Chapter 22

256 4 0
                                    

Yuki

Maaga akong nagising at masaya ang mood ko kasi okay na talaga kame ni Shin. Wala na kameng tinatagong lies at secrets sa isa't-isa at masaya ako dun.

"Oy Yuki. Bilisan mo dyan at yung boyfriend mo sa baba kanina pa naghihintay sayo."sabi ni kuya Ichi kaya nagmadali akong ayusin ang sarili ko at mabilis kong kinuha yung bag ko at kumaripas ng takbo pababa.  Pero nagulat ako kasi walang tao na nakaupo sa sofa, at galit akong tumingin kay Kuya na natatawa habang nakatingin saken.

"Kuya naman eh! Nakakainis ka! Ba't ka nangloloko ha?!"galit kong singhal sa kanya at agad akong dumampot ng kung anong nahawakan ko at binato ko sya nun pero nakaiwas sya at tatawa tawang naglakad palayo saken. Nakakabadtrip talaga tong si kuya. Umaasa pa naman akong nandyan sya. Nakabusangot akong lumabas ng bahay at binuksan ko ang gate namen at padabog na lumabas.

"Umagang umaga nakabusangot ka."halos atakihin ako sa puso dahil sa pagkakagulat sa taong biglang nagsalita sa likod ko. Kaya agad akong lumingon sa kanya at nakangisi syang nakatingin saken kaya mas lalong bumusangot ang itsura ko.

"Si kuya kasi inaasar ako. Umagang umaga binabadtrip ako eh."sabi ko at tumawa naman sya habang inaakbayan ako."Pero teka nga bakit hindi ka pumasok sa loob? Kanina ka pa naghihintay dito?"tanong ko pero umiling sya.

"Mga 10 minutes before you get out. And for your second question. Sad to say pero nakakahiya namang bigla bigla na lang akong papasok dun diba. You know what we have now is not like the past. Kailangan ko pa silang suyuin and I'm still thinking about it."sabi nya kaya nginitian ko sya.

Pinagbuksan nya ako ng pinto at pumasok na ako sa loob ng kotse nya at pumasok naman sya sa kabila. Nagkwekwentuhan kame habang nagdadrive sya papuntang school.

"Talaga? Graduate ka na?"hindi ko makapaniwalang sabi at tumango lang sya.

"I need run our business at my young age and I must know what our another business is good about so that I will have no any problems in the future. So I could early start an investment for OUR future."pinagdidiinan nya talaga yung OUR kaya natawa ako..

"So kaya ka nandito sa Pilipinas kasi inaasikaso mo yung business nyo or yung "Another Business nyo"?"tanong ko emphasizing the another business.

"Both."sagot nya at naalala ko yung kay Carriett. Tuwing naalala ko yun kumukulo talaga ang dugo ko sa inis at selos. Ang lakas ng loob nyang lumapit lapit kay Shin. "Hey, about that girl, yung Carriet. Its just about our another business Yuki. I found out that she's the lost daughter of one of our enemies in the organization. So I used her as a bait for her father. Then after that we just disposed her immediately since she witnessed what had happened. "Simpleng sabi nya kaya nakaramdam ako ng awa dun kay Carriet.

"Kawawa naman."sabi ko kaya tumaas ang kilay nya."Yuki, if i didn't did that, your life will be in danger and I can't settle with that."sabi nya kaya naalala ko yung pagabduct saken at sa totoo lang yun ang kauna unahang pagkakataon na naabduct ako kasi dati rati kaya ko naman sila pero may ginamit lang talaga sila para madali akong makuha.

Mabilis kameng nakarating sa school at dun ko sinalubong sila Tadashi. Hanggang ngayon hindi pa rin sila okay ni Shin pero pinagdadasal ko na sana ay maging okay na sila. Sayang din yung pagkakaibigan nila no. At ilang months na lang ay graduation na namen kaya malapit na kameng makatapos ng College.

Ganun ang naging cycle araw araw at masaya ako kasi medyo medyo nagiging okay na ang dalawa kasi nagkakausap na sila minsan. Pero may mga araw na hindi ako nasusundo ni Shin kasi may Upcoming Project daw yung company nila at wala naman akong galit dun naiintindihan ko sya at alam kong hindi biro para sa kanya ang ginagawa nya. At sa totoo lang naging mature na sya at hindi na sya katulad ng Shin na nakilala ko noon. Yung basagulero at laging naghahanap ng gulo. Pero yung pagiging seryoso nya nandyan pa din siguro hindi na talaga matatanggal yun.

Once Again (The Seniors Book 2)Where stories live. Discover now