Chapter 45

160 2 0
                                    

**Yuki**

Kanina ko pa pinipilit na buksan ang talukap ng mga mata ko pero parang kasing bigat din nito ang katawan ko. Yung feeling na parang ilang kilo ng mga damit ang nilabhan ko. Siguro ganito talaga ang feeling kapag first time, para rin akong nakipagbugbugan sa mga tambay dyan sa kanto.

Huminga muna ako ng malalim bago ako dahan-dahang dumilat at pumikit din ulit nang mapansin kong masyadong madilim at wala na akong maaninag. Gabi na yata. Pero kahit na medyo masakit yung katawan ko lalo na  yung 'down there', hindi ko parin mapigilang ngumiti dahil nagawa din namin yung ginagawa ng ibang mag-asawa.

Tuluyan na akong nagising nang marinig kong bumukas ang pinto at nang imulat ko ang mga mata ko ay sumalubong sakin ang nakakasilaw na liwanag mula sa ilaw.

Pero napangiti ako nang makita kung sino yung pumasok, dahn-dahan akong bumangon habang sinasapin ang kumot sa katawan ko. Napangiti din sya at nabaling ang tingin ko sa dala nyang tray.

Dun ko lang naramdaman yung gutom, at mukhang napansin nya yun kaya  napangiti sya na dahilan para irapan ko sya.

"Dinner in bed."sabi nya at maingat na nilapag yun sa harap ko. Medyo nakafeel ako ng awkwardness dahil kumot lang ang nakatakip sa katawan ko at malisyoso nya namn akong tiningnan.

"Umayos ka Shin baka hindi kita matantya. Magbibihis muna ako."inis kong sabi kaya natawa na lang sya at kinindatan pa ako kaya inirapan ko ulit sya.

"Come on, wala ka namang dapat ikahiya, nakita ko naman na lahat yan and it's beautifu--"binato ko sya ng suklay na nadampot ko sa lamesa na inilagan at tinawanan nya lang.

"Tumahimik ka sabi eh!"hindi ko na sya pinansin pero nakakairita pa rin yung mga tawa nya hanggang sa nakapasok na ako sa loob ng CR. Naligo na muna ako at napagpasyahang magsuot na lang ng robe na nasa CR, mamaya na lang ako magbibihis pagkatapos kumain.

Mukhang may kinuha pa sya sa labas kasi kakapasok nya lang at nginitian pa ako, inirapan ko na lang sya at dumiretso na sa higaan kung san nakalapag ang mga pagkain. Hindi na ako nagsayang ng oras at sinimulan nang lantakan ang mga pagkaing yun.

"Ikaw ba nagluto nito?"hindi ko naman alam na marunong pala syang magluto ng mga ganito, akala ko kasi mga Japanese foods lang ang alam nyang lutuin.

"Of course, may iba pa bang tao dito maliban sating dalawa?"tinaasan ko sya ng kilay pero nginisihan nya lang ako, maya maya ay napangiti na rin ako dahil masarap ang pagkakaluto nya ng Chicken Curry at Pochero.

"Namiss ko talaga ang mga pagkain dito sa Pilipinas. In fairness  masarap yung pagkaluluto mo, Pwede ka nang magtayo ng restaurant."natawa naman sya sa sinabi ko kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Maya maya pa ay tumahimik sya at parang may gusto syang sabihin kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi ko inakala na gagawin mo yung ginawa mo kanina. But I'm grateful for that...."seryosong sabi nya kaya sumeryoso din ako.

"Aba dapat lang, hindi din biro yung naging desisyon ko kanina tsaka diba mag-asawa naman tayo, kaya pwede naman na nating gawin yun kahit kailan at kahit saan."huli na  ng marealize ko ang sinabi ko, okay na  sana yung una pero panira yung huli kong sinabi. Naningkit ang mata nya at malisyoso ulit akong tiningnan.

"Yang mga tingin mo hindi ko talaga gusto yan. T-tsaka--"

"So you mean to say that we can make love whenever and wherever we want."agad na nanlaki ang mata ko at paulit-ulit na umiling.

"H-hindi no! A-ang i-ibig kong s-sabih---"napalunok ako nang makitang lumapit sya ulit sakin.

"A-ano  b-bang g-ginawa mo?"nagaalalangang tanong ko. Nakakainis naman kasi sya eh, napagbigyan lang, umaabuso na, masakit pa nga tapos pagod pa ako.

Once Again (The Seniors Book 2)Where stories live. Discover now