Chapter 47

152 2 0
                                    

**THIRD PERSON**

“Yuki.”sambit ni Shin habang nagaalalang tumingin sa pwesto nito kanina nang makaalis ito.

Marahas nyang inalis ang pagkakahawak sa kamay ni Yumiko at sikretong sinenyasan ang isang tauhan nya na sundan si Yuki na agad naman itong tumalima.

“What the hell are you doin—“hindi na naituloy ni Yumiko ang dapat sabihin dahil tinaas na ni Shin ang papel na naglalaman ng katibayan na syang nakasira sa plano ni Yumiko.

“This engagement is now void because I’m already married.”napasinghap ang iilan sa mga bisita lalo na ang mga magulang ni Shin na talagang sinadya ang pagpunta sa Pilipinas para lang makaattend sa engagement.

“S-Shin, ano  bang ginagawa mo? You’re ruining my plan—“

“Shut the fuck up Yumiko, hinding hindi kita pakakasalan. Gawin mo lahat ng gusto mong gawin but I will never marry you, I love Yuki more than anyone else, at sisiguraduhin kong hindi mo na magagalaw ang pamilya nya dahil ilalayo ko na sila sayo.”seryosong sambit nito pero agad na umiling si Yumiko.

Hindi makapaniwala ang iba habang nakatingin sa Marriage Certificate na pinapakita ni Shin ngayon, naging seryoso naman at napataas ang kilay ng mama nya habang nakatingin ito sa kanya.

“B-but how is that possible Mr. Shochkubai, hindi ba at may divorce naman sa Japa—“

“Everything is possible, I am still a Filipino citizen, hindi ko pinalitan ang citizenship ko nang pinalitan ko ang apelyido ko and last time I check, walang divorce sa Pilipinas.”mas lalong napasinghap ang mga tao, at nang balingan nya ng tingin si Yumiko ay umiling iling ito sa kanya na para bang nakapalaking kasalanan na ginawa nya.

Napabuntong hininga naman sila Tadashi nang marinig nila ang sinabi ni Shin, kasalukuyan sila ngayong lulan ng koste at pupuntahan ang lugar na sinabi ni Shin sa kanila kung saan ito makikipagkita sa kanila para alamin ang natuklasan nila.

Dissapointed na bumaba ng stage si Yumiko at hindi na nagsalita pa si Shin dahil umalis na rin ito habang dinadial ang number ng tauhan nya, pero naunahan sya nito.

“Boss..”

“Give me an update, anong nangyari?”mabilis syang pinagbuksan ng isang tauhan nya ng pinto habang pinapayungan sya nito dahil biglang umulan.

“Boss, naaksidente ang sinasakyan taxi ni Ms. Yuki—“agad na napakunot ang noo nya at napamura. Agad nyang sinisi ang sarili nya dahil sya ang dahilan kung bakit ito naaksidente, marahil ay nagalit ito at nasaktan dahil sa nakita kanina.

“What?! Where the hell is she now?”hindi nya na alam kung pano ihahandle ang lahat ng nangyayaring to, bakit ba biglang nagkasunod sunod lahat.

“Kinuha namin sya mula sa crime scene at dadalhin na namin sya ngayon sa ospital..”napahinga muna sya ng malalim at nagiisip ng paraan kung pano ito aayusin.

“Okay, Dalhin nyo na sya agad sa ospital, at after nyang magamot, get hert out of that fucking hospital immediately, okay?”agad namang sumangayon ang tauhan nya at binigay nya ang address kung saan ito dapat dalhin pagkatapos.

Sunod nyang kinontact ang family doctor nila at pinapunta nya na rin dun. Mas pinabantayan nya na rin ng maayos ang pamilya ni Yuki dahil alam nya ang magiging bunga ng mga desisyong ginawa nya.

Naisip nyang walang mangyayari kung mananatili syang alila ng babaeng yun, kaya naisip nyang gumawa ng hakbang na aayon sa lahat ng plano nya.

Kinontact nya ang isa nyang tauhan at ito ang sinabihan nyang kakausap at kukuha ng documents mula kila Tadashi at kinontact nya rin ang huli para masabihan ito ng dapat gawin.
Hindi lang isang beses syang nagdasal para sa kaligtasan na babaeng mahal nya habang tinatahak nila ang daan papunta sa bahay na malayo sa syudad at ang bahay kung saan nya nakasama ng 4 na araw ang babaeng ngayon ay nasa bingit ng kapahamakan.

Once Again (The Seniors Book 2)Where stories live. Discover now