Chapter 16

280 4 0
                                    

••••Yuki•••

"Mukhang malaki ang problema natin ah."napatingin ako sa nagsalita at nakita kong si lolo ang nasa likod ko at nakatingin din sa kalangitan.

Huminga ako ng malalim, bago sagutin si lolo.

"Hindi naman ganon kalaki."sabi ko at natawa sya ng mahina. Umupo siya sa tabi ko at tiningnan namen ang mga bituin sa langit.

"Buti pa yung mga bituin walang problemang kinakaharap pero ako hindi ko alam kung pano ayusin to. Nahihirapan ako."sabi ko at pumangalumbaba habang nakatingin sa malayo.

"Yuki, hindi lahat ng tao nagkakaroon ng masayang lovestory, hindi lahat ng babae minamahal ng kanilang mga boyfriend. Hindi lahat ng iniwan binabalikan. Pero bihira ka na lang makakita ng taong binalikan taong mahal na naiwan nya. At bihira lang makakita ng isang lalaking ktulad ni Shin. Konti na lang ang mga lalaking katulad nya at hindi ko alam kung ilan sila. Pero sigurado ako na isa si Shin sa kanila."sabi ni lolo kaya naguluhan ako, kaya napatingin ako sa kanya.

"Kung hindi ka nya mahal, hindi sya magaaksaya ng oras at pera para lang bumalik dito at makipagayos sayo. Sabihin na nating malaki ang kasalanan nya dahil da pagbabalewala nya sayo, pero hindi ba pwedeng may rason sya kung bakit ganon? Yuki lahat ng bagay may rason at ang dapat mong gawin ay pakinggan ang rason na yun."sabi ni lolo kaya nagpatuloy ako sa pakikinig.

"Pero lolo, dapat kahit na may rason sya, dapat nagtext sya kahit 'hi' man lang pero wala talaga. At tsaka bakit ko naman pakikinggan rason nya kung wala naman syang sinasabi saken? At tsaka wala naman na kami ngayon kaya bakit ko pa sya poproblemahin?"sabi ko habang nakakunot ang noo kaya natawa si Lolo.

"Yuki, ilang tao ang involved sa isang relasyon?"tanong ni lolo kaya sumagot ako.

"Dalawa."sabi ko at tumango sya.

"Kung ganon ilang tao ang nagdedesisyon sa isang relasyon?"tanong ni lolo.

"D-dalawa din."sagot ko.

"Kung ganon isang tao lang ba ang dapat na magsabi kung hiwalay na ba sila o hindi?"tanong nya kaya umiling ako.

"Yan. Hindi pwedeng isa lang ang magdedesisyon at mali ang ginawa mo kung ganon dahil hindi mo hiningi ang opinyon nya tungkol dito. Hindi lang ikaw ang sakop ng isang relasyon kaya hindi lang ikaw ang magdedesisyon. Kung di kayong dalawa."sabi nya kaya napaisip ako.

"Sige na matulog ka na at mukhang pagod ka na. At sana pagisipan mo ng mabuti ang sinabi ko."sabi nya kaya tumango ako. Nagayos na ako at natulog.

Pagkagising ko naligo na ako at kumain. Pagdating ko sa school ay hinulaan ko ng may gugulo na naman saken.

Pero hindi pa rin maalis sa isipan ko ang sinabi ni lolo. Mukhang tama sya,hindi lang ako ang dapat na magdedisyon para sameng dalawa.

"Something's bothering you? Yuki?"hindi ko na sya nilingon kasi naiistress ako sa mga nangyayari samen.

"Pwede ba bigyan mo naman ako ng break. Sumasakit ang ulo ko eh."walang gana kong sabi sa kanya kaya tumahimik ng panandalian ang paligid.

"I'm not going to give you a break Yuki. Because I'm going to spend all my days bothering you. Who knows, baka sakaling magbago ang isip mo diba?"sabi nya kaya huminga ako ng malalim at hinarap sya.

"Shin ilang beses ko bang kailangang sabihin sayo na wa--"naputol ako sa dapat na sasabihin ko dahil bigla syang sumagot sa sinabi ko.

"I know Yuki. Alam kong para sayo matagal na tayong tapos. Hindi mo na kailangang ipamukha saken."seryoso nyang sabi kaya napaiwas ako ng tingin.

Once Again (The Seniors Book 2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt