Chapter 5

288 10 2
                                    

Happy Valentines mga Readers!!!
So this is a Valentine Treat for all of you!!😍💜💞💖💕💗💓💞💑💏👫


•••••Tadashi•••••


Kanina pa ako nakahiga sa higaan at tinitingnan ang mga stolen pictures nya. Napangiti ako dahil ang cute nya sa mga picture na palihim kong kinukuha. Mabuti na lang ang hindi nya ako nahuhuli.



Pero agad na kumunot ang noo ko dahil sa may tumatawag at disoras na ng gabi pa. Agad kong sinagot ang tawag.


"Hello."

[Hello Tadashi, si Jiro to. Magtatanong lang sana ako kung kasama mo si Yuki ngayon? Kanina ko pa kasi sya tinatawagan pero nakaoff yung phone nya. Nagaalala na kasi kame dito eh. 11 na ng gabi tapos hindi pa sya umuuwi.]sabi ni Jiro kaya napabangon ako sa pagkakahiga.


"Eh kuya Jiro, kanina kasi nauna kameng umalis ni Jely. May ginawa pa kasi silang project dun sa school. At tsaka hindi na naman sya nagpahatid."sabi ko.


Naku san na kaya nagpunta yung babaeng yun?



[Ah ganun ba sensya na sa abala Tadashi. Sige salamat kami na lang ang bahala.]sabi ni kuya Jiro pero napaisip ako.


"Sandali lang, susubukan kong tingnan baka nasa tambayan pa sya."sabi ko.


[Sige, tawagan mo na lang ako kung anong nangyari. Hahanapin na rin namen sya ngayon. Sige ingat Tadashi.] sabi nya at pinatay ko na agad ang tawag.



Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo at kinuha ang jacket ko na nasa upuan. Kinuha ko muna ang cellphone ko at tinext si Jely.

To: Jely

Goodeve. Alam mo ba kung nasan si Yuki?

Nilagay ko na agad sa bulsa ang cellphone ko at kinuha ang susi ng motor ko na nasa lamesa. Lumabas ako ng kwarto at naglakad palabas ng bahay. Agad akong sumakay sa motor ko na nakaparada sa gilid. Dito ko talaga nilalagay to in case of emergency.


Nang nakarating ako sa tambayan namen which is ang bangin. Wala akong naabutang Yuki doon. Saan na kaya nagpunta yun?


Naglakad ako papalapit sa may railings at wala naman akong may nakitang kakaiba. Pumihit na ako patalikod para bumalik pero napatigil ako dahil parang may natapakan ako.


Agad kong kinuha yung natapakan ko at hindi ako pwedeng magkamali, kay Yuki tong necklace, pano ko nalaman? Yung pendant kasi ay isang singsing at alam ko na yung istura noon pa kaya hindi ako pwedeng magkamali.


Pero nagtataka ako, bakit to maiiwan ni Yuki dito? Hindi naman yun mahilig mangiwan ng gamit kahit saan, at tsaka importante to sa kanya kaya imposibleng iiwan nya lang to dito ng basta basta.


••••Yuki••••

Nagising ako dahil sa lamig nga tubig na natapon saken. Unti-unti kong minulat ang mata ko at nakita ko ang ilang lalaki na nakapalibot saken. Teka nasan ako?


Pinilit kong igalaw ang kamay ko pero napadaing ako dahil sa parang iniipit nito ang kamay ko kaya napatingin ako sa ginamit nilang pantali saken. Barbed wire.

"So gising na pala ang ating mahal na prinsesa."napatingin ako sa lalaking nasa harap ko ng magsalita ito.


"Anong kailangan nyo?"seryosong sabi ko kahit na hinang-hina ako sa loob.


Hindi ko alam kung anong tinurok nila saken para manghina ng ganito. Ni hindi ko magalaw ang mga paa ko. At nakita kong pati ito ay nakatali din gamit ang barbed wire kaya ng igalaw ko ito at kumirot dahil naiipit ang paa ko.


Once Again (The Seniors Book 2)Where stories live. Discover now