Chapter 6

288 9 0
                                    

••••Yuki••••

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at una kong napansin na nasa isang puting kwarto ako dahil sa puti ang mga pader. Inilibot ko ang paningin ko at dun ko narealize na nasa ospital ako. Ano bang nang--

Agad na nagsibalik sa utak ko ang mga nangyari kagabi. Si Shin!

Ginalaw ko ang katawan ko pero napadaing lang ako dahil sa kirot na nararamdaman ko. Inangat ko ang kamay ko at nakita ko na may bandage na nakapalibot dito. Gusto kong igalaw ang katawan ko pero masakit pa kaya hindi ko na pinilit.

Napatingin ako sa pintuan ng bumukas ito. Umaasa akong sya ang papasok sa dito sa loob pero nagkamali ako ng makitang hindi sya ang pumasok. Agad na nagiwas ako ng tingin mula dito at dineretso ang tingin ko sa puting pader.

"Yuki!!! gising ka na pala. Buti naman at naisipan mo pang gumising."asar na sabi ni Jely pero hindi ko ito pinansin. Wala ako sa mood makipagasaran.


"Ilang oras na ba akong natutulog?"tanong ko pero agad na kumunot ang noo nya.



"Anong oras pinagsasabi mo Yuki. For your information, 4 days ka ng nakaratay dyan, at mataga na nameng hinihintay na magising ka at tsaka isa pa. Wag ka ng magtanong kung bakit walang tao ngayon sa room na to."sabi nya kaya kumunot ang noo ko.

"Sa loob ng tatlong araw hindi namen alam kung nasan ka, wala kameng balita kung nasan ka at nagulat na lang kame kasi may tumawag samen na nandito ka daw sa ospital. Kaya ngayon papunta pa lang yung iba para bisitahin ka."sabi nya kaya mas lalo akong napaisip.

Anong nangyari saken at bakit nawalan ako ng malay sa loob ng tatlong araw?

"At oo nga pala nakalimutan kong sabihin, yung tungkol kay Cariett."sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.

"Nung isang araw ko lang din nalaman na hindi ko sya totoong pinsan."sabi nya kaya as lalong natuon ang atensyon ko sa kanya.

"Jely."tawag ko sa kanya para pakalmahin sya.

"Pero good news nga yun eh kasi hindi ko pinsan yung hypocritang yun."sabi nya sabay tawa.



Hindi rin nagtagal ang usapan namen kasi dumating na sila kuya at Tadashi.

"Yuki buti naman gising ka na."sita ni kuya Ichi pero inirapan ko sya.

"Aba aba kinukumusta ka lang may pairap irap ka ng nalalaman."sabi nya pero hindi ko na sya pinansin. Mangaasar lang yan eh.

Nagpatuloy na pangungumusta saken yung apat kong kuya. Hindi daw nakatuloy si Tadashi ngayong umaga kasi may klase daw sya.


Maya maya nung gumabi na ay nagsialisan na sila dahil may mga gagawin pa silang importante.

"Sigurado ka bang okay ka lang dito ha Yuki?"tanong ni Kuya Jiro kaya tumango ako.

"Sige kung may mangyaring hindi maganda tawagan mo lang kame ha Yuki."sabi ni kuya Shiro kaya tumango ako. Nauna nang umalis si Jely kanina kasi may klase pa sya.


Nung nakaalis na sila kuya, pinikit ko ang mga mata ko para matulog at nagtagumpay naman ako.

Pero naalimpungatan ako nung narinig ko ang pagbukas ng pinto. Pero hindi ko dinilat ang mata ko. Nakapikit pa rin ako.

Narinig kong sinarado nya ang pinto at naglakad palapit saken. Pinigilan ko ang sarili kong imulat ang mga mata ko, pero nang umupo sya sa tabi ng higaan ko ay kilalang kilala ko na agad ang amoy.


Pero nanatiling sarado ang mga mata ko. Naramdaman kong hinawakan nya ang mga kamay ko at hinalikan.

"Sorry."sambit nya at nararamdaman ko na naman ang pagtubig ng gilid ng mata ko.

"Sorry. Because of me, kaya ka nagkaganito. I'm sorry."sabi nya at di ko na napigilan ang pagdaloy ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan.


"I know napakadami ko ng kasalanan sayo. I'm sorry."sabi nya at hinalikan ang noo ko. Medyo tumahimik sandali pero nung huminga sya ng malalim ay naramdaman kong parang aalis na sya dahil sa pagkakaluwag ng paghawak nya sa kamay ko. Kaya hinigpitan ko ito at mukhang nagulat sya sa ginawa ko.



Minulat ko ang mata ko at sya nga ang Shin ko. Pero ngayon ko lang nakita ng malapitan ang mukha nya. Sa lumipas na tatlong taon, mukhang andami ng nagbago sa kanya. Naging mature na rin ang mukha at pangangatawan nya sa ngayon.


At sa nakikiya ko hindi na nga sya ang dating Shin na nakilala ko dahil mas mature na syang kumilos ngayon di tulad noon.



"Stay."sabi ko. Pero huminga sya ng malalim bago sumagot at humarap saken.


"I can't."simpleng sagot nya at tatanggalin nya na sana yung kamay ko sa kamay nya pero bigla akong bumangon at naramdaman ko ang sobrang sakit ng katawan ko. Agad ko syang inabot ang niyakap sya habang nakalagay ang ulo ko sa dibdib nya.


"Sh*t." sambit nya nung niyakap ko sya. Hindi ko ininda ang sakit na nararamdaman ko. Dahil sa tagal ng panahon na hindi ko sya nakita, gusto kong yakapin sya at bawiin ang mga oras na nasayang para sameng dalawa.




Sapat na ang tatlong taong hindi namen pagkikita, at gusto ko ngayon na bumawi kame sa isa't-isa.



"I need to go. Please."mahinahon nyang sinabi pero umiling ako. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.


"I don't want you to go. Please stay. Please."pakiusap ko sa kanya. Gusto kong makasama sya kahit ngayon lang, hindi nya ba maibigay yun kahit ngayon lang. Alam kong nagiging selfish na ako pero hindi nyo ako masisi, tatlong taon din kameng nagkawalay at ayokong sayangin ang mga oras na nandito sya.


"Yuki."tawag nya pero hindi ako pumayag.



"Dito ka lang please. Stay with me. Please. "Sabi ko at naramdaman ko na naman ang pagtulo ng luha ko. Napabuntong hininga sya at binaling saken ang seryoso nyang mga mata pero pagkalauna'y lumambot ang ekspresyon nya.


"I'll stay here until you fall asleep."sabi nya kaya bumitiw ako sa pagkakayap sa kanya at inalalayan nya akong humiga ulit. Napangiwi ako ng sumakit ang sugat ko sa braso. Nakita kong napatingin sya dun sa braso ko at binaling nya agad ang tingin sa aking mata.



"Are you okay?"nagaalalang tanong nya kaya tumango lang ako.


"Bakit hindi ka nagpakita noon?"tanong ko pero umiwas sya ng tingin saken. Hinuli ko ang tingin nya pero ayaw nya talagang tumingin saken. At mukhang nasagot ang tanong ko ng may ideyang nagpop out sa utak ko.



"Cariett."sambit ko sa pangalan nya. At agad naman syang napatingin saken. Sabi ko na nga ba.



"Sya ba? Sya ba ang dahilan? Sya ba ang dahilan kung bakit hindi ka nagpakita samen, saken ng tatlong taon?"naiirita kong tanong sa kanya pero seryoso lang syang nakatingin sa mga mata ko. Ni hindi man lang sya sumagot o ano.




"Ano bang problema Shin? Okay naman tayo bago ka umalis ah. May communication pa nga tayo for 6 months pagkatapos mong umalis tapos magugulat na lang ako na pagkatapos ng anim na buwan, hindi na kita mahagilap? San ka nagtago? Ay hindi mali? Bakit nagtatago ka Shin?"kunot noo kong tanong sa kanya. Pero pnandaliang katahimikan ng bumalot samen bago nya basagin ito.




"You'll know it when the right time comes. But for now you need to rest."sabi nya pero umiling ako. Hindi ako papayag na ganun ganun lang. Gusto ko syang makausap ng masinsinan.



"Shi-"pinutol nya na ang dapat na sasabihin ko kasi bigla syang nagsalita.



"I want you to rest. Don't stress yourself too much."sabi nya kaya wala akong nagawa kundi humiga ng maayos at ipikit ang mga mata ko pero hinagilap ko ang kamay nya at hinawakan ito. Hindi naman sya umangal kaya mas hinigpitan ko ang paghawak dito.



Sana ganito na lang kame palagi. Sana. Sana hindi na matapos tong oras na to.


Once Again (The Seniors Book 2)Where stories live. Discover now