Chapter 20

273 5 0
                                    

Napakusot ako ng mata ko at nagising dahil sa may tumatawag sa cellphone ko kaya sinagot ko muna. Sino ba kasi
Tong tumatawag  ng madaling araw?

"Hello"sagot ko sa tawag pero walang sumagot sa kabilang linya. Kaya nilayo ko ang cellphone sa tenga ko at tiningnan kung sino ang tumatawag. Napakunot ang noo ko dahil number lang at walang pangalan. Sino kaya to?

[How are you?]tanong ng isang lalaki sa kabilang linya. Hindi ko naman kilala ang boses.

"Sino to?"tanong ko pero isang tawa lang ang narinig ko sa kabilang linya. Teka baliw ba tong tumawag saken?

[I see,you must have already forgotten me. But then, I just wanted to remind you that time is running, i hope you're aware of that because if not. I pity you]sabi ng lalaking nasa kabilang linya kaya medyo nagising ako. Kasi naalala ko sya pala yung tumawag saken nung last.

"Mister, kung wala kayong mapagtitripan please wag ako ang biktimahin nyo. May klase pa ako mamaya at may quiz pa ako so please wag nyong istorbohin ang tulog ko. Please lang."sabi ko pero narinig kong tumawa lang sya sa kabilang linya.

[Okay then, just don't blame me if everything is already out of control. Another reminder. Starting today, I will send you gifts so that you would be reminded of it.]sabi nung lalaki at namatay na ang tawag. Binalik ko ang cellphone sa cabinet at natulog ulit.

"Yuki wala ka bang balak na pumasok?!"nagulat ako sa biglang sigaw ni kuya mula sa labas kaya nagising agad ako at napatingin sa alarm clock sa table ko at nanlaki ang mata ko dahil 9:00 na at may klase pa ako ng 9:30.

Kaya dali dali akong pumunta sa banyo at naligo. Mabilis na rin akong nagbihis at pagkababa ko ay si kuya Ichi na lang ang naiwan sa sala na nakaupo habang nanunuod ng tv. Napatingin sya saken at natawa dahil sa itsura ko.

"Hahaha naku Yuki akala ko hindi ka na magigising eh. Sayang pumunta pa naman kanina dito si Shin. Sabi nya susunduin ka daw pero sabi ko tulog ka pa ayun umalis na. Ayaw nya daw maghintay kasi may gagawin pa sya."sabi ni kuya kaya sinamaan ko sya ng tingin.

Padabog kong nilapag sa lamesa ang bag ko at inayos ang mga gamit ko. Nagbaon ako ng pagkain kasi naisip ko na mas mabuting sa school na lang ako kakain ng sa ganon ay hindi ako malate.

Naiinis ako dahil sa lalaking tumawag kanina. Dahil sa kanya hindi ako nagising ng maaga at hindi ako nahatid ni Shin. Nababadtrip rin ako kaya Shin kasi hindi sya marunong maghintay.

Bahala sila sa buhay nila basta ako papasok na ako dahil may quiz pa kame mamaya at madami dami din kameng gagawin mamaya.

Nakabusangot akong naglalakad papasok ng school pero nagulat ako nung may dalawang tao ang umakbay saken.

"Goodmorning, bakit naman yata parang bad mood ka today ha Yuki?"nangaasar na tanong ni Jely saken pero hindi ako sumagot kasi nga bad trip ako okay.

"Oo nga naku pag pinagpatuloy mo yang itsura mong yan, paniguradong papangit ka ng di oras."pangaasar ni Tadashi pero hindi ko sila pinansin. Naiinis ako at badtrip ako ngayong araw kaya please wag nyo kong sagarin.

Dumiretso ako sa classroom at pinilit kong makinig kahit sa naiinis ako. Kailangan kong makinig kasi next month ay 2nd Semester na at hindi pwedeng bumagsak ako dito.

Nang nagrecess na ay dumiretso ako sa tambayan namen ng nakabusangot. Nangunot naman ang noo nung mga taong nakaupo sa table namen.

"O, anyare sa itsura mo Yuki?"nagtatakang tanong ni Hein saken pero hindi ko sya sinagot. Padabog akong umupo sa tabi ni Jinn na nakatingin din saken.

"What's your problem Miyuki?"tanong ni Jinn.

"Nakakainis talaga sya as in. Hindi nya ba kayang maghintay ng matagal?, eh ako nga mahigit 3 years akong naghintay sa kanya pero sya ilang oras nya lang akong hihintayin pero di nya magawa. Nakakainis talaga!"padabog kog sabi nung nilipat ko sa kanila ang tingin ko ay nakanganga silang lahat habang nakatingin sa likod ko. Bakit ano bang meron dyan sa likod ko?

Once Again (The Seniors Book 2)Where stories live. Discover now