. Hindi ko kayang labanan at tapatan si Yumiko. Gusto kitang ipaglaban pero maraming tumututol so pano ko gagawin yun? Eh kung ikaw rin mismo ay pinagtatabuyan ako.

Pero agad na nabalik ako sa huwisyo ng makitang hindi pamilyar ang daanan na tinatahak namen. Hindi dito yung papuntang bus terminal. Tumingin ako sa driver pero busy sya sa pagmamaneho.

"Ahmm, kuya, mukhang hindi po yata dito yung daan papuntang bus terminal."sita ko dun sa driver pero ngumisi lang sya, dun na ako nakaramdam ng kaba. Mukhang hindi yata maganda to ah.

"Ito ang tinatawag na shortcut miss."nakangising sabi nya kaya kumunot ang noo ko at umiling.

"No, ilang beses na akong nagcocomute pero hindi ito yung shortcut na sinasabi mo. Itigil mo,baba ako"naningkit ang mata ko sa kanya habang tinitingnan ko sya at nagulat ako ng ipara nya ang tricycle. Agad kong kinuha ang bag ko at nagmamadaling lumabas ng tricycle pero bago pa ako makalabas ay hinawakan ni driver ang balikat ko para pigilan akong umalis, pero hinawakan ko ito at binali para mabitawan nya ako.

Agad kong sinipa yung lalaking pumipigil saken na lumabas ng tricycle, kaya agad akong lumabas at tumakbo palayo sa kanila. Naiinis ako kasi napakabigat ng laptop tapos tumatakbo pa ako, what a nice day today.

Pero napatigil ako ng biglang may humarang sa harap ko,kaya bumuntong hininga muna ako, no choice, kailangan ko silang labanan para makaalis ako ng matiwasay dito. Nilapag ko ang mga gamit ko sa isang tabi at humanda sa pagatakeng gagawin nila. Naiinis ako dahil nakapencil ako at hindi ko sila masisipa para mas maging madali para saken so suntok ang dapat kong gawin yun.

Once Again (The Seniors Book 2)Where stories live. Discover now