Chapter 11

269 6 0
                                    

••••••Yuki••••

Pagkauwi ko sa bahay ay ginawa ko lahat ng assignments at researches na pinapagawa samen. Nagaral na rin ako kasi malapit na ang last exam namen para sa 1st sem. Pero napatigil ako sa pagaaral ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Kumunot ang noo ko kasi unregisteres ang number at sino naman kaya ang tatawag saken ngayong disoras ng gabi? Hindi ko na lang pinansin. Pero nakakailang ring na ang cellphone ko kaya sinagot ko na lang kasi hindi ako makapagconcentrate sa pinagaaralan ko.

"Hello. Sino to?"

[Hello Yami! Buti na lang at nakuha ko tong number mo sa isang classmate natin kanina.]agad na napapikit ako ng makilala ko kung sino tong nangungulit saken ngayong gabi na at nagaaral pa ako.

"Pasensya ka na pero marami akong ginagawa at hindi ako nangeentertain ng kahit sino sino lang. So maghanap ka na lan ng mapapagtripan mo at hindi ako okay ba yun?"sabi ko at pinutol ko na ang linya ng tawag bago pa sya makasagot.

Nagbalik ako sa pagaaral pero napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog na ulit yun. Naiinis na ako kaya sinagot ko ulit.

"Hello. Diba sinabi kong busy ako!--"

[Miyuki]napatigil ako sa pagsasalita at napatingin at nakita kong unregistered number din yung nakalagay. Kaya kumunot ang noo ko. Sino na naman kaya to?

"Hello sino to?"tanong ko sa kabilang linya.

[I'm just someone you know but you don't really know that well.]sagot nya sa tanong ko.

"Teka pinagtitripan mo ba ako ha Hein? Hindi ako natutuwa sa ginagawa mo. Tumigil ka na at may ginagawa ako dito."

[Time is running. Find all the secrets that had been hid from you. Its just around you, you know.You must find it all out before everything's too late Miyuki. I'm warning you, your time is running.]sabi nya kaya kinutuban ako. Alam kong hindi ito si Hein dahil iba ang boses nya. Pero ang ipinagtataka ko ay pano nya nalaman ang pangalan ko?

"Who are you?"tanong ko sa kanya.

[Its for me to know and its for you to find out who am I.]sabi nya at agad na naputol ang linya ng tawag.

Hindi ko na naituloy ang pinagaaralan ko kasi hindi ako matahimik dahil sa sinabi nya. Ano bang ibig nyang sabihin? Sinasabi nya ba saking may inililihim ang mga tao sa paligid ko? Kung ganon ano?

Nang nakarating ako sa school ay nagulat ako sa biglaang paglitaw ni Hein sa harap ko at halos atakihin ako sa puso nung ginawa nya yun. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko habang sya ay nakangisi sa harap ko.

"Ano bang ginagawa mo? Aatakihin ako dahil sayo eh!"sabi ko sa kanya pero tumawa lang sya.

"Eto naman, sinusurprise lang naman kita kasi mukhang lutang ka eh. May problema ka ba?"tanong nya kaya napahinga ako ng malalim. Bumabagabag pa rin saken yung tumawag kagabi.

"Wala may iniisip lang ako. Sige una na ako."paalam ko sa kanya at naglakad na ako palayo sa kanya. Pero nahabol nya na naman ako.

"Tara hatid na kita sa first class mo."yaya nya at hindi na ako nakipagtalo. Habang naglalakad kame ay nakasalubong namen si Tadashi at Jely kaya tumigil ako para kausapin sila.

"O Yuki buti naman at nandito ka na. Akala ko nalate ka na naman eh."pangaasar ni Tadashi kaya sinamaan ko sya ng tingin. Ngumisi lang sya saken pero agad na nawala ang ngisi nya ng nalipat ang tingin nya sa katabi ko. Agad na kumunot ang noo nya.

"O bakit kasama mo na naman tong abnormal na to?"nakakunot noong tanong nya saken.

"Aba't hoy hindi ako abnormal. Normal ako nakikita mo?"sagot naman ni Hein sa kanya pero nginisihan lang sya ni Tadashi at halatang iniinis nya lang ito. Nakita kong kumunot na rin ang noo ni Hein dahil nahahalata nyang iniinis sya nito.

Once Again (The Seniors Book 2)Where stories live. Discover now