Epilogue

356 8 3
                                    

Author's Note: Happy Happy New Year guys!!! God Bless at Thank you, domo arigatou gozaimasu sa pagbasa at pagsupport sa journey ni Shin at Yuki and syempre with their beloved friends, and family...

GOD bless!! And this is the last.. Enjoy and stay tune for m next and upcoming stories!!

--

**YUKI**

Its been  5 months mula nang mangyari ang gulong yun na syang tumapos sa lahat ng paghihirap na dinanas namin.

Napabuntong hininga ako at hindi ko parin mapigilang manghinayang sa nangyari.
Kahit na ganun ang ginawa nya, hindi ko parin maitatangi na naging mabuting kaibigan sya sakin, na totoo yung pinakita nya sakin, it’s just that, mali ang sitwasyon namin at anak sya ng kalaban namin.

Hindi ko inasahan na sya mismo ang babaril sa papa nya pero dun pinakita at pinatunayan nya na kakampi namin sya, pero yun nga lang, hindi nya kayang tiisin ang papa nya dahil yun na lang ang meron sya.

“Still thinking about him?”mapait akong napangiti nang maramdaman kong niyakap nya ako mula sa likod at hinalikan ang pisngi ko.

“5 buwan na pala.”sabi ko at napangiti ako nang marahan nyang hinimas ang tyan kong nagsisimula nang lumaki.

“Yes, baby, you’re five months pregnant, and I’m very happy about it.”kunot noo  ko syang hinarap pero ngumiti lang sya. Pero binalik ko ulit ang paningin ko sa malawak na lupain na  nasa harap ko ngayon.

Masaya ako at nagpapasalamat kila kuya dahil niligtas nila kami nung muntikan na kaming mamatay. At ngayon ay nabigyan na  ng liwanag ang lahat ng katanungan ko…

“Hindi ko maintindihan kung paanong ako…”ilang araw nang makalabas kami ng ospital ay hiningi ko na ang lahat ng sagot sa mga tanong na gumugulo sa isipan ko sa babaeng nasa harap ko, may parte sakin na naniniwala pero natatakot akong baka lokohin na naman ako o di kaya ay naawa lang sya sakin kaya sinabi nya yun.

“Masyado nang malalim ang gabi nung nangyari ang sunog sa bahay nyo. It was not Noriko Yabuki who did that, sabihin na nating malaki ang galit nya sa kapatid nya dahil naiinggit sya dito at nagawa nitong ipapatay ang kaisa-isang lalaking minahal nya…”dun ko nakuha kung sino ang tinutukoy nya.

“Si, Mr. Yamato..”tumango sya at nagpatuloy.

“Akahashi Yamato, he was tasked to deceive Noriko by letting her fall inlove with him para madislose ni Noriko ang mga sikreto tungkol sa pamilya nya…”napakurap kurap ako habang nakikinig. So that’s it, the reason or should I say the root of all this.

“Later on, nalaman din yun agad ng tatay natin and he was the one who killed Akahashi, dun lubos na nagalit si Noriko and most especially Akahashi’s brother  and from then on, he vowed to avenge his brother’s death.”nakukuha ko na ang lahat pero bakit kami napunta sa ganitong sitwasyon?

“Ang sabi ni okasan, hindi sya sumunog ng bahay, so it means…”

“Yes, it was Akahashi’s brother, huli na kasi nung malaman ni Noriko yung tungkol sa plano ni Akahashi sa kanya, and it was too late for her to save her brother’s family, but you were lucky, dahil mas pinili ng magulang mo na isakripisiyo ang buhay nila para lang mailigtas ka..”pero nagtataka ako kung bakit..

“And if you’re wondering kung bakit ¼ lang ng bahay ang nasunog, I don’t know, hindi yun naikwento sakin, but maybe naagapan ni Noriko yung sunog and she did something para hindi na kumalat pa ang apoy, sinadya nya yun para kung magsimula ka nang magtanong tungkol sa katauhan mo, may mapupuntahan ka at may makukuha kang sagot….”

Once Again (The Seniors Book 2)Where stories live. Discover now