Chapter 48

180 5 0
                                    

**YUKI**

Nagsimula na kaming maglakad sa kabuuan ng sala, at may nagtutulak sakin na umakyat, pero masyadong malawak at malaki ang mansion kaya mukhang kailangan kong magmadali at hanapin ang pakay ko dito.

“Jelyne?”agad akong lumingon at nakaramdam ng kaba nang makitang wala na sya.
Nasan na si Jelyne?

Inalerto ko ang sarili ko habang hinahanap sya, gusto ko man syang tawagan ay hindi ko rin naman magagawa kasi wala akong dalang cellphone.

Agad kong tinutok ang baril ko sa kwartong napasukan ko, madilim kaya binuksan ko ang ilaw pero wala akong nakitang tao. Hinayaan ko na lang yun pero kinakabahan ako sa maaaring nangyari kay Jelyne, nasan na ba kasi sya?

Nagsimula na akong maglakad ulit hanggang sa makarinig ako ng isang sigaw.

“Jelyne!”agad kong tinungo ang direksyong pinagmulan ng ingay at agad kong tinutukan ng baril ang isang taong nakatalikod sa gawi ko, medyo dim lang ang ilaw sa parte ng bahay na to kaya hindi ko sya masyadong nakikilala.

“S-sino ka? A-anong ginawa mo  kay Jelyne?”naghintay ako ng ilang minuto bago makarinig ng isang putok ng baril, a-anong nangyari, san galing yun?

“Hindi ko inaasahang makakarating ka Yumiko.”agad na kumunot ang noo  ko at nabaling ulit ang paningin ko sa taong nasa harap ko. Medyo lumiwanag na ang paligid at nakikita ko na ang mukha nya. Isang lalaki.

Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatutok ang baril ko sa kanya, medyo pamilyar ang mukha nya pero hindi ko maalala kung saan ko sya nakita.
Hanggang sa nanlaki ang mata ko nang makilala ko sya..

“I-ikaw..”napangiti sya na para bang isang accomplishment ang nagawa ko. Sya yung lalaking katabi ni okasan sa picture…

“Matalino ka naman pala talagang bata, as expected from your parents.”napahigpit ang pagkakahawak ko sa  baril at mas tinutok yun sa kanya.

“K-kilala mo ang mga magulang ko, sino sila?”mas lalo syang napangisi at nang tumayo sya ay nagsimula na syang naglakad palapit sakin kaya nagsisimula na rin akong umatras.

“Hindi ka tanga Yumiko, alam mo  ang ibig kong sabihin.”agad kong pinutok ang baril na hawak ko pero dinaplisan ko lang sya, wala pa akong planong patayin sya, marami akong gustong alamin.

“Wag mo akong tawagin sa pangalang yan! Hindi ako si Yumiko!—“

“Yes you are. Hindi mo  pa  ba nakukuha ang—“

“Shut up! Nagpakita na ang totoo—“

“She’s just an illegitimate child, hindi ka ba nagtataka kung bakit ganoon na lang ang trato sayo ng tinuring mong ina? Iyon ay dahil nasusuka sya habang nakikita ka dahil naalala nya ang walang kwenta nyang kapatid sayo..”nagsisimula nang bumara ang lalamunan at nagbabadya nang tumulo ang luha ko habang patuloy na umiiling sa kanya.

“Nagsisinungaling ka! Itigil na natin to, ngayon sabihin mo sakin ang lahat ng nalalaman mo, gusto ko nang matapos lahat ng ---“

“I’m already feeding you the truth that you want to know and you still think that I’m lying to you? Pano mo maipapaliwanag ang DNA Test results mo? Simple, magkapatid ang mama mo at ang papa mo so eventually, positive ang lalabas na resulta—“

“Then pano mo ipapaliwanag ang paglabas ng totoong Yumiko?! She has the heirloom that I don’t have!—“

“You already have it, hindi mo  ba tinanong ang okasan mo tungkol sa heirloom pendant na nakita mo sa nasunog na bahay ng mga magulang mo?”natigilan ako at unti-unti nang napagtagpi tagpi ang lahat ng yun.

Once Again (The Seniors Book 2)Where stories live. Discover now