Chapter 12

265 5 0
                                    

°°Yuki°°

Ilang araw na ang nagdaan at palaging nakikisabay sa lunch namen tong tatlo at medyo naiilang ako kasi tinotoo talaga nila ang sinabi nila.

Nang nagring na ang bell ay inayos ko na ang gamit ko at naglakad na palabas ng room. Naglakad ako papunta sa tambayan namen. Pagdating ko dun ay naabutan kong nakasimangot si Dae at Hein at parang nakapagtaka kasi si Hein nakasimangot? Eh palagi ngang energetic yan eh at tsaka bakit kaya?

Napatingin ako kay Jinn ng tumayo sya mula sa pagkakaupo at mabilis na lumapit saken kaya medyo napaatras ako.

"Yuki. Uhm."kumunot ang noo ko dahil mukhang hindi nya alam ang sasabihin nya kaya napatingin ako kila Tadashi at Jely pero parehas lang silang nagpipigil ng tawa nila at mukhang may nangyari na hindi ko alam.

"Teka ano bang nangyari dito? At parang may kalokohan na naman kayong ginawa?"nakakunot noo kong tanong.

"Yan kasing tatlo kanina pa nagkakagulo kasi naguunahan sila sa pakikipagdate sayo."natatawang saad ni Tadashi pero hindi ko masyadong nagets.

"So anong nangyari?"di ko maintindihan kasi tawa lang sya ng tawa pati si Jely parang walang balak sagutin ang tawag ko.

"Nagbato bato piks sila at nanalo si Jinn sa kanilang tatlo. At natalo si Hein kay Dae. Kaya ang unang makikipagdate sayo ay si Jinn, sunod si Dae at huli si Hein."napatango-tango ako sa explanation ni Tadashi. Ganun pala pero bakit ba desidido tong tatlong to na makipagdate saken? Ano to trip trip lang?

"Uhm. Miyuki, can I? Can I ask you out later?"kinakabahang tanong ni Jinn, kaya napatingin ako sa kanya. Masyado syang misteryoso at parang may kahawig sya na di ko kilala. Pero magaan ang loob ko sa kanya ngunit hindi ganon kagaan.

Ngumiti ako at sinagot sya.

"Oo. Mga 5 pa matatapos ang klase ko. So pwede tayong magdinner sa labas ng mga 6."sabi ko at napangiti naman sya sa sagot ko.

"Okay then susunduin kita sa pagkatapos ng last class mo itext mo na lang ako."nakangiting sabi nya at tumango ako. Nakangiti naman syang naglahad ng upuan saken kaya umupo ako sa gitna nilang dalawa ni Hein. Tapos katabi ni Hein si Dae. At katabi ni Dae si Jely na katabi naman si Tadashi.

Pagtapos ng last class ko ay nakita ko si Jinn na naghihintay saken sa labas ng classroom namen. Medyo madilim na kasi late na kame pinalabas ng professor kaya naghintay yata ng matagal tong si Jinn.

"Uhm sorry ha medyo nalate ako naghintay ka pa tuloy. Yung prof kasi namen late na kame pinalabas eh."sabi ko habang naglalakad kame palabas ng school.

"Its nothing. Hindi naman ako naghintay ng sobrang tagal. But its worth it."sabi nya kayaa napangiti ako. Buti naman di sya nagalit.

Nang nakasakay na kame sa kotse nya ay pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse nya at pumasok na rin sya sa loob. Pinaandar nya ang makina ng kotse habang naglalagay ako ng seatbelt.

"So where are we going?"tanong nya habang nagmamaneho ng kotse.

"Hmm. Kumain muna tayo medyo gutom na kasi ako eh."suggest ko kaya tumango sya.

"Okay then. Which restaurant do you want?"tanong nya kayy napaisip ako. Okay lang naman saken kahit san. Kahit sa jollibee. Dun kasi akao laging dinadala ni Shin pag mamasyal kame kaya naging paborito ko na yun. Pero. Ano ka ba Yuki bakit mo ba sya iniisip?

"Uhm kahit saan na lang."sabi ko at tumango lang sya. Nabalot ng katahimikan ang loob ng kotse nya. Gusto kong magopen topic pero di ako sure kung magugustuhan nya or makakarelate sya. Pero sige bahala na para medyo hindi naman tahimik ang paligid.

"Uhm. Alam mo bang napakadami ng murder cases na nangyayari ngayon?"tanong ko pero tumango lang sya.

"Yep. But sorry I'm not interested."sabi nya kaya umiwas ako ng tingin. Sabi na eh hindi sya makakarelate. Tumingin na lang ako sa labas para kahit papano ay maaliw ako sa ganda ng mga stars sa kalangitan.

Pagdating namen sa isang restaurant ay pinatay nya na ang makina at tinanggal ko na ang seatbelt ko at pinagbuksan nya ako ng pinto. Inalalayan nya ako sa paglabas sa kotse. Naglakad kame papunta sa loob ng restaurant at naggreet ang guard samen.

Nakahanap agad kame ng two seater na upuan at umupo pero nagtaka ako kasi biglang may lumapit na waiter samen.

"Ah ma'm sir. Nakareserve na po yang two seater seat. Humanap na lang po kayo ng iba. Sorry po."sabi nung waiter at tumayo kami at medyo napahiya kame dahil sa nangyari. Napatingin ako sa lamesa at nakita kong may karatulang nakalagay na reserved. Naghanap kame ng two seater seat na upuan pero nakareseved na lahat. Na sya namang ipinagtataka ko.

Ang unusual kasi eh. Nakahanap na kame ng hindi reserved na upuan pero 4-seater seat ang nahanap namen. Habang kumakain kame ay parang naiinis ang itsura ni Jinn. Siguro dahil sa hindi pang two seater ang nahanap nya para samen. Pero saken okay lang naman yun eh.

"What the h*ll?!", agad na nabalik ako sa huwisyo ng narinig ko ang galit ma sigaw ni Jinn at nanlaki ang mata ko ng nakitang natapunan sya ng dalang juice ng isang waiter na iseserve sana samen. Napatingin ako sa waiter at halatang natatakot, kinakabahan at namumutla.

"Jinn. Tama na yan hindi naman nya sinasadya eh."sabi ko pero nagulat ako ng nagpatuloy sya sa pagsesermon dun sa lalaki.

"Do you want to f*cking lose your job huh? Where's your manager ? I want to talk to him!"galit na sabi ni Jinn. At dun ko narealize na ibang klaseng lalaki pala ang kasama ko. Akala ko kasi katulad rin sya nila Tadashi na napapakalma ko agad. Iba sya. At hindi ko gusto yun.

Pagkatapos naming kumain ng dinner ay nagpunta kame sa mall at pumili kame ng movie.

"My Ex and Why's."sabi ko at tumango naman sya. Mabuti na lang at wala masyadong tao kaya hindi kame maghihintay. Pero.

"Naku sorry po sir at ma'am. Sold out na po ang ticket namen. Mga bukas pa po ulit kame makakakuha."sabi nung babae at nagalit na naman si Jinn.

"What the?! Ano bang klaseng mall to?! Napakaimposible naman yatang wala na kayong ticket! Ano ba?! Niloloko nyo lang ba kame?!"napahilot na lang ako sa sentido ko dahil hindi ko alam kung pano ko mapapakalma si Jinn. Masyadong mabilis ang pangyayari. Nakahawak na kasi yung dalawang guard kay Jinn at pinipigilan syang suntukin yung guard.

Napapikit na lang ako at napaisip na isang disaster date ang nangyari.

"Sorry Miyuki. Our date was destroyed and that was their f*cking fault. But I'm thinking that maybe someone was sabotaging our date. Maybe because he doesn't want this thing to happen."sabi nya kaya napaisip din ako.

Nang nakarating na kame sa tapat ng kotse nya ay pinagbuksan nya na ako ng pinto at sumakay na rin sya. Pinaandar nya na ang kotse pero ayaw umandar. Kaya bumaba sya ulit at nagets ko ang nangyari ng nagmura sya habang nakatingin sa gulong ng kotse nya.



Gusto kong matawa sa kamasalang nangyayari o sa kalokohang ginagawa ng isang tao para lang hindi matuloy ang araw na to.






Isang tao lang naman ang pumasok sa isip ko na kayang gawin ang bagay na to. Hayss. Ang kulit nya talaga.








Once Again (The Seniors Book 2)Where stories live. Discover now